February 6, 2017

17 0 0
                                    

A poem that I made na project sana no'ng Kuya ko kaso hindi naman pala sariling gawa, instead, English translated to Tagalog ang isa-submit. Kaya ayan, inilagay ko na lang dito.

PILIKMATA

Mga araw na ika'y aking nasisilayan
Mga ngiti sa aking labi'y walang mapaglagyan
Pati tibok ng aking puso'y 'di namamalayan
Tila ba ako'y napasali sa isang paligsahan

Mula sa malayo, ika'y tinatanaw
Mula sa bintana, ako'y palihim na dumudungaw
Kapag ika'y ngumingiti, ako'y napapasayaw
Pati mga paruparo sa aking tiya'y 'di magkamayaw

Isang araw, habang ako, sa pasilyo'y dumaraan
Isang dalaga'y aking nakabungguan
Mga mata nami'y biglang nagkatagpuan
"Pasensya," sambit ko, bago mo ako nilampasa't iniwan

Mula noon, mga ala-ala mo'y 'di na 'ko nilisan
Mukha mong kay ganda at kay lambot kung haplusin
Mga mata mong madilim sa unang tingin
At ang buhok mong kay ganda 'pag dinaraanan ng hangin

Sa malayo, ika'y pinagtuunan ng buo kong pansin
Napangiti nang ako'y iyong lingunin
Nalungkot nang ika'y nag-iwas ng tingin
At pagbaling sa kanya'y saka tumingkad ang iyong ngiti

Iyong mga ngiti na dati'y para lamang sa akin
Iyong mga mata na sa akin lamang nakatingin
Ngayon, ito sa akin na'y ipinagkakait
O tadhana nga naman, sadyang kay lupit

Iniwan kita at ngayo'y nagsisisi
Binitiwan kita kaya't ngayo'y 'di makangiti
'Di ka na makangiti pabalik sa akin
Dahil sa sakit na sayo'y itinanim

Konsensya'y unti-unti akong kinakain
Pagmamahal sa'yo'y dahan-dahang bumabalik
Ako'y unti-unting humihiling na ika'y bumalik sa 'kin
Sa pilikmatang nalagas at dumikit sa akin

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon