October 5, 2016

33 1 0
                                        

This is for one of our Teachers. Just made this since that teacher of ours is a big fan of Spoken Poetry and yah, this is part of our surprise for her.

MA'AM CESS

Unang araw pa lamang ng ating pakikita
Mukha mo'y tandang tanda ko na
Pati pangalan mong pagkahaba-haba
Sa utak ko'y nakatatak na

Princess Shelly Ann Carla
Ang pangalan mong kay ganda
Ito'y bagay na bagay sa iyong mukha
Ito'y bagay rin sa iyong bestida

Mga ngiti mong kay ganda
Kami'y sabik na sabik itong makita
Ngunit sa mga araw na nagdaan
Mga ngiti mo'y kay hirap nang tandaan

Alam naming kami'y nagkamali
Ngunit aming pagpapaliwanag ay 'di hiningi
Lahat nang iyong mga sinabi
Amin na lamang kinimkim at isinantabi

Iyong galit ay pinalipas muna
Dahil palagay nami'y wala kaming magagawa
Kaya kaming lahat ay nabigla
Nang sa amin, ika'y biglang nakitawa

Ngayong tayong lahat ay ayos na
Kami'y hihingi ng tawad, ayos lang ba?
Dahil ang pagsimangot mo'y nakakaasiwa
Kaya pwede bang ika'y ngumiti na?

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon