Wedding Bells

2.1K 102 6
                                    

Sa loob ng isang taon ay mas nakilala namin ang isa't isa, naging mag best friends kami ni Enzo pero promise wala pa talagang namumuong feelings. Swear! 

Napag pasyahan namin na maging kaibigan nalang para hindi na kami mahirapan kung kasal na kami, so yun nga since alam na ng buong campus na engaged na nga kami everyday kaming magkasama ni Enzo, hatid sundo nya ako, tuwing lunch kasama na sya samin nina Kassandra at Vivian and all.

Dumating na ang araw na ikakasal na kami ni Enzo, gabi palang before ng kasal todo handa na ang lahat, ang mga pagkain, mga damit, at iba pang kakailanganin. Habang ako hindi na mapakali, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Nakakulong lang ako sa kwarto ko nag iisip'isip ng kung ano'ano, ng biglang tumawag si Enzo

"Hoy panget, ready kana bukas?" Habang nakatawa sa kabilang linya

"Che! Naisipan ko ngang wag pumunta bukas eh, the run away bride lang ang peg haha"

"Haha subukan mo lang ,kung ayaw mong itaboy ka nina tita Kristina at tito Richard sa bahay nyo"

"Gago. Syempre hindi ko gagawin yan nu, kung may balak pala ako edi sana noon umatras na ako diba?"

"Hmmm ang sabihin mo, kaya hindi ka aatras kase na de'develop kana sa'kin haha. Uuuyyyy"

"Hahaha grabe nakakatawa naman yang joke mo Enzo! Grabe! Haha"

"In denial, meaning totoo"

"Yucks, never Enzo. Never!"

"Haha ok. Ako rin nu never akong ma de'develop sa'yo. Wag kang mag alala pag kasal na tayo at kung may magustuhan akong ibang babae, ipapaalam ko sa'yo, para hindi ako mahatulan ng salang pambababae"

"Hahaha gag* ka talaga Enzo, wala akong pakialam sa'yo nu kahit isang dosena pang babae ang syotain mo"

"Haha sige na, tulog kana. Kailangan maganda ka bukas ha, kung hindi, ako ang magiging run away bride, aii groom pala. Haha good night Macey"

"Haha ewan ko sa'yo ,sige good night Enzo"

END OF CALL

"Kulit talaga netong Enzo, ibang'iba sya sa pagkakilala ko sa kanya noon, talagang never judge a book by it's cover ika nga"

It was 9:5pm ng nakatulog ako habang abala pa ang lahat sa labas. 

"Well maybe I should get my beauty rest, hayyss. Good bye buhay single good bye Miss Gonzaga and hello Mrs. Salvador"

Pinikit ko na ang aking mga mata at natulog na.

Kinabukasan.....

"Macey anak! Gising na, it's time!" Habang kinakatok ang pintuan ng aking kwarto

"Ha? Ma? Anong it's time?''

"Anak, papasok na ako jan ha, Macey nakalimutan mo ba? Today is your wedding day !"

"Ha?! Today na pala yun ma?!" Balisa kong sagot

"Oh relax anak, just chill ha. Bawal kang ma stress baka hindi mag mukhang maganda ang make up sa'yo mamaya. Sige na baby, you should take a bath and mag bihis ka at tsaka pumunta kana sa hotel. Andun na ang mga make up artists, mga photographer, videographer at iba pa"

"Talaga mama? Sige po, ligo po muna ako"

Tiningnan ko ang orasan, shoot 8:38am na pala, yung kasal eh magsisimula at exactly 1:00pm, madami pang dapate prepare ,mag pa'picture pa, make up, ay naku nakaka stress. Kailangan kong mag madali.

9:30 nung nakarating ako ng hotel, sa isang kwarto andun ang mga abay sinimulan na silang lagyan ng make up, habang sa kabila naman ay ang kwarto ko. Pagka pasok ko ng kwarto ay sinalubong ako kaagad ng photographer at videographer.

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon