JHOANA's pov
Wala naman nangyari sa nakaraang dalawang araw. Same lang din, puro ganap ang JiBea. Haha!
Ngayong araw wala kaming training. Jog lang sa oval tsaka weights lang.
Kasi nga may laro kami mamayang 4pm. Naisip kasi ni Coach Sherwin na baka mapagod lang kami, at mawalan ng energy mamaya.
Lalo na, NU ang kalaban namin.
-
Nagkaroon kami ng Team ng hindi pagkakaintindihan mula kahapon. Pero mas naging okay naman na yung pakikitungo namin sa isa't isa kanina.
Sabihin na natin na Sobrang pagod na kami kahapon hanggang ngayon. Kaya nag init na yung ulo namin sa sobrang stress.
Nagagalit na si Coach Tai nun dahil nanghihina na kami sa pagod.
Para na kaming naligo. Dahil basang basa kaming lahat ng pawis. Pati ang buhok namin basa na din.
Lahat kami naka form ng circle, kapag hindi mo nasalo yung Bola na biglaang ihahagis sayo ni coach, Mag ppush up kaming lahat ng 10 times.
Doon nagsimula ang alitan namin lahat.
Madalas kasing hindi namin nasasalo ang bola, kaya nakakailang push up na kami.
Dapat nga hindi kami pagudin ni coach, kasi may game pa kami.
Mabuti nalang at inawat ni Coach Sherwin si Coach Tai, dahil sobrang nanghihina na kami.
Syempre, stress na nga pagod pa. Nawalan din kami ng tubig, dahil pinatago ni Coach Tai.
Ganyan si Coach kapag nagagalit. Kapag hindi mo nasasalo yung mga bola
Ganyan sya magalit.
Tapos yung mga bashers kung makapag salita akala nila madali yung ginagawa kapag may training.
-
Bukod dun, 5:45 hanggang 9:30 ang training namin kanina. Kasama na dun ang warm up namin na umaabot ng 30 minutes at Jog naman sa oval ng Isang oras.
Sa isang oras kailangan maka 8 laps kami.
-
Ngayon, papunta na kami sa San Juan Arena para lumaban sa NU.
Sa totoo lang, wala kaming gana maglaro, pero kailangan pa din.
Kung hindi, papahirapan nanaman kami ni Coach Tai.
Sobrang pagod na pagod kami.
Makalipas isang set, nakuha 'to ng Lady Bulldogs.
Sinubukan namin bumawi sa 2nd set pero hindi namin nakuha.
Kung makikita nyo, hindi ganon ang laro namin nung last game kesa ngayon.
Nung nag 3rd set na, sinimulan ni Bea na mag init sa loob ng court. Doon kami nag start lumaban lahat at bumalik na ang closeness ng team.
Hanggang sa umabot ng 4th set, na sinubukan namin ipanalo kaya lang nanalo ang NU laban samin.
Hindi naman namin sinisi si Jia nung na out nya yung service nya.
Okay lang samin, basta naglaro kami ng masaya.
One game at a time, babawi kami next game.
-
Kahit natalo kami ng NU kanina sa game, walang magbabago samin.
Sabi nga nila, bilog ang bola. Sa laro may nananalo may natatalo.
Pagod kaming lahat, at bukas ng umaga may training nanaman.
Ganun kasi kami dinidisiplina ni Coach Tai. Kapag natalo kami at tsaka kung hindi maganda ang laro namin panigurado may training kinabukasan.
Sana nga tigilan na kami ng mga bashers. Kahit na hindi na namin sila pinapansin, nakaka sagabal pa rin yung nga sinasabi nila lalo na kapag sinabayan ng pagkatalo sa game.
Yung iba kung makapang bash samin, akala nila madali lang yung buhay namin.
Marami kaming natatanggap na mga salita na sobrang nakakasakit na ng damdamin.
Hindi ko alam kung ako lang ba talaga yung hindi nakapag timpi.
Nag tweet ako at pinag kaguluhan nanaman.
Kung ano ano nanaman yung iniisip nila.
Jhoana Maraguinot
@JhoanaLouisse
Hindi Beauty Pageant yung sinalihan ng Team namin para ikumpara nyo yung mukha namin sa iba.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanficJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...
