Lagpas alas dose na ng gabi pero hindi pa din sila tumitigil sa paghahanap.Walang natulog kahit isa, dahil delikado ang maglakbay sa gabi lalo na't collage students lang sila.
Lahat ay nag tulong tulong at makikita mo naman ang sakripisyo at pag hihirap ng bawat isa.
Habang ang dalawa ay nagsasagwan sa kabilang balsa, ang dalawang tao ay nasa dulo ng balsa para balansihin ang bigat.
At ang dalawa naman ay ang nag iilaw sa dagat na kung sakali ay makita nila ang hinahanap nila.
Pinipigilan na ni Jho ang mga nag sasagwan dahil baka mapwersa sila at mawalan ng sigla pag sapit ng umaga.
"Hindi.. Hindi pwede.." sabi ni Mich habang umiiyak dahil may posible na baka hindi na nila makita ang kanilang hinahanap.
Lahat ay malungkot at tila walang ganang ngumiti ang lahat.
Na kung sana ay hindi sila pumunta sa isla na to ay hindi mangyayari ang pagkawala ng kasama nila.
Ilang saglit pa ay bumitaw na si Mich at hindi na kinaya ang pagod kaya't napag pasiyahan nila na kumain muna at magpahinga at hintayin na ang paglitaw ng araw.
Mabuti nalang at hindi umuulan kaya naman hindi malakas ang alon.
Pero kahit papaano ay nahihirapan pa din sila sa pag sagwan dahil sa paghampas ng maliliit na alon sa kanilang balsa.
Lahat naman sila ay nasa kumportableng suot.
Ang ilan sa kanila ay suot ang jersey nila noong season 79.
--
Sa kabilang isla naman ay ligtas ang dalawa.
Walang nangyaring masama sa kanila pero problemado pa din sila dahil madilim at hindi nila alam kung safe ba sila sa kung saan sila napadpad.
Hindi sila nalunod.
Nung sinagip ni Bea si Jia ay akala nila na ang direksyon na nilalanguyan nila ay papunta sa kanilang mga kasama.
Ngunit ang direksyon na nilangoy nila ay papalayo sa isla na pinag bakasyunan nila.
Parehas silang kinabahan sa nangyayari sa kanilang dalawa dahil delikado na ang buhay nila lalo na't hindi sanay sumisid ng matagal si Jia sa malalim.
Ngunit nandyan naman si Bea para gabayan sya.
Habang sumisisid sila ay hinigpitan ni Jia ang pag hawak nya sa kamay ni Bea.
Ang ibig sabihin nito ay nawawalan na sya ng hinga.
Kaya naman nagpalutang muna silang dalawa hanggang sa may natanaw silang isla.
Napag pasiyahan nilang dalawa na doon na lamang mag pagabi at sa kinaumagahan nalang sila hihingi ng tulong.
--
"Bea natatakot ako" sabi nya kay Bea.
Madilim na kasi sa isla na napuntahan nila at wala din katao tao.
Kaya naman hindi pa din sila napapanatag kung ligtas pa ba sila sa lugar na iyon.
"Jia, look! may ilaw sa dagat" sabi ni Bea at tinuro ang lumulutang na kung ano.
Inisip ni Bea na baka balsa iyon dahil may mga nakasakay na tao.
Sisigaw na sana si Bea ng tulong ng may marinig sila na kung anong pumutok na hinihinalang galing sa putok ng baril.
Kaya agad tinakpan ni Jia ang bibig ni Bea dahil kapag itinuloy pa nito ang pag sigaw ay baka mapahamak pa sila.
Napayakap nalang si Jia kay Bea dahil nanginginig na ito sa takot.
Kaya naman niyakap pabalik ni Bea si Jia at kinulong ito sa kanyang mga bisig.
"Kaya natin to Jia.." bulong nya kay Jia.
Kaya naman sa hindi inaasahan ni Bea ay tumulo ang luha ni Jia. At naramdaman nya ito.
Pati sya natatakot at gusto nalang din umiyak. Pero hindi nya ito pinapahalata kay Jia dahil ayaw nyang maramdaman ng girlfriend nya na hindi nila makakaya ang sitwasyon dito.
Wala silang tubig o pagkain at wala silang ilaw.
"Sige na..matulog ka na. Babantayan kita" sabi ni Bea kay Jia at hinawi hawi ang buhok.
"Hindi ako matutulog Bea. Kaya kong hindi matulog, eh ikaw kaya mo ba?" tanong ni Jia
"Kayang kaya ko Jia..pasensya na at ng dahil sakin kaya tayo napadpad nito" sabi ni Bea.
"Wala ka naman kasalanan. Choice ko yun na kunin ang bola. Gaya nga ng sabi mo ay importante sayo yun dahil bigay pa yun ng bestfriend mo na hanggang ngayon hindi pa din nahahanap"
"Pero paano nga ba nawala ang bestfriend mo?" Tanong pa ni Jia
"She went to an quite island daw, and then they all slept sa loob ng tent. And when the sun rises, wala na sya sa loob. The day before she go on their vacation, she gave me this ball..She said she will never forget me, and wherever she is.. she will be supporting me no matter what" Sagot ni Bea.
Napaisip naman bigla si Jia at bigla nalang kumabog ang dibdib nya.
"Paano kung mawala din ang isa samin at ganun din ang mangyari samin ni Bea? gaya ng pagkwento nya, nawala ang bestfriend nya sa isla..at ngayon, napahiwalay kaming dalawa sa team mates namin at hindi ko nasisigurado kung makakabalik pa ba kami ng ligtas" Nasa isip ni Jia
Makabalik pa nga ba sila ng ligtas?
A/N
Sorry kasi hindi solid yung mga ud ko. :<

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanfictionJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...