December 6, 2016

30 1 0
                                        

Panibago

Unang araw ng ating pasukan
Tayong dalawa'y wala pang pakialamanan
Daldalan dito, daldalan diyan
Ngunit mga landas nati'y 'di pa nagkakatagpuan

Ako'y nakisali sa inyong usapan
Love teams sa classroom inyong bininyagan
At ang pinaka-hindi ko inaasahan
Na ako'y mapapasali sa inyong listahan

Mula noon tayo'y nagkadaldalan
Mga author sa wattpad ating napagusapan
Kay Alyloony, YamYam, o Jhing Bautista man
Tayo'y 'di nauubusan ng pag-uusapan

Hanggang sa 'di na natin namalayan
Tayong dalawa pala'y nagi nang magkaibigan
Nagsasamahan kahit saan man
Ika nga nila'y hanggang sa dulo ng walang hanggan

Tayo'y 'di magkasundo paminsanminsan
Lalo na kapag mahalaga sa'yo ang pinag-uusapan
Mga paniniwala mo'y iyong ipinaglalaban
Kaya ako'y sumusuko na lang at 'di na lumalaban

'Di naglaon, ika'y aking nahawaan
Sa isang kahibangan na dapat ay sa akin lamang
Ngunit nang dahil sa boses niyang pantanghalan
Shawn Mendes ang ating pinagtuunan

Kadalasan natin siyang pag-agawan
Girlfriend ka nga, ako'y asawa naman
Wala kang laban sa aming pagmamahalan
Oo na, oo na, hanggang imahinasyon ko na lamang na kaya niya itong susuklian

Pagkakaibigan nati'y hindi naman pinagkakaguluhan
Pati rin tayo ay walang pakialam sa ibang nasa paaralan
Ngunit sila'y atin na lamang na hinayaan
Dahil tayo'y may sariling mundo at ito'y pandalawahan lamang

Inaamin kong may mga panahon na ako'y napaplastikan
Hindi sa'yo kundi sa sarili kong katauhan
Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi mo minsan
Pero heto ako't ngumingiti at nakikipag-asaran

Tayo'y nagmistulang kambal-kambalan
Magkasamang pupunta rito, magkasama pa ring papunta riyan
Halos lahat ng bagay ating pinagsasaluhan
Pati saltik sa utak ating pinaghatian

Kaya sa halos anim na buwan nating pagsasamahan

Sa halos anim na buwan na tayo'y nagdadamayan
S

a halos anim na buwan na tayo'y nagtutuksuhan
Maraming maraming salamat, Dianne

Salamat sa pagiging MaChi's number one fan
Salamat sa pagiging promotor ng MaChi na aming tambalan
Salamat sa pagsama sa akin sa umaga, lunch, o gabi man
Salamat sa lahat ng ating mga pinagsamahan

Salamat sa pagdaragdag ng kulay sa mundo kong may kadiliman
Salamat dahil sa panahong kailangan kita, lagi kang nariyan
Salamat sa pagtiya-tiyaga sa aking kahibangan
At salamat dahil palagi kang nandiyan

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon