UNO STACKO
Sa paglalaro namin nito
Maraming bagay ang natutunan ko
Una
Lahat ng bagay
Sa simula'y matibay
Kahit saa'y pwedeng kumuha
Basta ba'y mga alituntuni'y
Hindi isinasawalangbahala
Ikalawa
Habang tumatagal ang laro'y
Unti unting humihina
Ang pundasyong sa simula'y
Napakatibay
Subalit ang toreng itinatayo'y
Lalong tinitingala
Dahil sa blokeng inilalagay sa
Bawat pagtira
Ikatlo
Sa huli'y lahat ay guguho
Walang magagawa kundi ang sumuko
May matatalo at mananalo
At ang natalo
Siya ang muling magtatayo nito
Bibigyan ng ikalawang pagkakataon
Upang mga mali'y maitama
Upang laro'y mapagplanuhan pa
Sa pagbabakasakaling mananalo na
Ikaapat
'Wag kang maging kampante dapat
Siguraduhing sa pagkakataong ito'y
Hindi ka uuwing hihikbi-hikbi
At ngiting tagumpay
Ang sa mukha mo'y nakadikit
Subalit
Ibinigay na pagkakatao'y
Iyong sinayang
Nang muli
Ika'y nakagawa ng mali
Pinilit mong kunin
Ang hindi dapat angkinin
Ika'y nalingat
Sa pagiging maingat
Ika'y nakalimot na iyon
Ang naging rason
Kung ba't ka nasa gan'tong sitwasyon
Kung ba't ka binigyan ng ikalawang pagkakataon
Kaya't ngayon
Laro ay muling natapos
At, ikaw, ay muling natalo
BINABASA MO ANG
Poems: A Compilation
PuisiA compilation of all of the poems that I have written so far. Poems are written in Bicol, English, and Filipino. Some are written poems, few are spoken.
