Chapter 5

1.7K 34 5
                                    

BEA's pov

Simula na ng Season 77, at hindi nanaman mawawalan ng mga bashers

Nandyan naman palagi si Jia, para hindi na ako maapektuhan.

"Alam mo, hindi lahat ng tao magugustuhan ka. Syempre, sasabihin nila kung ano yung gusto nila sabihin para lang masiraan ka. Hindi mo naman kontrolado yung mga Bashers eh. Bashers will always be their selves. "

That's what I like about Jia.Papagaanin nya yung loob ko, para lang hindi na ko maging malungkot.

almost 4 months na simula nung nagperform si Jia dun sa Ally's.

Hindi naman sya nagbago. Nanatili pa din kami sa pagiging mag kaibigan.

Minsan nagseselos si Jho, kasi akala ng karamihan eh mag jowa kami ni Jia.

Pinaliwanag ko lahat kay Jho. At naintindihan naman nya, hindi din naman mawawala yung mga selos na yan eh.

Mas naging okay kami ni Jia nung naging mag kaibigan na kami. Hindi ko nga alam kung paano nya nagawang makipag kaibigan saakin, at tulungan pa ko kay Jho.

Sinusubukan ko naman mahalin si Jho, Pero iba pa din talaga kapag si Jia.

"You know what, Ji? that's why I love you. Through my ups and downs, palagi kang nakaalalay. "

"Syempre naman Bei"

"Let's have a date, Jia."

"No, haha. It should be Jhoana :) I'll text her nalang. "

Wala na kong masabi pa, at umoo nalang ako. No choice naman eh

-

Nandito kami ngayon ni Jho sa UPTC, dating gawi. Seryosong kainan, at walang gustong bumasag ng katahimikan.

"Bea, do you still love her? "

"To answer your question, Yes I still love her. Pero hanggang doon nalang eh"

"Okay lang naman sakin, kung mahal mo pa sya. I can help you naman para bumalik kayo sa dati. Besides, ako din naman ang may kasalanan. "

"Uy wala kang kasalanan dito. haha, anyways Thankyousomuch Jho. But, how?"

"Diba you told me na tinutulungan ka nya para maging tayo. Edi let's have a secret nalang. Minsan lang ako sasama sayo, at dapat kayo naman ni Jia ang mag ganitong date."

"Thank you Jho. You don't know how happy I am. "

"You're always welcome, Bea. Friends? "

"friends. pero patago lang muna ha. I want to start this story na"

-

MICH's pov

Nandito kami ngayon ni Jia sa UPTC. inaya ko sya dito,at pumayag naman sya.

Then, nakita namin si Bea at Jho. Kung titignan mo parang wala silang nararamdaman sa isa't isa.

hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Jia sa kung saan ako nakatingin ngayon.

"Masakit pa din ba? "

"masakit pa din eh. Kaya ko naman to ginagawa para tigilan na din ako ni Bea. Masyadong komplikado kung ibabalik pa namin yung dapat ibalik."

"I got your back, Ji"

"Thanks, Mich. Alam mo naman kung gaano ko sya ka-mahal"

"Ang mabuti pa,bumalik na tayo sa dorm. May training pa bukas tapos may laro nanaman tayo sa Fil Oil"

-

Hindi nyo alam kung gaano nasaktan si Jia nung iniwan sya ni Bea.

Flashback..

"Mich, hanggang ngayon cold pa din si Bea sakin. Anong gagawin ko?"

"Mawawala din yan. Baka busy lang talaga ganun"

at sakto naman na dumating ang dalawa na si Bea at Jho na magka-holding hands pa.

"Mich, pwede bang doo muna ako matulog kila ate Ella?"

"Oo naman. Sige lang Ji, kakayanin mo din yan."

Alam kasi namin na may gusto din ni Jho si Bea. At ganun din naman si Bea kay Jho.

pinagmasdan ko ang kilos ni Jia pero parang hindi na sya okay.

bago pa nya buksan yung pinto nila ate Ella, may nagflash siguro sa screen nya kaya napatigil sya.

Lumingo sya sakin at ipinakita yung nagflash sa screen nya.

"Mich.."

tumakbo sya sakin para makita ko yung text message

From: My MVP 🙈

I don't want to be with you anymore. I choose Jho, because she is not possesive like you. Nasa tamang oras sya kung magselos. Im sorry Jia, 1 week na kami bukas ni Jho. Sana maintindihan mo ako. Iloveyou Jia. You'll always be a part of my heart.

nanghihina na sya kasi hindi nya kinaya yung ginawa ni Bea.

Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko. Kung malulungkot ako para sa kanya, o kung maiinis ako dahil sa ginawa ni Bea. O magagalit.

Hindi naman tama yung ginawa ni Bea. Dapat personalan nyang sinabi para mas maintindihan sya ni Jia.

Magang maga na yung mata ni Jia dahil sa kakaiyak. Wala naman kaming training bukas dahil tanghali pa makakauwi si Coach Tai galing sa Meeting about sa UAAP Season 76.

Naiinis ako kasi hindi ko ma-imagine na magagawa yun ni Bea.

Biglang bumaba si Bea at kinausap si Jia sa labas.

Syempre binigyan ko sila ng privacy at nanatili lang ako kung saan ako iniwan ni Jia.

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon