"HINDI BA'T SINABI NA NAMIN SAYO NA WAG KANG TATAWAG NG MGA PULIS?" Galit na sigaw ng lalaki.
Ikinasa ng lalaki ang baril at tinutok ito kay Bea.
"BAKIT KA TUMAWAG NG PULIS?"
"Paano ho ako tatawag kung wala naman akong cellphone!" Sabi ni Bea sa dalawang lalaki.
"Aba sumasagot pa to pare, tuluyan mo na kaya" Sabi pa nung lalaki
"Oo o Hindi, tumawag ka ba ng pulis o hindi?"
Ngunit nabigo ang dalawang lalaki dahil hindi manlang kumibo si Bea.
"ANO HINDI KA SASAGOT? SAGOT!" Galit na sabi ng lalaki.
"Ang gulo nyo! Kanina ayaw nyo kong sumagot tapos ngayon nagagalit kayo" Reklamo ni Bea kaya naman bumilang ang lalaking may hawak ng baril.
"ISA!"
"Hindi po ako tumawag ng pulis"
"DALAWA!"
"Maawa po kayo sakin, may mga pangarap po ako sa buhay. Kung gusto nyo po ay bibigyan ko kayo ng pera kahit magkano"
"Hindi pera ang kailangan namin! Kailangan namin ng laman ng tao"
"Please.." pag mamakaawa ni Bea
"Pare wag mo munang iputok yung baril, nandyan na mga pulis!"
Agad naman naalerto si Bea at nakita nya ang magulang nya kasama ng mga pulis.
"MOM! DAD! HEL-" Sigaw ni Bea ngunit hindi nya pa ito naipagpatuloy dahil tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig.
Hindi sya makahinga kaya hindi na nya alam kung mabubuhay pa ba sya o hindi na.
Inisip ni Bea na baka eto na nga talaga ang huling araw ng buhay nya.
Sapat na ang sigaw na iyon para marinig ng mga magulang nya ang sigaw nya.
Kaya naman nahanap ng mga pulis kung saan nanggaling ang sigaw at natagpuan nila doon si Bea na walang malay.
Ang limang pulis ay hinabol ang dalawang lalaki na tumakbo at pinaputukan para huminto.
Habang ang natitirang pulis naman ay isinakay na si Bea para maidala na kaagad sa hospital.
"Bea! Anak! Lumaban ka.." pagmamakaawa ng mama nya..
"Bea.. Fight for yourself! Lumaban ka hanggat kaya mo.." Sabi naman ng Daddy ni Bea
"Bei..wake up!" sabi ni loel.
Mangiyak ngiyak silang tatlo dahil hindi na humihinga si Bea
Napag tantuan nila na ito'y hinimatay dahil hindi ito nakahinga ng maayos.
At ang tanging magagawa nalang nila ay ang manalig sa Diyos at sana ay makarating kaagad sila sa hospital para mailigtas pa ang buhay ni Bea.
--
JIA's pov
Inulit ulit ko lang ang mensahe samin ni Bea..
Inulit ko kasi baka sakaling buhay pa sya sa tape na iyon..
Kumuha ako ng isang basong tubig at nilagay sa lamesa.
Wala kong ginawa sa maghapon kundi umiyak at manalig sa itaas.
Napag isipan kong magdrive papuntang Church of the Gesu.
"Pag malungkot ka at wala ako, pumunta ka lang sa Church of the Gesu.." Sabi ni Bea noong una kaming nagkakilala.
Kaya naman pumunta ako doon at sakto naman na walang tao sa loob nito.
Sa pinaka dulo ako ng row ng mga upuan ako pumwesto.
"Lord..please let me thank you for saving my life..for giving me another chance to live. I don't want to ask you a question in everything..but.. Does all these things needs to be happen? I mean..Lord, Losing one of my fave person is like my life and death.."
Naka blue pa man din ako at walang dalang panyo.
Kaya no choice ako kundi ipunas ang mga luha ko sa tshirt ko.
Maya maya pa ay nagulat nalang ako ng may biglang tumabi sakin.
"Kunin mo 'tong panyo" Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam ko naman na boses iyon ni Jho.
"Nandito lang ako.." sabi nya at inilagay nya ang ulo ko sa shoulder nya.
Mag bestfriend talaga sila ni Bea, haha.
Ganyang ganyan si Bea sakin, kaya naalala ko nanaman yung huling gabing kasama ko sya sa isla na walang katao tao.
"Kung buhay pa si Bea..for sure makakabalik yun" Sabi ni Jho
"P-paano..kung hindi na?"
"Jia.. Malabong mangyari yan"
"Pero paano nga?"
"Siguro magiging masaya pa din sya..Dahil nakikita nya ang lahat ng kilos mo. At alam nyang okay ang kalagayan mo"
"Do you think..there's still a posibility na buhay pa sya?"
"Oo naman. Wag kang mawawalan ng pag asa Jia.. Nandito lang kaming mga team mates mo" sabi ni Jho.
Natahimik kami saglit at walang nag salita samin dalawa.
Nagulat nalang ako na biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Kaya naman napatikwas ako at napatayo kaagad.
"Oh Jia san ka pupunta?"
"Hindi ko alam pero sa palagay ko may nangyaring masama"
"Jia wag ka ganyan"
Kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa dibdib ko.
Maski sya ay nagulat sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Na baka nga mayroon ng nangyari kay Bea.

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanfictionJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...