Matapos ang mga sayawan, kantahan , mga speeches from each other's side ay natapos rin ang araw. Nung naka alis na ang mga bisita at kami'kami nalang ang natira sa venue ay may ibinigay ang parents namin
"Macey and Enzo, take this key" Sabi ni mommy sabay abot sa susi na may ribbon
"Para san po to ma?"
"Susi yan ng bahay nyo anak, hindi kana sa'tin uuwi ngayon kundi sa sariling bahay nyo na ni Enzo"
"Hindi po ba napaka aga pa para bumukod kami kaagad?" Sagot ni Enzo
"Ok lang yan anak, mabuti nga yan eh para maging independent kayo at masanay narin sa buhay may asawa" Sagot naman ni tita Esther
"Pero mama, hindi pa ako ready. Ma mi'miss ko ang bahay tsaka kayo ni papa" Sagot ko habang naluluha
"Anak, wag kang mag alala bibisitahin ka naman namin eh, at tsaka if may time ka pasyal karin sa bahay natin"
"Oo nga Macey, hmm at tsaka eto pa pala mga anak" Sabay abot ng isa pang susi
"Para san po eto tita?" Tanong ko kay tita Esther
"Anong tita ka jan, simula ngayon mommy na tawag mo sa'kin Macey ha, dahil anak narin kita. Hmmm itong susi na eto para sa bago nyong kotse"
"Eh mommy, ok pa naman yung oto ko ah?"
"Maliit lang yun anak, eh pano pag nagka anak na kayo diba? So eto susi eto ng inyong bagong sasakyan"
"New car? Ang mahal naman yan mommy, malaki na nga nagasto nyo sa kasal plus bahay pa at tsaka may bagong kotse pa? Parang sobra na ho"
"Ay naku Enzo, wag kang mag'alala, bata palang kayo pinag ipunan na namin yan ni Esther"
"Tama ang tita ay mama Kristina mo anak, ever since na nagkasundo na ikasal kayong dalawa, nag ipon narin kami para sa mga kakailanganin nyo"
"Perooo..." Sabay naming bigkas ni Enzo
"Wala ng pero'pero mga anak sige na alis na kayo at pumunta na kayo sa bahay nyo" Sagot ni papa, habang si tito Mario nasa tabi nya nakangiti
Humalik na kami sa mga parents namin, at nagpaalam sa mga pamilya, paalis na sana kami ng may inabot na naman sina mama. Isang ATM Card, at tsaka Debit & Credit card.
"Ma, sobra na ho talaga as in" Sabi ko
"Anak, anong kakainin nyo pag ayaw nyo etong tanggapin? Anak nag aaral palang kayong dalawa ,wala pa kayong perang pambili ng mga kakailanganin nyo ni Enzo, sige na tanggapin mo na"
Tinanggap ko nalang kase may point naman si mama, pano ba naman kami kakain kung wala kaming pera diba?
So ayun pagkalabas namin, andun na yung Range Rover na sasakyan naka park at naghihintay samin. Agad kaming sumakay ni Enzo at pina andar na nya ang makina
"Wow, as in wow! Diba napaka amazing ng mga parents natin Macey?" Habang nakangiting nag da'drive
"Oo nga Enzo eh, masyado tayong spoiled"
"Ok lang yun, syempre bata pa kaya tayo so kaya nila eto ginagawa"
"Okay"
Hindi na ako umimik sa buong byahe, dahil narin siguro sa pagod ko at antok na antok na talag ako nakarating na kami sa isang subdivision at nagpahatid kami sa security guard sa unit namin.
Nung makarating na kami sa bahay, as in napangaga kami ni Enzo, isang malaking bahay, napakalaki nga para sa'ming dalawa.
Pumasok na kami, may malaking garage, may magandang garden at sa likuran may pool, yung sala may isang maid's room, sa itaas naman may tatlong bedroom. Yung dalawa para sa magiging anak namin sa tamang panahon at tsaka guests room narin.
Pinasok na namin ang master's bedroom, pagka pasok namin bumongad kaagad samin ang napakaraming rosas sa sahig at tsaka sa kama.
"So Macey? Parang gusto talaga nilang mag honeymoon tayo ngayon?" Pilyong sabi ni Enzo
"Excuse me? Honeymoon ka jan, dun na ako sa kabilang kwarto matutulog, ikaw nalang dito"
"Ikaw bahala, pakisarado nalang ng pintuan"
"K" Tipid kong sagot
"Good night Mrs. Salvador"
"Night"
Pumunta na ako sa kwarto ko, katabi lang ng masters bedroom, naligo at nagbihis muna ako at tsaka natulog, ang naalala ko 10pm na yun yung insaktong nakatulog ako
Pagka gising ko, nag hilam'os muna ako at tsaka lumabas kaagad ng kwarto. Bumaba na ako at laking gulat ko ng may tao sa kusina nagluluto, hindi naman si Enzo kase babae eto.
"Ahem! Excuse po? Sino po kayo?"
Humarap sya at..
"Ay gising kana pala ija, yung asawa mo kanina pa nagising pumunta syang park, mag ba'basketball raw sya"
"Ah ok po, sino nga po kayo?"
"Ako nga pala si manang Nora, ako yung pinadala ni madam Esther para maging katulong nyo ng asawa mo"
"Ah ok po, sorry po ha hindi ho kase namin alam na may katulong pala silang ibibigay samin"
"Ok lang yun, ali kana kain na. Nagluto ako ng itlog at tsaka pancake may cereal nadin jan"
"Sabay na ho tayo"
"Ay wag na nakakhiya naman anak, sige na kain na"
"No po I insist, kase sa bahay namin pinapasabay talaga namin ang mga kasambahay kumain, so sige na ho sabayan nyo na ako please" Pa cute kong sabi
At umupo na nga si Manang Nora at nagdasal muna kami at kumain na, habang kumakain kami dumating si Enzo na pawis na pawis halatang wala pang ligo.
"Uy! Ang sarap ng almusal ah!" Sabay lapit sa lamesa ,kukuha na sana sya ng pagkain ng pinigilan ko sya
"Hoy! Andumi mo kaya, maligo ka muna nu bago ka kumain tsaka ang baho'baho mo"
"Wow ako mabaho? Madami kayang nahuhumaling na mga chicks sa bahong 'to?" Hambog nyang sagot
"Ewan ko sa'yo, manang oh ayaw nya akong sundin" Sumbong ko kay manang Nora
"Hehe nakakatuwa naman tong dalawang mag'asawa na eto, sige na Enzo mag bihis ka nalang muna mamaya kana maligo kase yang katawan mo hindi pa nakokondensyon galing sa paglalaro"
"Ok po Manang, narinig mo yun Macey ha, mamaya na ako maliligo haha"
"Yucks Enzo, alis kana nga dito at magbihis kana, ang baho mo na kase talaga"
Makalipas ang limang minuto ay nakabalik na si Enzo
"So ano pwede na ba akong kumain kamahalan?"
"Yes you may" Sagot ko
Boring ho ba? Sorry po ha, medyo wala pa talaga akong magandang maisip eh, susubukan ko sa susunod na chapter ,I'll try my best :)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)
RomanceArranged marriage - is a type of marital union where the bride and groom are selected by their families. Yeah exactly! Selected by their families, ipapakasal ka sa isang tao na pinili ng pamilya mo para sa'yo. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ang...