Ang Pagtatagpo

3.1K 112 6
                                    


"Sige na Macey anak, bangon na. And na packed na pala ni yaya ang mga gamit mo" Sabi ni mama

"Opo mama, maliligo na po ako"

Bumangon na ako at inayos ang aking kama at tsaka pumuntang banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at kumain ng agahan kasama si mama at papa. 

"Macey, mag ayos kang mabuti ha kasi magkikita na kayo ni ENZO"

Wait, anong sinabi ni mama si Enzo? Magkikita na kami? Like gaaadddd hindi pa ako ready harapin ang magiging asawa ko! Tulong mga langit please!!! 

Nakatulala lang ako habang hinihiwa ang bacon sa aking plato, hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni mama. Hindi ko na napansin sa kaiisip kung ano ang mangyayari pag magkita na kami ni Enzo.

"Anak? Macey do you hear me?"

"Anak, tinatawag ka ng mama mo"

"Macey!" Sigaw ni mommy

"Ah, yes po mama at papa? Ano po 'yun?"

"Hay naku anak, ok ka lang ba? Bigla ka nalang natulala jan, yang bacon mo kanina pa yan nahiwa. Kulang nalang yang plato mahihiwa mo narin" 

"Ah oo ma ok lang ako. May naisip lang ho ako, teka ma san ba si lola Conching?"

"Bakit apo?" Sagot ni lola na nakapang beach outfit na

"Wow lola, bongga yang outfit mo ha. Bagets na bagets haha" 

"Ay syempre, kailangan talagang ganito ang outfit, kaya ikaw Kristina magbihis karin ng ganito" Sabi nya kay mama 

"Haha mama talaga oh, ok lang po ako sa rash guard, kayo parang kering keri nyo yang bathing suit ha"

Oo guys nakapang bathing suit si lola pero may shorts naman sya. Hindi pa kase gaanong kulabot yung mga skin ni lola Conching kase nga 16 years old palang sya nung kinasal sya at 19 sya nung pinanganak nya si mama. So bata pa talaga lola Conching ko. Sexing'sexy pa. 

"Oo naman nu alangan namang magpaka loshang ako, diba Macey apo?" Sagot ni lola

"Aii oo naman ho lola Conch, mana nga kayo sakin eh. Parehas tayong maganda at sexy

Umupo narin si lola Conching at kumain ng agahan. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming lahat kumain . Dali'daling pumunta si papa sa garage para e prepare ang sasakyan ,si lola naman inalalayan na ng kanyang personal nurse papuntang kotse. Habang si mama abala pa sa mga babaunin naming mga pagkain, at ako nasa loob na ng sasakyan. Sa likuran yung gusto kong lugar sa kotse  namin kase may privacy at nakakatulog ako ng mahimbing. 

After 3 minutes ay umalis narin kami. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang excited na kinakabahan na parang ewan. Nakatulala lang ako sa likuran habang nakatingin sa labas ng tinawag ako ni mama

"Macey anak, are you okay? Nahihilo kaba? Would you like to stop for a while?" Tanong ni mama

"Ha? Aii hindi po ma, ok lang po ako."

"Kinakabahan ka'ba sa pagkikita nyo ni Enzo apo? Alam mo ganyan din ang naramdaman ko noon nung una kaming nagkita ng lolo Lukas mo" Hirit ni lola

"Anong kinakabahan lola? Hindi ah, gusto ko lang talagang nakatulala habang nakikinig dito sa music playlists ko" 

Hindi na kumibo sina lola at mama, habang ako hindi parin mawala sa isipan ko ang posibleng mangyari pag nagkita na kami ni Enzo, imagine after 16 years ngayon lang ulit kami magkikita at next year ikakasal na kami parang nakaka shock hindi pa ako ready. Hay nakuuu --__--

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon