ELLA's pov
Namimiss ko na yung dating Jia at Bea na palaging sweet.
pero ngayon, kaibigan nalang ang turingan nila.
May kutob ako sa dalawang yan eh. Kung papakiramdaman mo, meron pang feelings na natitira sa mga puso nila.
First love nilang pareho ang isa't isa.
At sure na sure kami nila Denden na sila pa din hanggang huli.
baka nagkakailangan lang sila ng konti. Pero mukha naman hindi eh. Ewan ko ba, ang gulo nila eh
madalas na sila yung palaging magkatabi sa bus. Minsan share lang din sila sa Earphone
Sino pa bang maniniwala na kaibigan lang talaga ang turingan nila, eh mukha na nga silang mag jowa ulit
About dun sa hiwalayan nila ni Bea, alam ko na ginawa lang ni Bea yun para hindi na masaktan si Jia.
Buong team, alam yung reason. maliban lang kay Mich at Jia
-
patapos na yung warm up, pero nag kukulitan pa din yung dalawa.
kalaban namin mamaya ay UP.
Matagal pa naman yung start ng game eh, 1 hour and 30 minutes pa.
Dahil nga magaling si Jia sa poetry, minention sya ni Lau para mag sample.
Dun mismo nakapwesto si Jia sa gitna ng court sa gitna ng net
Kami naman team tsaka mga fans, full support kay Jia.
Iniisip ko na baka patama nanaman 'to kay Bea
Si Bea ayun, titig na titig kay Jia habang tinetesting yung microphone.
Kaya nilapitan ko, at tumabi sa kanya.
lahat kasi kaming team nakaupo dun sa loob ng court mismo.
Tinabihan ko si Bea at inasar
"Oy! ngiting ngiti ka ah. Baka matunaw na yan"
"Grabe ate ells, haha. Full support lang ganoin. "
Nagsisimula na si Jia..
Ikaw at Ako.
"Ikaw yung tipo ng taong ang hirap hirap bitawan. Ikaw yung tipo ng pagmamahal na hahanap hanapin kahit saan. Ikaw yung tipo ng pagkakamali na naising kong gawing muli.Ikaw yung tipo ng pagmamahal na wala
man kasiguraduhan, wala man paanyaya, walang sapat na dahilan, pero ikaw, ikaw ang gusto kong makasama.At ako, ako yung tipo na ang dali dali kung yung bitawan. Ako yung tipo na di mo handang isugal lahat ng 'yong mga baraha. Kasi ganun naman talaga, hindi ba? Ikaw at Ikaw pa din ang bida sa kwentong 'to.
Ikaw ang kalangitan para sa lahat, pero ako, ako ang kadiliman sa gabing tulog na ang mga ulap. Nais kong panghawakan ang salitang 'tayo' ngunit sa bawat sambit ko ay isinisigaw mong tapos na tayo.
Bakit ka bumitaw na parang ikaw lang ang naka kapit? bakit ka naglayag sa madilim na karagatan na parang ikaw lang ang lulan sa barko ng ating pagmamahalan.
Paano naman ako? saan nga ba ang lugar ko sa puso mo? O mas tamang itanong ko kung may lugar nga ba ako dyan sa puso mo. Ang hirap mahalin ng taong iba ang aksyon sa ibinubuga ng bibig.
Ang hirap mahalin ng taong ginawa mong sentro ng iyong mundo, pero para sa kanya, isa ka lang sa kontinente nito. Bakit nga ba nabuo ang salitang 'tayo' kasi gulong gulo na ako.
Totoo ngang mas lamang ang ikaw sa ako, kasi kinalimutan ko ang sarili ko, mailagay ka lamang sa tuktok ng buhay ko.
Nawala ang ako, at kung hindi mo pa din pansin, Ikaw at ako ay baka sakaling hindi na nga talaga magtatagpo."
Naghiyawan kaming Team at todo ang supporta ng mga unggoy haha
"TEAM MATE NAMIN YAN!"
"BATCHMATE KO YAN!"
"SETTER NAMIN YAN!"
paulit ulit nilang sinisigaw yan. Haha
Tumingin ako kay Bea na nag iba ang reaction ng mukha.
ang lungkot na nya kesa kanina.
kaya tinap ko yung likod nya at sinabing "Okay lang yan may dibdib ka pa"
napatawa naman sya at hinampas ako sa braso
"Ano ba ate ells! HAHA Pang asar ka eh"
"oh ayan na, palapit na si Jia"
JIA's pov
Hays, Si Lau talaga pahamak. Paano ba naman minention yung name ko para magperform.
na realize ko na habang binibigkas ko yung mga bawat salita na yun, ay nakatingin lang pala ako kay Bea.
Napansin kong nag iba yung mood nya eh.
kanina bago mag start, ngiting ngiti sya.
ngayon naman para syang iiyak sa sobrang lungkot.
kaya nilapitan ko ito, dahil inaasar nanaman ni Ate Ella
"Uy bei, ano ayos lang ba?"
"Oo ayos na ayos daw, diba Bea? HAHAHAHA" sabi ni ate ells
"Nako ate ells. Dun ka muna! Haha.. btw, Oo naman kelan ba hindi naging maayos yung performance mo." nakangiti nyang sabi
nagulat ako nung bigla nya akong yakapin.
Sa gitna ng court, niyakap ako ng nag iisang Bea de Leon?
I can't believe..
Paano na yan kung magalit si Jho sakin.
sinusubukan kong tanggalin yung braso nya na nakapalibot sa katawan ko. pero hindi ko mapigilan
Mas nagulat ako nung may tumulong luha sa shoulder ko.
Hinalikan nya kasi yung Balikat ko habang nakayakap. Ang hirap nun ah. Sa liit kong 'to, sya talaga ang dapat mag adjust.
Nakikita ko yung mga team mates ko na yung mata nila ay nakatingin samin ni Bea.
Yung tingin nila yung tipong maaasar ka talaga.
Yung tingin nila may halong kilig, dinaig pa ako.
Hinanap ng mga mata ko si Jho, nagulat ako kasi nakita kong nakangiti sya samin ni Bea.
Author
Hindi ko alam kung kelan pa ulit ako makakapag ud. Pero ginagahan ako pag may ganap. HAHAHA!
PS: Dating season pa 'to 😂😁
Comment kayo, pampagana :)) Salamat sa mga bumabasa! 🌸❤️

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanficJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...