Hindi ko na alam kung ano ang ilalagay kong title, so chapter 6 nalang hehe. Sorry kung matagal nakapag update, naghahanap kase ako ng trabaho I hope may magbabasa parin neto :)
Guys nag iba na ho dito, hindi na ako gumamit ng parang POV style pag nag na'narrate ng pangyayari. Parang may sariling narrator na ho talaga at hindi na ang mga characters yung nag na'narrate ng pangyayari, kase I find it so easy pag ganito :)
***
Naupo narin si Enzo, magkatabi sila ni Macey habang kumakain habang si manang Nora nakangiting tinitignan ang dalawa.
"Manang ba't ka nakangiti jan?" Napansin pala ni Enzo na nakangiti si Manang Nora sa kanila
"Ah wala mga anak, ansarap nyo kaseng pagmasdan. Kahit na alam kong arranged marriage lang kayo, pero nararamdaman ko na balang araw magmamahalan rin kayo"
Nabulunan si Macey ng marinig nya ang pinagsasabi ni manang Nora, habang si Enzo natatawang sumagot
"Hahaha kayo talaga manang Nora, imposible ho yang mangyari. Hindi ko ho type tong si Macey, mataas kase standards ko manang"
Tinaas ni Macey ang kanyang mga kilay habang tiningnan si Enzo at sumagot rin eto
"Haha excuse me, hindi rin kita type nu?! Hindi ko type yung mga taong napaka hangin" sagot ni Macey habang kumakain ng saging
"Ah ganu----"
Sasagot pa sana si Enzo, pero pinigilan na sya ni manang Nora dahil baka mauwi sa awayan ang pag'uusap nila.
"Ay naku, tigilan nyo na yan mga anak, Macey tapos kana?" Napansin ni manag Nora na tatayo na si Macey sa kinauupuoan neto, kaya tinanong nya kung tapos na ba itong kumain
"Ah opo manang, akyat po muna ako" Dali'daling tumayo si Macey at tumakbo papuntang hagdanan.
Tumayo narin si manang Nora at niligpit ang pinagkainan ni Macey, habang naiwan naman si Enzo sa mesa na kumakain pa ng itlog at tsaka bacon.
*
"Nakakinis na si Enzo ngayon ha! Nagbago na ang mokong! Hindi naman sya ganyan dati. Ugh!" Sabi ni Macey sa sarili nya habang pagulong'gulong sa kama at hinahampas ang unan.
"Ang hangin na nya sobra! Oo gwapo sya, pero hindi ko rin sya type, kahit kailan hindi ko sya magugustohan!" Habang paguong'gulong parin sa kama ng biglang...
BLAAGGG!
"Aray! Ansakit ng pwet ko" Habang hinihimas'himas ang puwitan
Nahulog si Macey habang nagpa gulong'gulong, hindi nya napansin na nasa edge na pala sya ng kama.
Ilang minuto pa ay tumayo narin eto kase may tumatawag sa telepono nya, agad nyang kinuha eto nasa side table nakapatong
"Mama calling---"
"Ay si mama" sabay pindot sa answer button
"Anak? Kumusta? Kumusta kayo ni Enzo?" Masiglang bati ng kanyang ina
"Ok lang ma" Habang naka upo sa kama na hinihimas'himas parin ang puwitan
"Ah ganuna ba? Ah sige anak ha, wait lang at may pasyente si mama. Tawag nalang ako mamaya ha, ingat kayo. Love you"
"Ok ma, ingat rin kayo ni papa. Mahal ko rin po kayo" At binaba na nya ang telepono at humiga na sa kama
*
"Enzo? May kelangan ka paba? Gusto mo ng kape or gatas?" Tanong ni manang kay Enzo habang nakatayo ito sa harap ng alaga.
