Getting to Know Each Other Mooreeee

2.3K 110 5
                                        

Yung puso ko parang tatalon na sa swimming pool, hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. 

Nung dinner na sumali na si Enzo sa hapag kainan, kwentuhan dito, kwentuhan dun. Napag'usapan narin nina mama kung san kami ikakasal ni Enzo. Tsaka san kami titira, magkano monthly allowance namin since nag'aaral palang kami at wala pang trabaho.

So ayun settle na nga lahat, as in lahat. Si Enzo walang kibo parati, pag tinatanong sya kung anong gusto nyang tema para sa kasal wala syang imik. Parang ayaw nyang makasal sa'kin, mga ganun! Eh ayaw ko rin naman sa kanya eh, ginagawa ko lang talaga 'to dahil kay mama. Dahil sa pagmahahal ko sa kanya. 

Natapos rin ang tatlong araw naming bakasyon sa Batangas. Nung makarating na kami sa bahay nagulat ako kase naka sunod parin ang sasakyan nina Enzo. Yun pala yung bagong bahay nila eh katabi lang ng bahay namin.

So magkapit bahay na talaga kami neto? And the worst same kami ng skwelahan! Pero buti nalang at hindi same ang course namin, kundi ewan ko nalang talaga! Hahaysss buhay nga naman Macey oh.

Unang araw ng pasukan, tapos na akong mag almusal at hinatid na ako ni Mang Tomas (family driver namin) sa skwelahan. Nung baba'ba na sana ako ng sasakyan ng biglang may nagbukas ng pintuan.

"Good morning" Sabi nung nagbukas

Shoottt si Enzo! Anong ginagawa nya? Bakit may pa bukas'bukas pa sya ng pintuan? Ano to ligawan stage?! 

"Good morning din Enzo. Bakit ka andito?"

"Natural dito rin ako nag'aaral kaya andito ako"

"Ibig kong sabihin, bakit mo ako pinagbuksan ng pintuan?"

"Eh yun ang sabi ni mommy sa'kin eh. Kahit hindi ko gustong gawin wala akong choice kase kinuntsaba nya yang si mang Tomas"

Tiningnan ko si mang Tomas at ngumiti lang eto na parang kinikilig.

"Ganun?"

"Oo baba kana jan, baka nag e'expect kang bubuhatin pa kita pababa, wag kang feeling"

"Hoy sino ngayon ang feeling ha? Baka ikaw?!" Pasigaw kong sagot

"Ang pikon panget, baba kana. Ihahatid pa kita sa classroom mo"

"Wag na! Kaya ko nang sarili ko"

"Ikaw bahala, sige alis na ako"

So ayun umalis nga ang mokong kong husband to be. Bumaba na ako ng sasakyan at sinalubong kaagad ako ng dalawang kong best of friends si Kassandra at Vivian.

"Hoy girl, sino yung nagbukas ng pintuan sa kotse nyo? Ang gwapo freennn" Sabi ni Vivian

"Vivian talaga oh, lahat nalang gwapo para sa'yo" Sagot ni Kassandra

"Ay yun? Wala. Ano kakilala lang"

"Boyfriend mo yun nu?" Hirit ni Kassandra  

"Anong boyfriend ka jan, hindi nu!"

Hayyss kung alam lang nila kung ano nga talaga si Enzo sa buhay ko. 

"Sa totoo nyan Kas and Viv, fiancee ko yun"

"Ano?!" Sabay sigaw ni Kassandra at Vivian

"Anong fiancee Macey? Eh hindi ka pa nga nagkaka boyfriend tapos ngayon may fiancee kana?" Sagot ni Vivian

"Basta, tsaka ko na e kwe'kwento sa inyo pag may time. 8:30 na oh, biology class na natin"

"Hayysss sabi mo ha. Mamaya sa lunch break kwento mo sa'min kung bakit bigla kang nagka fiancee" sagot ni Kassandra

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon