"Andito na tayo baby" sabi ni Enzo habang hawak2 ang mukha ni Macey. Nakatulog pala ito sa byahe dahil na traffic sila kanina
"Aahhh? Ok" sagot ni Macey habang pinupunasan ang laway sa bibig nya.
Natatawa naman si Enzo habang pinapanuod ang asawa na nagpupunas ng laway
"Oh bakit ka tumatawa jan?"
"Hehe wala. Tara na, sure ako excited na si manang Nora makita ka"
At binuksan na ni Enzo ang pintuan at una syang lumabas at tsaka sumunod si Macey.
Magka hawak kamay silang dalawa papasok ng bahay.
"Macey anak!!!! Naku! " agad niyakap ni manang Nora ang alaga. At niyakap naman sya ni Macey
"Manang Nora, na miss ko po kayo" sabi ni Macey habang yakap2 parin ang matanda
"Na miss rin kita kumusta kana? Naku gutom ka ba? Ipagluluto kita"
"Busog pa po ako manang. Hehe "
"Sigurado ka? Sige. Baka pagod kana, magpa hinga kana. Yung kwarto mo maayos na yun hehe"
"Salamat po.. Pero kay sa kwarto namin ni Enzo muna ako matutulog ngayon"
Parang nagulat si manang Nora sa sinabi ni Macey sa kanya.
"Ah talaga? Sige2. Hehe mag asawa naman kayo eh. Sige mga anak, pahinga na kayo"
At ngumiti nalang sina Macey at Enzo at umakyat na sa taas
Papasok na sana si Macey sa kwarto nila ng mag asawa ng bigla syang binuhat ni Enzo
"Hoy! Hoy! Enzo haha ano kaba" sigaw ni Macey habang mahigpit na naka hawak sa leeg ni Enzo
"Hehe baby, ngayon lang natin to nagawa, diba nung kinasal tayo, hindi kita nabuhat? Sabi nga nila diba na pag bagong kasal dapat buhatin ang bride kase traditional daw yun" pahiwatig ni Enzo sa asawa
"Hahaha ay sha! Bahala ka"
At nakapasok na nga sila sa kwarto nilang dalawa. Natahimik si Macey saglit kase ngayon lang sya makakatulog sa masters bedroom.
"Oh baby? Is there's something wrong?" Tanong ni Enzo habang karga2 parin ang asawa
"Wala. Happy lang ako kase at last magagamit narin natin tong kwartong 'to"
Hindi na sya sinagot ni Enzo ,at hinalikan na sya nito. Unti'unti naman syang inilapag ni Enzo sa kama habang magka halikan parin silang dalawa.
At sa gabing iyun, ay may nangyari nga sa kanila---- ❤❤❤
3 weeks after----
"Baby, nagugutom ako" sabi ni Macey habang ginigising ang asawa na himbing na himbing sa tulog
"Ha?" Sagot ni Enzo na halatang inaantok pa talaga
"Hoy! Sabi ko nagugutom ako!" Napasigaw na si Macey dahil hindi talaga gumigising si Enzo
"Baby naman, gutom ka na naman? Kaka dinner lang natin ah, gutom ka na naman?may bolate ba yang tyan mo?" Sagot ni Enzo habang kinakamot ang batok sabay talikod sa asawa
"Gusto kong kumain ng manggang hilaw!!!" Sigaw ni Macey sabay sampal sa batok ni Enzo
"Aray naman baby oh! 12midnight ? Tapos manggang hilaw?! Baby sasakit ang tyan mo nyan, hindi pwede. Itulog mo nalang yan"
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)
RomanceArranged marriage - is a type of marital union where the bride and groom are selected by their families. Yeah exactly! Selected by their families, ipapakasal ka sa isang tao na pinili ng pamilya mo para sa'yo. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ang...