"Ahh wala na po manang, salamat. Busog na ho ako" Sagot neto habang kinukuha ang baso at uminom ng tubig
"Ah sige, maiwan na kita jan ha"
Paalis na sana si manang Nora para mag hugas ng mga pinggan pero pinigilan sya ni Enzo
"Manang wait lang, aalis po sana ako. Punta akong mall may bibilhin lang ako saglit"
"Ah sige anak, ingat ka ha"
Agad'agad namang tumayo si Enzo at tinungo ang pintuan palabas ng bahay. Pero tinawag sya ni manag Nora
"Enzo, teka lang. Hindi ka ba magpapaalam sa asawa mo?" Tanong neto habang nakangiti
Napahinto naman si Enzo at hinarap si manang Nora
"Ah hindi na ho, wala naman akong pakialam dun eh"
"Pero Enzo asawa mo sya at kailangan mo----"
Hindi na nakatapos si manang Nora sa sasabihin nya kase nakalabas na si Enzo sa gate ng bahay, at hindi nya alam kung narinig ba neto ang huli nyang sinabi. Kaya bumalik nalang sya sa kusina at pinagpagpatuloy ang mga gawain.
*
Nakasakay na si Enzo ng taxi, habang naka upo sya nag ba'browse sya sa facebook account nya, at may nakita syangpost ni Macey.
Macey's Post ---
Huhuhu! Anshakeett ng puwit ko, bw**it ba't pa ako nahulog :(
Tumatawa lang si Enzo na parang wala talagang pakialam sa asawa nya
"Hahaha ayan kase, antanga kase Macey" Tumatawa parin sya at pinindot ang "haha" na reaction emoticon
At tsaka nag tinignan ang mga comments at binasa nya eto.
May ibang nagsasabi na dapat mag ingat sya sa susunod, may iba namang natatawa rin katulad nya pero napahinto sya sa pagtawa ng nakita nya ang comment ng ate Esmee nya
Ate Esmee's comment----
Macey, ipahilot mo yan kay Enzo. Pag hindi ka nya hinilot, malalagot kayong dalawa sa'kin, baka may mangyari sa'yo pag pinabayaan mo lang yan
Napangaga si Enzo habang binabasa ang comment ng kapatid nya, pero hindi nya parin ni la log out ang fb account nya kase naghihintay sya ng reply ni Macey
Someone is writing a comment......
"Ayun! Baka si Macey natong nag reply, I'm sure hindi to papayag na hilotin ko sya" Masiglang sabi ni Enzo sa sarili habang tuitingin sa cellphone
At mag nag comment na, dali'daling binasa ni Enzo ang nakasulat at hoping na si Macey na nga etong nag reply pero---
Ate Engrid's comment---
Oo nga Macey, you should ask Enzo na hilotin ka, or mas better kami nalang ang magsasabi sa kanya baka mahiya kapa
"What?! Pati ba naman ikaw ate Engrid!" Sigaw ni Enzo na nagpatigil sa taxi driver dahil nagulat eto sa pag sigaw nya
"Ok ka lang sir?" tanong ng driver habang pinaparada ang taxi sa gilid
"Ah opo manong, sorry nagulat lang po ako" Sagot ni Enzo habang nakayuko, siguro nahihiya eto sa driver
At hindi nalang umimik ang driver at pinagpatuloy nalang ang pag da drive.
*
"Ha?! Magpapahilot ako ni Enzo? Mga ate's no! Hindi ko gagawin yan"! Sabi ni Macey habang kinakausap ang sarili at nakaharap sa cellphone nya
"Bakit pa kase ako nag post! Ugghh sana hindi nalang!" sigaw ni Macey habang palakad'lakad sa kwarto nya at sinasabunutan ang sarili
"Ang tanga mo kase Macey eh!" Hirit pa neto
Hindi alam ni Macey, kung ano ang e re'reply nya sa dalawa nyang mga hipag, kase kung sasabihin nyang ayaw nya, malalagot naman sya neto pati narin si Enzo, pero kung papayag naman sya napaka awkward naman nun para sa kanila kase sa pwet pa talaga sya hihilotin ng asawa nya
"No! Ugghhh! Pano ba'to?"
Mag re'reply na sana sya ng biglang nag comment rin si Enzo
Enzo's Comment---
No need to ask me ate Engrid, payag na ako. Hilot lang pala eh
"Ha? Ano bang nakain netong taong to? Wa sya nabuang?!(Hindi ba sya nababaliw)"
******
Itutuloy-----
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)
RomanceArranged marriage - is a type of marital union where the bride and groom are selected by their families. Yeah exactly! Selected by their families, ipapakasal ka sa isang tao na pinili ng pamilya mo para sa'yo. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ang...
