Chapter 37

1.3K 53 7
                                        

"Enzo? So ano na papakasalan mo ba talaga ulit si Macey? " tanong ni ate Esmee habang karga2 si Isabella "hmmm ang cute2 talaga netong pamangkin ko"

"Gustong'gusto kong pakasalan ulit si Macey ate pero..."

"Pero ano? Bakit may gusto ka na bang iba? Ay naku Enzo aahh, wag kang boang jan kung ayaw mong ma tokhang kita"

"Ate naman, wala. Wala akong iba, kaso lang may nagbabalik sa buhay namin ni Macey"

"At sino naman?! At ipapakain ko yan sa alaga kong ahas. " mataray na sabi ni ate Esmee

"Si Sofia ate" mahinang sagot ni Enzo

"Ano?!!!" Pasigaw na sagot ni ate Esmee na nagdulot ng pagka gulat ni Isabella

"Nakuu sorry baby, nabigla lang si tita ganda"

"Hoy akala ko ba patay na yang Sofia na iyan! "

"Eh akala rin namin ate eh pero nagbalik sya. And may alalay pa sya ngayon, yung bading nyang kaibigan"

"Tss! Naghahanap talaga ng sakit sa katawan yang si Sofia eh nu? Nakuu wag ka ng mag'alala jan brother, ako na ang bahala sa bruhang yan. May kilala kaming serial killer" seryosong sabi ni Esmee sa kapatid

"Ate, wag naman ganyan. Daanin nalang natin sa mabuting aksyon"

"Tss! Enzo wag mo nga akong ma ano2 jan! Mabuti?! Eh yung ginawa nya sa inyo ni Macey, mabuti ba yun para sa'yo ha?! Tuturoan lang natin sya ng leksyon!"

Natahimik si Enzo, halatang nag-iisip

"Enzo, kung ayaw mo. Edi wag, basta ako tuturoan ko ng leksyon yung babaeng yun. Para sa kapakanan ni Isabella at sa inyo rin ni Macey"

*
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Kris kay Sofia. Tulad nina Macey at Enzo ay hindi nya rin inaasahang babalik si Sofia

"Well ano pa,kukunin ko ang anak ko" mataray na sagot ni Sofia

"Wala ka ng anak Sofia! Simula nung umalis ka, wala ka ng anak dito!"

"Eh ano yan?" Sarcastic na tanong ni Sofia habang tinuturo ang anak na si Patrick na masayang naglalaro sa mga laruan neto.

"Hindi mo na sya anak Sofia."

"Eh sino na pala ang mommy nya, ikaw Brenda?" Natatawang sabi ni Sofia

"Oo. At bakit? May problema kaba?" Tinarayan rin ni Brenda si Sofia

"Well bagay naman kayo, pareho kayong mga bobo, ooppsss! Hahahaha"

"Aba sumusobra kana ha!!" Galit na sabi ni Brenda sabay hila sa buhok ni Sofia, na nagpatumba neto

Habang si Kris naman ay pilit inaawat ang dalawa

"Ikaw Sofia!! Tinuring kitang kaibigan pero anong ginawa mo! Ginamit mo lang ako para may matirhan ka dito sa Pinas!!" Galit na sabi ni Brenda habang naka sakay sa likuran ni Sofia habang hila2 ang buhok neto

"Aray!!! Bitawan mo ako!!!" Sigaw ni Sofia na kanina pa pilit hinihila pababa si Brenda

"Bwisit ka Sofia!!! Mabuti pa't manahimik ka nalang! Tigilan mo na sina Enzo!!"

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon