Chapter 13 ( Advice Serye )

1.2K 30 1
                                    

JIA's pov

Nandito na kami sa BEG at nag wwarm up na, partner ko ngayon si Bea.

"Ji, dapa"

At ayun, binanat nya yung kamay at likod ko

matapos nya kong banatin, ako naman gagawa sa kanya.

Imbis na banatin ko sya, humiga nalang ako sa likod nya mabigat naman ako eh.

"Ji mas maganda kung ganyan nalang, masarap sa pakiramdam"

"Wag ka nga! Hahaha.. porket mabigat lang eh"

Nagstart na ang training.

-

Halos limang oras din kami nag training ngayon, syempre gutom na gutom na kami. Akala namin tapos na yun pala ililibre daw kami ni Coach sa Mcdo

pwede na, hahaha. Pampawala ng gutom.

Bukas wala kaming training dahil may mga klase na kami.

Same sched lang kami ni Bea kapag MWF, kaya for sure sabay nanaman kami nito.

Mas okay na yung kasabay ko sya palagi, mas kampante ako.

-

Bago matulog, nagkwentuhan muna kami ni Bea, 10am pa naman class namin dalawa.

eh 9:42pm palang naman

niyaya nya ko na dun muna kami sa lobby magkwentuhan, sakto naman na nandun si Jho kasama si Bengs baka may advice serye nanaman haha.

Sinali kami ni Beng sa advice serye nila Jho.

Bengga: Okay, so ngayon love triangle muna tayo

Jho: Ay nako bes, walang ganyan

Bengga: Charot lang eto naman. Oh game na ba?

Kami: Game!

Bengga: Meron kasing tanong sa isipan ko na gusto kong malaman yung sagot. yung Bakit kapag nagmamahal, kailangang may masaktan?

nagkatinginan muna kaming tatlo, na parang masasabi mo na hindi kami parehas ng isasagot.

Bea: Ay iba

Jia: ay Magkaiba sagot namin

Jho: Feeling ko mas maganda isasagot ng dalawang 'to eh

Bengga: Anuna na bes, sagot na. Hahaha

Jho: Oh si Bea muna

Bea: For me, uhm.. It's complicated. HAHAHAHAHAHA Joke! uhm, I..I think its normal naman kapag nagmamahal kailangan mong masaktan

Jho: Ayy iba talaga. Para sakin ano, uhm. HAHAHAHA teka beks wala ko maisip, ahm.. Hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nagmamahal ng totoo diba

Jia:Normal lang yung masaktan ka kapag nagmamahal, kung hindi ka nasaktan ibig sabihin nun hindi ka nagmamahal ng totoo. Gaya nga ng sabi ni Jho, Kapag nag mamahal ka ng totoo, normal lang na masaktan tayo. Pag ibig yan eh, puso natin yung pinapabayaan natin kapag nasasaktan diba? o baka kaya hindi sya nasaktan, kasi ako..este ikaw yung nagmamahal ng todo sa kanya.

Bengga: Teka parang naging totoo na yung problema ko HAHAHA

Jho: Niloloko mo nanaman kami eh HAHA

Bengga: May isa pa kong problema

Jia: Oh sige ano yun

Bengga: Paano kapag may gusto ka sa bestfriend mo, pero ayaw mong masira yung friendship na meron kayo?

Bea: Do we need to answer that question HAHAHA It's very serious doe

Bengga: Serious naman 'to ahh

Jho: sa tingin ko hayaan nyo nalang yung tadhana na pagtagpuin yung puso nyong dalawa. Kesa na sabihin mo kaagad, eh baka unti unti na syang lumalayo sayo

Jia: Dapat sabihin mo na kaagad. Hindi sa nag mamadali, pero malay mo naman may feelings na din pala sya sayo.

Im getting serious right now.

Bea: For me, when you feel the love with a spark of your bestfriend, tell her na. I agree what Jia said. Coz is true. Last time, I admit my feelings to my bestfriend. and I didn't fail. Kasi nararamdaman ko yung pagmamahal nya ay higit pa sa pagmamahal ng bilang matalik na kaibigan

Jia: That's deep

Bea: Of course you know that. Haha

Jho: Ay may ganap

Bengga: May ganap, may ganap..

Then nagulat ako nung saktong nag katitigan kami ni Bea ay may biglang nag click.

Tinweet ni Bengga yung picture namin dalawa. For sure, gegerahin nanaman kami ng mga shippers. Haha

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon