Ang Kasunduan

5.8K 137 3
                                    

Guys pwede favor? Please read my new story all about MayWard padin. Para Sa'Yo yung title please? :)) thank you so much .

Noong unang panahon magkakilala na talaga ang mga pamilya namin ni Enzo, nagsimula eto sa aming mga lolo at lola. Si lola Conching ay ang dating kasintahan ni lolo Pedro ,lolo ni Enzo.

Pero hindi sila itinadhana sa isa't isa dahil si lola Conching ay ipinagkasundo rin kay lolo Lukas, lolo ko.

Walong taon nagkasintahan sina lola Conching at lolo Pedro, ngunit hinadlangan eto ng mama at papa ni lola, dahil nga si lolo Pedro ay anak lang ng kanilang hardenero.

Ipinagkasundo si lola Conching kay lolo Lukas, isang haciendero. Ang pamilya ni lolo Lukas ay nagmamay'ari ng isang napakalaking lupain, maraming negosyo at iba pa.

Makalipas ang isang taon ay ikinasal na sina lola Conching at lolo Lukas, si lolo Pedro naman ay lumuwas ng Maynila sa kadahilanan na nasaktan sya ng lubosan sa pagpapakasal ni lola Conching kay lolo Lukas.

Nagsumikap ng mabuti si lolo Pedro sa pag'aaral at hanggang sa nakatapos sya ng Engineering, nag trabaho kaagad sya at nag ipon ng maigi.

Habang si lola Conching naman ay nanganak na sa panganay nilang anak si tito Gilbert,at makalipas ang isang taon ay nasundan na naman eto ng isa pang anak at yun ang mama ko si mama Kristina.

Si lolo Pedro naman ay nakapag asawa na si lola Teresa , at binayayaan kaagad sila ng isang supling si tita Esther mama ni Enzo.

Nag negosyo si lolo Pedro at di nagtagal ay lumago eto, isa ng milyonaryo si lolo Pedro, habang sina lola Conching naman ay naghihirap na, isa'isa na nilang binibenta ang kanilang mga lupain.

Hanggang sa hindi na nila makayanang pag aralin sina Mama at Tito Gilbert, kaya napag pasyahan nila na lumuwas nalang ng Maynila at mag trabaho.

Nakapag trabaho si mama sa isa sa mga negosyo nina lolo Pedro.

Tinanggap sya neto kaagad kase nabanggit nya na anak sya ni lola Conching, habang si tito Gilbert naman ay nag ta trabaho bilang bagger sa isa sa mga sikat na supermarket sa Maynila.

Makalipas ang isang buwan ay naging matalik na magkaibigan sina mama at tita Esther, kahit saan pupunta si tita Esther kasama nya si mama.

Pinag'aral din ni lolo Pedro sina mama at tito Gilbert kapalit ay ang pag ta'trabaho sa kanila.

Makalipas ang apat na taon ay nakatapos rin si tito Gilbert sa kursong engineering rin, habang si mama ay isang taon nalang ay makakatapos narin sya sa kursong BS Biology habang si tita Esther ay accountancy

Nasa iisang paaralan lang nag aaral si mama at tita Esther. Nagka boyfriend si tita Esther, limang buwan nalang at ga graduate na sina mama at tita.

Ngunit napag'alaman nina mama na apat na buwang buntis na pala si tita Esther.

Di malaman ang gagawin nina mama at tita, buti nalang ay hindi sya iniwan ng kanyang kasintahan kahit na nabuntisan na nya eto.

Hinarap nila si lolo Pedro at lola Teresa, at sinabi na buntis nga si tita Esther, sabi ni mama na galit na galit raw si lolo Pedro ng mga panahon na 'yun.

Buti nalang raw at sinabi ng kasintahan ni tita Esther na handa syang pakasalan si tita, makalipas ang dalawang linggo ay ikinasal na nga sina tita Esther at tito Mario.

Habang si mama single parin, dahil ang top priority nya sa mga oras na 'yun ay ang makatapos at masuklian ang tulong ni lolo Pedro sa kanya at makatulong narin kina lola Conching at lolo Lukas.

Makalipas ang limang buwan ay nanganak na si tita Esther, isang napakagandang batang babae si ate Maria Esmeralda o A.K.A ate Esmee, ang kapatid ni Enzo.

