Author;
Pag tsagaan nyo muna 'to. Bawi ako sa inyo, promise. Patatagalin natin 'to ng ilang taon. HAHA Jk.
JHOANA's povNagkaroon kami ng Team ng hindi pagkakaintindihan mula kahapon. Pero mas naging okay naman na yung pakikitungo namin sa isa't isa kanina.
Sabihin na natin na Sobrang pagod na kami kahapon hanggang ngayon. Kaya nag init na yung ulo namin sa sobrang stress.
Nagagalit na si Coach Tai nun dahil nanghihina na kami sa pagod.
Flashback..
"Do yo wok! can do can win tomowo"
Hanggang sa napansin ako ni Coach at sakin naman hinagis ang mga bola
"You also do yo wok!! be mindful!, always heartstrong!"
Nakasimangot na kaming lahat kasi hirap na hirap na kami
This time, hinagis naman nya ang bola kay Jia
"JIAAAA! Catch the ball well oke?"
"Yes Coach."
"Easy ball! easy ball!! " Sigaw ni Coach samin lahat.
At umabot sa punto na isa isa kaming pinaulanan ng bola ni coach Tai.
End of flashback..
Para na kaming naligo. Dahil basang basa kaming lahat ng pawis. Pati ang buhok namin basa na din.
Lahat kami naka form ng circle, kapag hindi mo nasalo yung Bola na biglaang ihahagis sayo ni coach, Mag ppush up kaming lahat ng 10 times.
Doon nagsimula ang alitan namin lahat.
Madalas kasing hindi namin nasasalo ang bola, kaya nakakailang push up na kami.
Pero sa kabila ng lahat, ineenjoy nalang namin yung pag ppush ups namin.
Ganun naman talaga diba, Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.
Kaya ayun, damay damay na din.
Pipilitin mong ipakita na nasisiyahan ka, para hindi din sila madamay sa kondisyon mo.
Dapat nga hindi kami pagudin ni coach, kasi may game pa kami.
Mabuti nalang at inawat ni Coach Sherwin si Coach Tai, dahil sobrang nanghihina na kami.
Syempre, stress na nga pagod pa.
Ganyan si Coach kapag nagagalit. Kapag hindi mo nasasalo yung mga bola
Ganyan sya magalit.
Tapos yung mga bashers kung makapag salita akala nila madali yung ginagawa kapag may training.
Natapos ang training namin, at sabay sabay kaming napahiga sa loob ng beg.
Sobran nakakapagod, tapos pag uwi sa dorm kailangan gumawa ng mga requirements para di kami bumagsak.
Nale-late na din kasi kami sa mga lessons, kaya pag may free time, pinupursige talaga namin na matapos ang lahat sa oras na yun.
-
Bukod dun, 5:45 hanggang 9:30 ang naging training namin kanina. Kasama na dun ang warm up namin na umaabot ng 30 minutes at Jog naman sa oval ng Isang oras.
Sa isang oras kailangan maka 8 laps kami.
-
Ngayon, papunta na kami sa San Juan Arena para lumaban sa NU.
Sa totoo lang, wala kaming gana maglaro, pero kailangan pa din.
Kung hindi, papahirapan nanaman kami ni Coach Tai.
Sobrang pagod na pagod kami.
Meron pa nga samin kanina na, nag aaral sa loob ng bus. Dahil pumapalapit na yung araw ng Finals.
Pumasok na kami ng Arena, at nag hiyawan naman ang mga Ateneo fans.
Mahirap ngumiti, lalo na kung hindi mo naman talaga kaya..
Maya maya pa ay pumasok na din sila Jaja. Naka Game face sila ngayon, kaya naman mas lalo kaming pinanghinaan.
Hanggang sa pinakilala na ang mga starting six sinusubukan na ni Bea pagaanin ang loob ng Team.
-
Makalipas isang set, nakuha 'to ng Lady Bulldogs.
Sinubukan namin bumawi sa 2nd set pero hindi namin nakuha.
Kung makikita nyo, hindi ganon ang laro namin nung last game kesa ngayon.
Nung nag 3rd set na, sinimulan ni Bea na mag init sa loob ng court. Doon kami nag start lumaban lahat at bumalik na ang closeness ng team.
Hanggang sa umabot ng 4th set, na sinubukan namin ipanalo kaya lang nanalo ang NU laban samin.
Hindi naman namin sinisi si Jia nung na out nya yung service nya.
Okay lang samin, basta naglaro kami ng masaya.
One game at a time, babawi kami next game.
Mark our word.
-
BEA's pov
We lost our game today against NU. I admit that they are super strong, especially their Tower, Jaja Santiago.
Wala eh, we are all tired na.
We knew in ourselves na kaya pa namin lumaban.
We are on our way to Ateneo Campus, at sa kalagitnaan ng biyahe wala ni isa ang gustong mag salita.
Most of us, tulog.
Yung iba naman, ginagawa ang kailangang gawin sa pag aaral.
Seatmate ko si Jia, at sa bawat hinga nya, ramdam ko ang pagod nya.
"Hey Ji, matulog ka muna. Sa dorm mo nalang gawin yan.."
"Wag na. Patapos na din naman"
-
Nang makarating kami sa dorm, hindi pa din tapos si Jia sa ginagawa nya
"Akala ko ba, patapos na?"
"Sorry na. Hahaha.."
"Congrats nga pala kanina"
"Di naman nanalo eh, pero thank you na din"
"Di nga nanalo. Pero nanalo ka naman sa puso ko. Besides, kahit minsan wala tayong magandang receive na-sset mo pa din ng ayos"
"Thank You. Congrats din"
I kissed her forehead at pumasok na ng kwarto namin.
Everyone is tired.
I am hoping pa din na sana wala munang training bukas.
I don't wanna see my girl in pain..

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanfictionJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...