Nang maidala na nila sa hospital si Bea ay nananalig pa din sila na sana ay maagapan ito.
Nasa lobby silang tatlo at tinatawagan na ang kanilang mga kamag anak.
Nagulat nalang si Det na marami ng missed calls sa kanya si Jia kaya naman ay mas lalo syang kinabahan.
Agad nyang tinawagan si Jia para malaman kung ano ang dahilan ng pagtawag nito.
"Hello Jia?"
"Yes po Tita?"
"I saw your missed calls a while ago, why? is there something happened?"
"I've already listened to the tape..and..Bea wants to tell you all that she loves you so much.."
"Jia..I need to tell you something"
"What is it po?"
"We're in the hospital, can you come with us? St.Lukes nasa lobby kami"
Agad naman ibinaba ni Jia ang phone at sumakay kaagad ng kotse habang si Jho naman ay naiwan nya sa loob.
Nang maalala ni Jia na may kasama sya kanina ay binalikan nya ito.
"Jho, sakay na!" sigaw nya kay Jho at agad naman syang sumakay.
"Bakit? Ano nangyari?" tanong nya
"Hindi ko alam, sabi lang na nasa hospital sila Tita Det" sabi ni Jia at pinaharurot na ang sasakyan.
--
Nang makadating sila Jia sa hospital ay nakita kaagad nila na tumatakbo ang mga magulang ni Bea sa kung saan kaya naman mas lalo syang nanghina dahil baka may posibilidad na mayroong masamang nangyari sa girlfriend nya.
Sinundan nila kung saan tumatakbo ang magulang at kuya ni Bea hanggang sa may marinig nalang sya na dinala na sa er si Bea dahil nag aagaw buhay ito.
"Doc, kailangan na kayo sa loob. nag aagaw buhay na po si Ms. De leon"
Nang marinig nilang dalawa iyon ay napaluhod na lamang si Jia sa kanilang narinig.
Dalawa lang ang pumapasok sa utak nilang lahat.
Yun ay ang makaligtas si Bea o di kaya naman ay hindi.
Ngunit malakas ang loob nila na makakaligtas ito dahil malakas si Bea at hindi basta basta bumibitaw.
Inalalayan ni Jho si Jia na maupo muna sa tapat ng emergency room at manalig na sana ay ligtas ang nag aagaw buhay nilang kaibigan.
Ngunit hindi na nakayanan ni Jia kaya naman ay hindi nya namalayan sa sarili nya na nakatulog na sya.
Nang lumabas ang doctor ay naka iglip pa din si Jia ngunit ang pamilya ni Bea at si Jho ay nanatiling gising.
"Where's the parents of Ms. Isabel Beatriz de Leon?" Sabi nung doctor
Agad naman tumayo ang magulang ni Bea at hinintay ang susunod na sasabihin ng doctor.
"Your daughter is too strong to fight with this situation"
Nakahinga ng maluwag ang lahat ngunit hindi pa pala tapos magsalita ang doctor.
"She's strong. And I know that she really wants to fight. But, her breath becomes difficult. We're sorry to say that we did our best, but we didn't save her life. On behalf of this hospital, we would like to say sorry for what happened. May she rest in peace and Condolence to her family. " sabi ng doctor
Halos mag lupasay na ang mama ni Bea dahil sa narinig.
Lahat sila syempre malungkot sa pagkawala ng anak nila.
"Shet" Sabi ni Jho sa sarili nya at hindi napigilan ang mga luhang kusang tumulo sa mga mata nila.
Habang ang pamilya ni Bea ay sumugod sa loob upang makita ang kanilang anak.
Masakit man tanggapin para sa kanila na ang Bea de Leon ay tuluyan ng nawala.
--
Nagising si Jia na nasa loob sya ng kotse ni Loel kasama si Jho.
"Bat tayo nandito?" tanong nito.
"Pahinga ka muna sa bahay nyo Jia, tumawag mamu mo" sabi ni Loel.
Kaya naman walang magawa si Jia kundi bumaba ng kotse dahil nasa tapat na siya ng kaniyang bahay.
"Jho yung kotse sayo muna. Thank you po" sabi pa nito at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok ni Jia sa loob ay niyakap kaagad sya ng kanyang magulang.
Agad naman itong yumakap pabalik at tila hindi alam kung ano ang nangyari dahil buhay naman sya ng makauwi dito sa Manila.
"Ate, tandaan mo mahal na mahal ka ni ate Bea" sabi ni Jobok
Ganun pa man ay wala pa din syang kaalam alam sa nangyari.
Sa di inaasahang pangyayari kusang tumulo ang mga luha ni Jia sa di malaman laman na dahilan.
"Akyat na ako, tulog na po ako" Sabi nito at umakyat na
Bago sya matulog ay ipinagdasal nya na sana nasa mabuting kalagayan ang kanyang girlfriend.
At nagpasalamat sya sa diyos dahil binigyan sya ng panibagong buhay.
Ngunit sa kabila nito, wala talaga syang kaalam alam na wala na si Bea habang sya ay natutulog.
A/N
Sorry sa late ud tsaka sa bitin na chapter. Sunday nalang pahinga ko eh :<
Patapon na din yung story na to haha.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
FanficJia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She started to like Bea, which is her bestfriend. But Bea likes the other girl, which is Jia's close frien...