Hello! Sorry kung it's been a while bago ako nakapag update, naging busy lang talaga hehe.
***
"Sige na Enzo, labas kana. Matutulog na ako" matipid na sagot ni Macey habang naka yuko ,ni hindi nya magawang tingnan si Enzo dahil nahihiya sya at naiinis sya nito.
Tinapik nalang ni Enzo ang braso ni Macey at lumabas narin kaagad at isinara ang pinto. Pagkalabas ni Enzo ay agad namang tumayo si Macey at pumuntang banyo para mang hilam'os.
*
Habang si Enzo naman nakatayo pa sa labas ng kwarto ni Macey, na tila may malalim na iniisip. Hindi nya napansin na umakyat pala si manang Nora sa taas kase may ilalagay sya sa guest room.
"Oh Enzo, may problema ba?" nag'aalalang tanong ng matanda habang akap2 ang mga unan
Para namang natauhan bigla si Enzo at hinarap si manang Nora
"Ah manang, ikaw pala yan. Ah wala naman hong problema, napahinto lang talaga ako bigla dito sa pinto ni Macey kase---hmmm basta manang. Sige ho matutulog na'ko. Good night po"
At umalis na nga si Enzo at pumasok sa kwarto nya, habang si manang Nora ay pumasok narin sa guest room para i'ayos ang dala2 nyang mga unan.
*
Naka harap si Macey sa salamin sa kanyang banyo habang kinakausap ang sarili
"Ugh Macey! Masakit na nga yang balakang mo nag da'drama ka pa! May pa iyak2 pa, pero kase naman eh nakaka inis naman kase si Enzo eh! Tinawanan pa ako nung nadapa ako! Di man lang ako tinulungan tumayo!"
"Eh kase naman girl, pano ka tutulongan eh wala ngang pakialam sa'yo diba?" sagot nya sa kanyang sarili
"Ok! Wala nga pala syang pakialam sa'kin, kahit kasal kami pero wala kaming pakialamanan sa isa't isa! Sige yan pala gusto mo ha! Humanda ka Enzo! Simula ngayon I'll be your sweet dreams in a beautiful nightmare wahahaha" fierce look na sagot ni Macey habang tinututok ang kanyang sipilyo sa salamin
*
Naka higa na si Enzo sa kama nya, habang nag fe'facebook sa kanyang cellphone. Pa scroll2 lang sya ng biglang may tumawag sa kanya
Riinnggg...
"Shoot si ate!" napatayo bigla si Enzo kase alam na nya ang pakay ng ate Esmee nya kaya ito napatawag
Hindi nya kaagad sinagot kase hindi nya alam ang sasabihin nya ,pero makalipas ang ilang segundo nakapag desisyon narin syang sagutin ito.
"Ah, ah hello ate?" pinagpapawisan na si Enzo habang nakatayo sa kwarto nya
"Oh Enzo, ba't ang tagal mong sagutin yung tawag ko? Hinihilot mo pa ba si Macey? nakaka disturbo ba ako?"
Hindi alam ni Enzo kung ano ang isasagot nya, kase kung sasabihin nya ang totoo sure na sure na mapapagalitan sya, kung magsisinungaling man sya ay malalaman rin naman ito ng ate nya. Pero mas pinili nya paring wag sabihin ang totoo
"Ah sorry ate, kase hinuhugasan ko pa kase yung kamay ko. Kakatapos lang namin ni Macey"
"Ah ganun ba, mabuti naman. Paka usap nga kay Macey"
"Nasa banyo si Macey ate eh"
"Ok, tatawagan ko nalang sya mamaya"
"Wag!!!"
Nagulat ang ate ni Enzo sa sinabi nya, at mas lalong kinabahan si Enzo
"Anong wag, at bakit naman ha?!" tila naiinis na sagot ng ate Esmee nila
"Eh kase ate, sabi nya kanina na pagkatapos nyang maligo ay matutulog na sya kaagad, at ayaw nyang magpa istorbo kase para narin daw makapag relax sya" confident na alibi ni Enzo sa ate nya habang kinakagat ang darili nya
"Ok fine. Bukas ko nalang sya tatawagan, sige na bye at matulog ka narin jan Enzo. Good night na"
Tila napaniwala ni Enzo ang ate Esmee nya. Pero hindi parin napanatag si Enzo kase tatawagan parin ng ate nya si Macey bukas
"Pero ate------" Hindi na natapos ni Enzo ang sasabihin nya kase binaba na kaagad nito ang telepono
***
End of Chapter 8
*
Sorry kung hindi mahaba ang update ko kase tong pamangkin ko nasa tabi ko, at habang nag ta'type ako binabasa rin nya ng malakas at tsaka nakikinig yung kuya ko sa likod haha. Napaka awkward yun lang :)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)
Storie d'amoreArranged marriage - is a type of marital union where the bride and groom are selected by their families. Yeah exactly! Selected by their families, ipapakasal ka sa isang tao na pinili ng pamilya mo para sa'yo. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ang...