"Baby!!! Ang sakit ng tyan ko!" Sigaw ni Macey sa kalagitnaan ng gabi
Habang si Enzo naman ay himbing na himbing sa kanyang pagtulog
"Baby! Gising!"
"Ha? Bakit?" Chill na chill na sagot ni Enzo habang kinakamot ang mata
"Anong bakit? Masakit yung tyan ko! Manganganak na yata ako!"
"Ano?!"
Dali'dali namang bumangon si Enzo at kinuha ang susi at tsaka ang maternity bag ni Macey, palabas na sana sya ng kwarto ng tawagin sya ni Macey
"Hoy?! Iiwan mo ako dito?" Mangiyak'ngiyak na tanong ni Macey sa asawa
"Ha? Aahh oo nga pala. Ali kana baby" sabi ni Enzo habang inaalalayan ang asawa palabas ng kwarto
Nang maka sakay na si Macey sa sasakyan ay dali'daling pinuntahan ni Enzo ang kwarto ni manang Nora
"Manang! Manang! Gising po!" Katok na katok si Enzo sa pintuan ng matanda
Ilang sandali pa ay nagising rin si manang Nora
"Bakit anak? May problema ba?"
"Manang, manganganak na ho si Macey!"
"Ano?!!! "
"Tara na ho!"
Habang papunta na sila ng hospital panay ang iyak ni Macey
"Baby, ang sakit. Manang ganito pala talaga ang manganak nu? Ang sakit po ,huhuhu"
"Relax ka lang anak, inhale exhale ka lang jan ha"
"Baby? Tinawagan mo na ba sina mama?"
"Ha? Ah hindi pa baby, tatawagan ko palang" sagot ni Enzo na natataranta na sa pagmamaneho
"Sige mamaya mo nalang tawagan pag nasa ospital na tayo" sagot naman ni Macey na kanina pa hinahaplos'haplos ang tyan
*
"Brenda, nakita mo ba si Sofia?" Tanong ni Kris kay Brenda habang tinatapos ang kanyang trabaho
"Ha? Hindi mo alam, kanina yung flight nya pa amerika"
"Ano? Eh anong gagawin nya dun?"
"Eh ano pa nga ba, talunan sya eh so dapat bumalik sya sa lungga nya, at tsaka iniwan nya si Patrick kase kailangan nya daw ng time para lang sa sarili nya"
"Ah ok. Mabuti naman at naisipan nyang umalis"
"Oo nga. Bakit gising ka pa? Si Patrick ba nagising?"
"Ah wala. Uminom lang ako ng tubig, sige tulog na'ko."
"Sige"
*
"By? San na sina mama?" Tanong ni Macey habang naka higa na sa hospital bed at ready nang ipasok sa delivery room
"Papunta na'raw sila baby, wag kanang mag'alala ha?" Sagot ni Enzo habang hawak2 ang kamay ng asawa
Ilang sandali pa ay ipinasok na si Macey sa delivery room at syempre kasama nya ang gwapo nyang asawa
*
"Naku Kristina, ok ka lang ba? Wag kang mag'alala ,kaya yun ng anak natin" sabi ni Esther habang kino'comfort ang mama ni Macey
"Ewan ko ba Esther, pero parang ako yung manganganak eh. "
"Halata nga hon, yang pawis mo oh halos isang balde na hehe" hirit naman ng asawa nyang si Richard
"San na si Macey?!" Sigaw ni Kassandra habang tumatakbo papalapit sa pamilya nina Macey at Enzo
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)
RomanceArranged marriage - is a type of marital union where the bride and groom are selected by their families. Yeah exactly! Selected by their families, ipapakasal ka sa isang tao na pinili ng pamilya mo para sa'yo. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ang...
