Chapter 17

1.8K 75 3
                                    

Nakarating na si Enzo sa bahay nila at dumeretso sya kaagad sa kwarto nila ni Macey.

Naabutan nya ang asawa na naka upo sa kama na nakaharap sa pintuan

"Bat at tagal mo baby? Kanina pa ako takam na takam sa manggang hilaw na iyan"

"Sorry baby, nahirapan talaga akong maghanap eh buti nalang at may nakita akong fruit store"

"Hmm ok. Sige na, e slice mo na yan"

Habang nag sle'slice si Enzo ay panay kuha naman si Macey ng sliced na mangga at nilalagyan nya ng shrimp paste.

"Uhhhmm! Ansarap talaga baby! Gusto mo?"

Umiling lang si Enzo at pinagpatuloy ang pa sle'slice ng mangga

Ng matapos na nyang ma slice ang limang mangga ay umupo sya sa harapan ni Macey at pinapanuod ang asawa na takam na takam sa kakakain ng manggang hilaw

Napaisip sya sa sinabi ng mga matanda kanina sa manggahan na buntis nga ang asawa nya. Gusto nya sanang sabihin kay Macey pero parang hindi pa ito ang tamang panahon kase hindi pa sya sure kung buntis nga ba talaga ang asawa.

"Baby, thank you ha. Thank you talaga,cravings satisfied talaga. Alam mo baby, parang nagiging weird ako ngayon. Gustong'gusto kong kumain ng mga maalat na pagkain ,tapos parang inaantok ako palagi. " sabi ni Macey sa asawa

Hindi naman kumikibo si Enzo dahil panay isip parin sya sa sinabi ng matanda sa kanya kanina

"Hoy! May problema ka ba?"

Bigla namang natauhan si Enzo

"Ha? Ano yung sinabi mo baby? Sorry ha, inaantok na kase ako eh"

"Wala! Nevermind. Sige na nga, tulog na tayo alam kong napagod ka ,kakahanap ng manggang hilaw ko. Good night baby,I love you" sabi ni Macey at hinalikan sa labi ang asawa ,at tsaka humiga na

"I love you more baby"

Naiwan namang nakatunganga si Enzo ,pero ilang sandali pa ay humiga narin sya at niyakap ang asawa. At tsaka hinawakan ang tyan ng mahimbing na natutulog na asawa

*

Kinabukasan

"Baby, mauna na ako sa'yo sa school ha. Kase tong si Kassandra papatulong raw sya sa assignment namin"

Nagmamadali mag ayos si Macey habang si Enzo naman ay naka higa pa.

"Baby, wag kang masyadong mag madali. Baka mapano ka jan"

"Haha baby? Ang OA mo ha! Haha dati pa kaya akong ganito. Ano ka ba" sagot ni Macey habang nag lalagay ng lipstick sa labi nya

"Hmm sige na, ligo ka na jan ha. Alis na ako. Bye mwaah!"

Hindi na nakakibo si Enzo dahil nakalabas na kaagad si Macey sa kwarto nila. Agad namang bumagon si Enzo at naligo dahil susundan nya kaagad ang asawa at baka mapano pa yun.

Kahit hindi pa talaga sya sure na buntis nga ang asawa ay parang feel lang nya na mas alagaan pa si Macey

*
"Hello friend,oh nasa school kana? Going na ako" sabi ni Macey na kausap si Kassandra sa telepono

"Sige2 see you. Bye"

At binaba na nga nya ang cellphone

Ilang sandali pa ay nakarating na sya sa skwelahan nila. Agad syang pumunta sa cafe ng school kung san nag aantay si Kassandra

"Kass!" Sigaw ni Macey sa kaibigan na busing'busy sa pagbabasa

"Friend! Huhuhu I really need your help, sorry ha kung naabala pa kita"

Arranged Marriage (MayWard) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon