Chapter 9

1.8K 89 1
                                    

"Aray!!! Ang sakit na talaga ng balakang ko!" sigaw ni Macey habang nakahiga sa kama nya at hinahawakan ang balakang

"Tatawagin ko na kaya si manang para sya nalang mag hilot sa'kin, oo tama! Tatawagin ko si manang!" Dali'daling lumabas ng kwarto si Macey dahan'dahang bumaba sa hagdanan.

Nagtungo kaagad sya sa kusina ngunit wala dun si manang Nora, kaya pumunta sya sa may garden pero wala rin ang matanda dun, kahit masakit yung balakang ay hinahanap nya parin si manang Nora. Nang maalala nya baka nagpapahinga na ito sa kwarto nya na nasa likuran ng bahay.

Kaya agad namang pinuntahan ni Macey si manang Nora sa kwarto at kumatok.

Toktoktok...

"Sino yan?" sagot ni manang Nora na nasa loob ng kwarto habang nakikinig ng drama sa radyo

"Manang?" tipid na sagot ni Macey na halatang iniindi ang sakit ng kanyang balakang

Binuksan naman kaagad ni manang Nora ang pintuan ng malaman nyang si Macey ang kumakatok.

"Macey anak, bakit? Anong kelangan mo? Nagugutom ka ba? Ipagluluto kita" alalang tanong ng matanda sa alaga nya

"Hindi manang, papahilot sana ako sa'yo" matamlay na sagot ni Macey

Nataranta naman si manang Nora, kaya agad nyang pinapasok si Macey sa kwarto nya. Maganda yung kwarto ni manang, naka aircon, tapos sa loob may isang single bed, isang cabinet, side table, may mini living room din sya at may sariling banyo.

Agad nyang pinadapa si Macey, at kinuha ang kanyang maasage oil, at sinimulan na nyang hilotin si Macey

"Aray manang! Ansakit talaga huhu" Mangiyak'ngiyak na sigaw ni Macey habang pinipigil ang sarili sa sakit

"Tiisin mo anak, at mawawala rin tong sakit nato. Mabuti at pinahilot mo kaagad, kase kung hindi nakuu mas malala pa ang mangyayari sa'yo" sagot ni manang habang pinipisil ang balakang ni Macey

Hindi na maka kibo si Macey dahil tinitiis nya parin ang sakit.

*
"Ano na kayang nangyayari sa malditang yun?" Sabi ni Enzo habang naka upo sa may terrace ng kwarto nya.

Nang may nakita syang isang babae na naglalakad sa may pool, hindi nya maaninag ng mabuti kase madilim sa paligid.

Pero alam na alam nya na si Macey dahil sa hugis ng katawan at the way ito mag lakad

"Macey!!!" Pasigaw na sabi ni Enzo habang nakatayo na ito ngayon

Muntik namang mahulog si Macey sa pool dahil gulat na gulat sya nung tinawag sya ni Enzo

"Enzo!!!! Grabi ginulat mo'ko!!" Galit na sigaw ni Macey habang naka hawak sa may beach chair sa gilid ng pool

"Sorry. Ano ba kasing ginagawa mo jan eh 11pm na kaya!"

"Ano bang paki mo ha?!" Masungit na sagot ni Macey at agad umalis papasok ngbahay.

Naiwan naman si Enzo sa terrace na bahagyang nakatawa pero may part din na problemado.

Dahil nga hindi nya nahilot si Macey at nag'aalala sya kase galit parin ito sa kanya.

*

"Pakialamerong bakukang!" naiinis na sabi ni Macey sa sarili habang paakyat ng hagdanan

Nang papasok na sana sya ng kwarto nya, narinig nya si Enzo na may kausap sa loob ng kwarto nito

"Aba, may bisita pala ang mokong!" Sabi ni Macey habang papalapit sa pintuan ni Enzo upang maki tsismis.

*

"Oo na ate, tapos ko na ngang hilotin si Macey kanina. Natutulog na nga sya" sagot ni Enzo sa kabilang linya ng telepono

Habang si Macey nakikinig parin ng mabuti sa pinag uusapan ni Enzo at ng kausap nito

"Ate Esmee, no need to worry about okay? Gagaling na si Macey kaya chill lang"

"Ate Esmee? Andito si ate Esmee sa bahay?" nagtatakang tanong ni Macey sa sarili nya ,kase hindi nya alam na sa telepono pala nag'uusap si Enzo at si ate Esmee nila. Akala nya ay bumisita ito sa bahay

"Sige ate, I'll update you nalang. bye love you"

Agad namang binaba ni Enzo ang telepono at humiga sa kama nya, ng mag mapansin sya na anino sa baba ng pintuan nya

"Pucha! Sino kaya tong nakatayo sa labas ng kwarto ko!" Kinakabahang tumayo si Enzo at lumapit sa may pinto.

*

"Bakit tumigil sila sa pag'uusap? "Nagtatakang tanong ni Macey habang nakatayo ito sa harap ng pinto at papasok na sana sya ng kwarto nya ng---

Bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Enzo na gulat na gulat

"Ay anak ng! Ano kaba Enzo, ginulat mo'ko!"

Gulat na gulat na sabi ni Macey habang humihinga ng malalim at hinahawakan ang damit

"Eh ako hindi ba ako nagulat ha?! Akala ko kung sino, akala ko magnanakaw! Ano ba kase ang ginagawa mo dito sa labas ng kwarto ko?" Pasigaw na sagot ni Enzo habang naka hawak ito sa door knob

"Wala! Napadaan lang ako, papasok na sana ako ng kwarto ko ng bigla mong binuksan yang pintuan!"

"Napadaan? Or sinisilipan mo'ko?" naka smirk na sabi ni Enzo habang naka sanday sa pinto

Inis na inis naman si Macey sa sinabi ng asawa nya kaya hindi nalang sya sumagot at pumasok na ng kwarto nya.

Naiwan naman si Enzo na naka smirk parin, at ilang sandali pa ay pumasok narin ito.

*

"Napaka feeling, sinisilipan ko raw sya? Huh! Akala mo kung sinong gwapo, buti sana kung si Enrique Gil sya, talagang sisilipan ko talaga sya araw'araw!"

*

Guys, bukas ulit hehe. I'm baking cookies kase, kaya wala akong maisip isulat. Thank you for reading kahit panget haha!

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon