Chapter 28

1.2K 64 9
                                    

"It's time!"

"Anong it's time Sof?" Tanong ni Brenda sa kaibigan na si Sofia

"It's time na malaman na ni Macey ang tungkol sa'min ni Enzo"

"Hala! Sure ka jan girl? So dadalhin mo si Patrick?"

Nanganak na pala si Sofia, 3 months ago. At pinalanganan nyang Patrick Ezekiel ang anak nya

"Naman! Para makita talaga ni Macey ang bunga ng pagtataksil ng asawa nya"

"Eh Sof, pano kung mahalata nila na hindi talaga anak ni Enzo si baby Patrick?"

"C'mon Brenda, for sure maniniwala sila. Tingnan mo naman yung mata ng anak ko, kuhang'kuha kay Enzo"

"Haha nagpapatawa ka'ba Sof? Eh kamukha kaya ni Jefferson yang anak mo"

"Shut up!"

Hindi nalang umimik si Brenda at kinarga nalang si baby Patrick papasok ng kwarto

Habang naiwan naman si Sofia sa sala, nag'iisip sa pinaplano nyang pakikipag kita kay Macey mamaya

"Hi Macey, it's me Sofia. Still remember me? Can we meet later at Starbucks?"

Message sent---

Ilang sandali pa ay nag reply kaagad si Macey

"Sofia? Enzo's friend in US right? Baket gusto mong makipag kita sa'kin?"

"Yes. Wala lang, just wanna catch up with you. May sasabihin lang sana ako :)"

"Ok. Be there at 3"

"Humanda ka Enzo. At ikaw naman Macey, say goodbye to your dream happy family. Dahil mapapa sa'kin na si Enzo sa oras na malaman mo ang sekreto naming dalawa"

*

"Baby? Aalis pala ako mamaya ha? May aasikasuhin lang kami ng classmates ko for our project" sabi ni Enzo sa asawa

"Hmm ok baby. Ingat ka ha"

"Ikaw baby? Wala kabang lakad today, kayo ni Kassandra?"

Biglang naalala ni Macey si Sofia, na magkikita sila mamayang alas tres, pero pinili nyang wag sabihin sa asawa

"Hmm yup, we have plans ni Kass. We're going to buy some things para sa panganganak ko"

"Ok baby, ingat kayo ha? Lalong'lalo kana" sabi ni Enzo sabay lapit sa asawa at hinalikan nya ito sa noo sabay hawak sa tyan

"Oo naman baby hehe"

Umalis na si Enzo, naiwan naman si Macey sa kwarto nila. Namili narin sya ng susuotin nya mamaya sa pagkikita nila ni Sofia

Pagkatapos nyang mamili, naisipan nyang tawagan ang bff nyang si Kassandra

Rrriiinggggggg---

"Hello beh?" Sagot ni Kassandra

"Kass, hindi ka ba busy today? Papasama sana ako"

"Nope! Shopping? Sige gowra ako jan!!"

"Hmm no, hindi tayo mag sho'shopping"

"Eh san ba tayo pupunta? Sa OB mo?"

"No. Makikipag kita si Sofia sakin mamaya, may sasabihin raw sya"

"Sofia? Sino yan? At ano naman ang sasabihin nya?"

"Oo nga pala hindi mo pala kilala si Sofia, kaibigan sya ni Enzo sa amerika and nagpunta sya rito sa Pinas months ago. And nag text sya sakin kanina na gusto nyang makipag kita, wala nga akong idea eh kung anong sasabihin nya"

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon