Chapter 22

1.5K 75 6
                                    

"Luto na po ang order nyo ma'am!" Masiglang sabi ni Enzo habang hinihahain ang mga pagkain sa lamesa

"Ano ba'yan, ang baho naman nyan ! Pano mo ba yan niluto?" Masungit na sagot ni Macey habang naka simangot at tinatakpan ang ilong

"Hoy!hoy!hoy anong mabaho, ang bango kaya! Habang nagluluto nga ako takam na takam na nga si manang oh" sagot naman ni Enzo sabay turo kay manang na kanina pa pinapapak ang tocino at bacon

"Ay naku! Basta mabaho talaga. Ayaw ko na nyan, nasusuka tuloy ako!"

"Ewan ko sayo Macey, kung ayaw mo di wag. Effort na effort ako sa kaluluto nyan tapos sasabihin mo lang mabaho?" Naiinis na sabi ni Enzo, habang kumukuha ng ulam at kanin

"Kung ayaw mo talaga, kami nalang ni manang ang kakain. Hali ka dito manang ,samahan mo'ko. Kase tong maarteng buntis dito, mabaho raw tong niluto ko"

Naka simangot lang si Macey sabay tayo ,at umakyat sa itaas

Ng naka alis na ang asawa, kumain narin si Enzo. Pero napansin nyang hindi pa kumakain si manang

"Uhhmm manang? Kain ka na po, ansarap kaya nitong mga niluto ko" sabi ni Enzo habang punong'puno ang bibig ng ulam

"Enzo anak, sundan mo yung asawa mo. Baka mag tampo yun, masamang magtampo pag buntis."

"Tsk! Bahala sya manang, kung ayaw nya edi wag! "

"Hayy nako. Sige ka, baka hindi ka na papansinin nun habang buhay"

"Imposible" matipid na sagot ni Enzo

"Sige na Enzo, pagkatapos mong kumain jan, sundan mo ang asawa mo at tanungin mo kung anong gusto nyang kainin at ipagluluto ko nalang sya"

Tumango lang si Enzo . At ilang minuto pa ay natapos narin syang kumain agad syang umkayat para puntahan ang asawa

Tok.tok.tok

"Anong ginagawa mo dito?!!" Galit na sigaw ni Macey sabay bato ng unan kay Enzo

"Baby, sorry na. Ikaw naman kase eh, ininsulto mo yung luto ko eh alam mo namang todo effort ako dun kase ,alam kong yung dalawang taong pinaka importante sa buhay ko ang kakain at yun ay ikaw at ang anak natin" sagot naman ni Enzo habang papalapit sa nakatalikod na asawa sa kama

"Edi shing Enzo!!! Wag mo akong lokohin! " galit na galit parin si Macey

"Baby sige na. Ano bang gusto mong kainin? Gusto mo ng ice cream?"

"Ice cream?!! Haler! Gusto mo ba talagang ma impatsho ako ha?! " sagot ni Macey habang naka harap na ito kay Enzo

"Eh sorry. Ano pa ba ang gusto mong kainin. Hmmmm? Alam ko na!!!" Excited na sagot ni Enzo with matching abot tenga na ngiti

Naka simangot lang talaga si Macey ,na tila walang pakialam sa asawa

"Gusto mo ng kiss ko nu? Ayiieee" sabi ni Enzo ,yayakap na sana sya kay Macey ng bigla syang tinulak nito at pak na pak na nahulog si Enzo sa kama

"Aray. Grabe ka naman baby oh" mahinang sabi ni Enzo habang hawak2 ang pwet

"Yan! Yan ang gusto ko. Ok na ako, so you may go out!" Mataray na sabi ni Macey sa asawa

Naka upo parin si Enzo ,hindi sya nakikinig sa asawa

"Hindi ako aalis dito, hanggat hindi kita na ki'kiss" pilyong sabi ni Enzo

"Ewan ko sayo! Lumabas ka na nga!"

"Ayaw"

"Isa!"

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon