Guys sorry if mejo natagalan ang update kase I'm packing my things, uuwi na kase ako ng Pinas tapos na ang bakasyon ko :( . And to be honest wala pa talaga akong maisip na magandang update but I'll try my best. Hope you'll like it :)
*
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng umalis si Macey sa bahay nila ni Enzo.
Instead na mag mok'mok sa kwarto ay mas pinili ni Enzo na mag focus nalang sa ibang bagay. Naglalaro sya ng online games, tsaka nag ba'basketball rin sya kasama mga barkada nya at focus na focus sya sa academics nya.
*
Habang si Macey naman halos araw2 gumagala kasama ni Kassandra after school. Hindi narin sya gaanong nakikipag text kay Joshua,mas pinili nya ang company ng best friend nyang si Kassandra
Wala narin syang balita kay Enzo dahil hindi naman sya tumatawag sa bahay nila para mangumusta.
Pagkatapos ng klase nila ay dumeretso sila sa mall dahil may bibilhin raw si Kassandra
Habang papunta sila ng mall napag usapan nila si Enzo
"Friend, hindi mo ba na mi'miss si Enzo?" Tanong ni Kass habang inaayos ang buhok
"Ha? Hindi noh" sagot naman ni Macey na nakatingin sa labas ng sasakyan
"Weh? You sure? Alam mo best friend, 2 weeks na kayong hindi nagkikita . And diba love mo sya? So imposibleng hindi mo sya na mi'miss"
"Ano ka ba Kass,tumigil ka na nga jan, sinong may sabi sa'yo na love ko sya? Hindi ko mahal yung gong'gong na yun noh!"
Nakaharap na si Kass kay Macey ngayon na parang naghihintay na chumika pa ang bff nya
"Ay naku alam ko na yang mukha mo Kass ha, wala na akong sasabihin pa"
"Macey naman oh! Sige na! "
Pero hindi sya pinapansin ni Macey dahil abala ito sa cellphone nya
"K fine. Kung wala ka ng sasabihin,ako nalang ay may e chi'chika sa'yo"
Humarap naman kaagad si Macey sa kanya at inilagay ang cellphone sa gilid
"Ano?"
"Well as I've heard may nakakita raw kay Enzo kahapon sa Starbucks may kasamang babae"
Hindi maipinta ang mukha ni Macey nang marinig nya ang sinabi ni Kassandra
"Baka si ate Esmee or ate Engrid lang yun"
"Hmm nope! Sabi ng source ko, mestiza daw. Tsaka ang sweet pa nga daw nila eh kase may pa holding hands2 pa"
"Wala akong pakialam" mangiyak'ngiyak na sagot ni Macey habang nakatingin na naman sa labas
"Hahaha see Macey?! Yan ba ang hindi mo mahal, eh naiiyak ka na nga sa selos jan! Hahahaha "
Tawa ng tawa si Kass habang niyayakap si Macey
"Hindi ko nga sya mahal Kass! Naiinis lang ako kase alam naman yang may asawa sya diba? Ba't nakikipag date sya sa ibang babae?! Sana nakipag annul nalang sya kung ganun!" Halatang selos na selos na talga si Macey dahil sa tono ng boses nya
Si Kass naman natatawa parin habang tinitingnan si Macey at yakap2 parin nya ito
"Bff, hahahaha. May sasabihin ako. Hmmm Joke lang yun! Haha tenest lang kita para malaman ko kung mahal mo ba talaga ang asawa mo! Haha"
Hinahampas'hampas ni Macey si Kassandra sa braso habang tumatawa parin ito.
"Hahah Macey stop. Hahaha oh ngayon alam ko na nga you're really in love with your husband'! Haha"
"Kainis ka Kass ha! Akala ko totoo na may ka date talaga sya!"
"Haha ano ka ba gawa2 ko lang yun nu. Pero malay natin diba kung meron talaga. Anong gagawin mo?"
Natahimik saglit si Macey ,halatang nag'iisip
"Hmm well lagot sya kina mama at papa. At tsaka sa batas, diba bawal yan kase kasal sya"
"Eh wala ka bang mararamdaman? Wag ka na ngang in denial pa jan friend"
"Sige na nga since alam mo na ang totoo. Hmm syempre masasaktan ako, tsaka kahit kasal kami pero wala naman akong karapatan mag selos o masaktan diba kase hindi nya naman ako mahal"
"Friend may karapatan ka, malay natin diba na may feelings narin pala si Enzo sa'yo. Diba sabi nya nung bago ka umalis na he finds you so special? Baka yun na ang sign friend na mahal karin nya"
"I don't know. Andito na pala tayo" nasa mall na pala sila at mag pa'park nalang ang driver ni Kassandra para makababa na sila
*
"Enzo? Ano ba kase ang bibilhin mo dito? Para san ba?" Tanong ni Michael ang best friend ni Enzo, na kanina pa pa lakad2 sa mall kasama si Enzo .
"Hoy Enzo!! "
Pero hindi sya pinapansin nito, patuloy parin ito sa paglakakad at tumitingin sa mga boutique ng mall.
Ilang sandali pa ay pumasok si Enzo sa isang toy store
"Ay naku gusto mo lang pala bumili ng laruan Enzo, sinama mo pa ako" sabi ni Michael habang nakakamot sa buhok
"Miss magkano to? "Tanong ni Enzo sa sales lady habang tinuturo ang life size na teddy bear
"Oh anong gagawin mo sa jan Enzo? Yayakapin mo tuwing gabi? Haha nababading ka naba?" Natatawang sabi ni Michael
"Hindi, ibibigay ko kay Macey"
"Macey? Ano yan peace offering? Ay naku bro, wag mo na muna yun suyuin sure ako galit parin yun sa'yo"
"Parang ganun na nga pero kase, kahapon 1st monthsary namin as mag asawa"
"Hmm wow, ang sweet naman pero baka itatapon nya lang yan bro"
"Ok lang"
"Sir 8,500pesos po ito" sabi ng sales lady
"Ah sige kukunin ko"
"Wow bro ha, 8,500. Parang mahal mo na yang asawa mo ha?"
Ngumiti lang si Enzo at inabot ang bayad sa cashier
Pagkatapos nilang bumili ay pinahatid ni Enzo ang life size teddy bear sa parking area, kase andun din ang driver nya naghihintay.
Habang sya at si Michael ay pupunta muna ng cafe para makapag snack
*
"Friend, nagugutom ako. Kain muna tayo jan oh"
Sabi ni Kass sabay turo sa isang cafe
"Ay naku Kass naman,busog pa ako eh. Ikaw nalang hintayin nalang kita dun sa boutique"
"No, kailangan samahan mo'ko"
Hindi alam ni Macey na napansin pala ni Kassandra sina Enzo at Michael na pumasok sa cafe. Kaya pinipilit nya si Macey pumuntang cafe para magkita ang mag asawa
"Kass "
"Sige na ali kana" at hinila na ni Kassandra si Macey papasok ng cafe. Umupo sila sa likuran nina Enzo, from Enzo and Michael's table after 2 tables ay san naka pwesto sina Macey at Kassandra.
*
Wala namang ka alam'alam ang dalawa na nasa likod pala si Macey at Kassandra
"Bro, order kana. Treat ko'to" sabi ni Michael kay Enzo habang pumipili ng e o'order sa menu
"Haha wow yaman ha." Sagot ni Enzo sabay bukas ng menu
*
"Oh friend, order kana." Sabi ni Kass sa best friend
"Ok" tipid na sagot ni Macey habang namimili ng o'orderin.
***
End of Chapter 12.
Sorry kung bitin wala na talaga akong maisip. Bukas ulit :)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)
RomantikArranged marriage - is a type of marital union where the bride and groom are selected by their families. Yeah exactly! Selected by their families, ipapakasal ka sa isang tao na pinili ng pamilya mo para sa'yo. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ang...