At gumraduate narin si mama at si tita Esther at tsaka si tito Mario sa kursong architecture.

At agad nakapasa si tita Esther sa CPA Board Exam, habang si tito Mario naman ay nakapasa rin sa Architecture Board Exam. Habang si mama naman ay nagpatuloy sa pag'aaral upang maging isang magaling na Cardiologist.

Si tito Gilbert na ang nagpapaaral kay mama, kase andun na si tito Gilbert sa Middle East. Isa na sya sa mga pinakamagaling na enhenyero sa AUE at hindi parin nag aasawa kaya napag'aaral pa  nya si mama at nagpapadala ng pera kina lolo at lola.

Makalipas ang isang taon ay napag pasyahan raw nina tita Esther na mag migrate sa Canada, nalungkot si mama kase magkaka hiwalay na sila ng kanyang matalik na kaibigan.

Nakapag migrate na sina tita Esther habang si mama tuloy parin sa buhay, makalipas ang ilang taon ay nakatapos rin sya.

Agad syang nag board exam at sa awa ng Dyos ay pumasa sya kaagad, nag apply sya at nakapag trabaho sa sa isa sa mga pinakasikat at pinakamagaling na ospital sa Maynila.

At dun nya nakilala si papa, isa rin syang doktor. Si papa ay isang pediatrician kase mahilig sya sa mga bata. Dun raw na inlove si mama sa kanya ang pagka mahilig sa mga bata.

Makalipas ang isang taon na pagliligawan ay ikinasal rin sina mama at papa, after tatlong buwan ay nakabuo kaagad sila at hulaan nyo kung sino? Haha syempre ako yung pinagbubuntis ni mama.

Ako ang panganay at only child nina mama Kristina at papa Richard. Agad kwenento ni mama kay tita Esther na buntis na nga sya, at nagulat si mama kase buntis rin daw si tita. Isang buwan din syang buntis.

Sabi nga ni mama na parang nagkasundo raw sila nung ginagawa nila kami ni Enzo. Oo si Enzo yung pinagbubuntis ni tita Esther, pangatlong anak na si Enzo, kase nasundan pa si ate Esmee ng isa pang babae si ate Engrid or Maria Engrid.

Ngunit bago paman ako ipanganak ni mama ay namayapa na si lolo Lukas, kaya kinuha nalang ni mama si lola Conching upang kami nalang ang mag alaga sa kanya.

September 25 ,ang araw na lumabas ako at nag say Hello sa mundo. Hindi raw maipinta ang kaligayahan nina mama at papa sa araw na 'yun. Habang si tita Esther ay nanganak kinabukasan.

Oo magkasunod lang kami ng kaarawan ni Enzo, 25 ako sya 26. Diba ang saya'saya?

Yun nga pinagkasunduan nga raw nina mama at tita Esther na kaming dalawa ni Enzo ang magtutuloy sa naudlot na forever ni lola Conching at lolo Pedro.

1 year old palang kami ni Enzo ay pinagkasundo na kaming ikasal pag nakatungtong na kami sa edad na 18 years old.

Ngayon 17 years old na ako, at 1 year nalang ay ikakasal na ako kay Enzo na hindi ko naman nakikita sa loob ng labing anim na taon. Sa picture ko lang sya nakikita, at pag nag sa'Skype kami nina tita Esther hindi sya nagpapakita, syempre hindi narin ako nangungulit baka akalain nyang ang gwapo nya. Pwe!

Present----

"Mayce anak, bangon na punta na tayo ng Batangas" mahimbing pa akong natutulog ng marinig ko ang sigaw ni mama.

"Ha? Anong Batangas ma?" Sagot ko habang pilit pinipikit ang aking mga mata

Pumasok na si mama sa kwarto at tinabihan ako

"Diba may family outing tayo sa Batangas, sige na tara na andun na yung mga pinsan mo"

"Ok ma"

"Maghanda ka ha kase may gustong magpakilala sa'yo dun"

"Sino?"

................................................................................................................................................................


To Be Continued....

Hope you enjoy, sorry if puros narrative lang yan kase sa second part na yung may mga conversations. Ciao!

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon