Chapter 14

1.7K 90 5
                                    

Hello guys! Sorry talaga kung medjo natagalan na naman, hehe. By the way thanks sa mga nag vote at nag comment, yiiieee kinikilig ako. Hehe

*
Their kiss lasts for almost 2minutes, halatang'halata na ,na miss nila ang isa't isa.

Kahit pinagtitinginan na sila ng ibang customer sa cafe pero hindi sila nagpatinag

Habang si Kassandra halos mamamatay na sa kilig, si Michael naman abot tenga ang ngiti.

"Enzo, you don't have any idea how much I missed you" Mangiyak'ngiyak na sabi ni Macey habang naka hawak pa sa mukha ni Enzo

Ngumiti lang si Enzo habang tumutulo ang luha nito. Di nila namalayan na yung ibang tao nagpapalakpakan na, yung iba naman parang hindi nasiyahan pero wala ng pakialam sina Enzo at Macey sa mga ito

Ilang minuto pang natahimik si Enzo at sa wakas ay nakapag salita narin sya

"Baby, I love you. I love you so much, thank you . Thank you that you came back to me"

"Sssshhhh. Tama na Enzo ok? Tapos na yun, let's move on na. Hehe na miss talaga kitang mokong ka"

Ngumiti lang si Enzo at lumapit narin sina Michael at Kassandra sa kanila

"Ahem! Parang may nagka balikan na ha" sabi ni Kassandra at umupo sa tabi ni Macey at kinurot ang gilid nito

"Aray Kass"

"Uy!uy!uy! May pa aray2 pa pero halatang kinikilig parin. Haha wag mo akong ganyanin friend ha. "

Tumabi naman si Michael kay Enzo

"Pre, congrats" sabi ni Michael sabay abot ng kamay nya kay Enzo

Kinuha naman kaagad ito ni Enzo at nag shake hands ang dalawa

"Salamat pre"

"Oh pano na yung teddy bear na binili mo pre? Hindi mo ba kukunin yun sa sasakyan?" Tanong ni Michael kay Enzo

"Ahh oo nga pala, baby wait lang ha may binili kase akong teddy bear kanina eh balak ko sanang ihatid sa inyo pero pinagtagpo pala tayo ni kupido dito" tatayo na sana si Enzo para kunin ang teddy bear sa parking area pero hinawakan ni Macey ang kamay nya at

"Baby, no need na. Dun nalang yun sa sasakyan makikita ko naman yun mamaya eh, kase uuwi na ako sa bahay natin " nakangiting sabi ni Macey

"Really? Baby sure ka ba?" Nakangiting sabi ni Enzo na mangiyak'ngiyak rin

Ngumiti lang si Macey at niyakap sya ni Enzo

"Ayy nakuuu haha hoy, ang PDA nyo na ha. Kanina lang nag french kiss kayo jan tapos ngayon hug na naman?" Sabi ni Kassandra sabay inom ng banana shake na inorder ni Macey

"Tumahimik ka nalang jan Kassandra, eh masaya tong mga kaibigan natin eh. "

"Uhm correction! Hindi lang masaya, inlove rin" hirit na naman ni Kassandra

"Haha ano ba kayo. Syempre na miss namin yung isa't isa nuh"

Hindi na kumibo sina Kassandra at Michael at pinagpatuloy nalang ang kanilang mga ginagawa

After 30minutes ay napag desisyonan narin nila na umuwi na kase gumagabi narin

Habang papalapit sina Macey at Enzo sa sasakyan ay agad syang napansin ng driver nito

"Ma'am Macey? Ok na ho kayo ni sir Enzo?" Nakangiting tanong ni mang Tomas ang family driver nina Enzo

"Yes po" matipid na sagot ni Macey habang naka hawak sa bewang ni Enzo

Halata namang kinikilig si mang Tomas habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan

Unang pumasok si Macey at sumunod si Enzo

"Sir,ma'am? San ho tayo sa Makati po ba?" Sa Makati kase nakatira si Macey at ang kanyang pamilya

"Hindi po, sa bahay na ho tayo" sagot ni Enzo habang naka akbay kay Macey

Ngumiti lang si mang Tomas dahil gets na nya na sa bahay na nila uuwi si Macey

Parang bagong kasal ang peg nina Macey at Enzo dahil napaka sweet nila sa isa't isa. Panay kiss si Enzo sa pisnge ni Macey habang si Macey naman panay kurot kay Enzo dahil nahihiya sya kay mang Tomas

"Hoy baby, ano ka ba. Panay ka kiss jan, nakakahiya kay mang Tomas"

"I don't care baby, basta ang importante ay andito kana sa tabi ko. Wala ng makakapag hiwalay satin ha?" Sabi ni Enzo habang nakatitig sa asawa

"Hmmmm let me think about it" pabirong sabi ni Macey na nakangiti pa

"Hahaha basta hindi na kita bibitawan pa kahit anong mangyari. Baby promise me, wala ng hiwalayan ha? Kung mag'aaway tayo, ok lang na hindi mo ako papansinin basta wag mo lang akong iwan ulit"

"Promise baby, hindi na tayo maghihiwalay pa. Promise! Hehehe"

At hinalikan na naman ni Enzo si Macey pero sa forehead na nya ito hinalikan

*

End of Chapter 14

Guys, dito na muna sleepy na talaga ako. I hope magustohan nyo tong chapter na ito.

Vote and Comment please :)

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon