Chapter 40 Day 3

660 23 3
                                    

Lumitaw na ang araw, ngunit nanatili pa din gising si Bea.

Habang si Jia ay tulog pa, naghanap muna sya ng inumin o kahit anong pwedeng makain.

Sa likod ng isla ay Gubat naman iyon at malamang puro puno.

Nakakita si Bea ng puno ng Buko. Kaya naglakas loob syang akyatin iyon para lang may mapakain kay Jia.

Nang makuha nya iyon, namoblema naman sya kung paano nya bubuksan ang buko.

Kaya naghanap sya ng bato na matalim at pinag tsagaan nyang biyakin ito.

Nahirapan sya ngunit kapalit naman nito ay ang mapapakain nya sa girlfriend niya.

Habang si Bea ay kumukuha sa puno ng saging ay biglang nagising si Jia.

Nagulat sya ng mawala ang kasama nya at inisip nya na baka nawala na ito kagaya ng pagkawala ng long lost bestfriend nya.

"Bea?.. Bea?! BEA?!" Sigaw ni Jia.

Rinig naman ito ni Bea at agad syang bumalik sa girlfriend nya.

Nang makita sya ni Jia ay tumakbo ito sa kanya at niyakap habang umiiyak at sinabing "Akala ko napano ka na.."

Napangiti nalang si Bea sa ginawa ni Jia at iniabot na ang nakuha nyang buko at saging.

"Kumain ka lang dyan" Sabi nito sa kanya

"Eh ikaw? kain ka na din. Sabayan mo ko"

"Makita lang kita busog na ko eh" banat ni Bea

"Isa! Say ahhhh" sabi ni Jia at ginawang Baby si Bea dahil sinusubuan nya ito

--

Sa kabilang dako naman, ay patuloy pa din sila sa pag sagwan para mahanap ang nawawala nilang kasama.

Hindi naman nila inisip na baka may posibilidad na nalunod ang dalawa dahil marunong naman silang sumisid.

"Ate, why don't we try to visit the quite island we saw last night?" sabi ni Deanna

Nung isang gabi kasi ay nakakita sila ng isla mula sa kalayuan.

Madilim ito at wala din katao tao.

Pero pakiramdam nila ay mayroong tao doon kahit madilim.

Dahil narinig nila ang putok ng baril.

Madilim na din kasi nung gabing yun kaya hindi na nila napuntahan ang kabilang isla.

"Pagbalik nalang natin Deanna, mukhang malayo na din kasi tayo" sabi ni Mich.

Ang ilan sa kanila ay hinihinalang nandoon si Jia at Bea dahil may narinig sila na putok ng baril nung gabing iyon.

Inisip din ng ilan sa kanila na baka kung napano na ang dalawa dahil sa purok n baril na narinig nila.

Malapit ng maubos ang mga baon nilang pagkain, ngunit ang iba sa kanila ay nagparaya na ipakain nalang iyon sa kanilang mga rookies.

Tahimik lang sila habang nag sasagwan, ang iba naman ay nagdadasal na sana ay mahanap na nila ang team mates nila.

7 am palang ng umaga kaya may gana na ang lahat para simulan na isigaw ang pangalan ng nawawala nilang kasama.

Sa bawat hampas ng maliliit na alon sa kanilang balsa, ay unti unti silang napanghihinaan ng loob na posibleng hindi na nila makita ang hinahanap nila.

Ganun pa man, patuloy padin sila sa pag sagwan at hindi sila uuwi ng Manila hangga't hindi nila kasama ang dalawa.

--

"Gusto ko ng bumalik sa Manila.." malamyang sabi ni Jia

"Malalagpasan natin to Jia. Makakauwi na din tayo "

"Sa tingin ko hindi na.."

"Jia wag kang panghinaan ng loob. Nandito ako para protektahan ka"

Habang umiiyak si Jia at may mga tulo ng luha bumabagsak sa mata ni Bea ay may narinig nanaman sila na mayroong pumutok na baril.

Kaya naman mas lalong natakot ang dalawa at tila ba hindi alam ang gagawin dahil sigurado na sila na hindi sila ligtas sa lugar na ito.

"B-bea.." Mahinang sabi ni Jia.

Walang ibang magawa si Bea kundi yakapin ang girlfriend nya.

Hiniling nilang dalawa na sana ay matapos na ang kanilang pag hihirap.

Dahil kahit sila ay pagod na pagod na at nawawalan na rin ng pag asa na makabalik pa sila sa kanilang mga Pamilya

--

"Mich balik na tayo, malayo na to at baka tayo na ang sumunod na maligaw" Sabi ni Gizelle

Tama si Gizelle, malayo na itong nararating nila dahil ilang araw na din silang nag babalsa sa dagat.

Wala naman magawa si Mich kundi sundin ang sinabi ng kasama nya.

A/N

Sorry kung panget yung ud tsaka bitin. ( lagi naman ) 😂

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon