October 1, 2016

33 1 0
                                        

AMBON (IKATLONG PARTE)

Sinubukan kong wakasan ang naunang tula
Ngunit ramdam kong may ninanais pa ang aking diwa
Kaya ako ngayo'y nagsusulat pa
Ng isang panibagong kabanata

Iminulat ko ang pugto kong mga mata
Dahil ang ulan, ako'y pinaasa
Akala ko'y tulog lang ay sapat na
Sapat na upang kalimutan ka
Ngunit ano pa nga ba ang sa ulan ay aasahan?
Kundi walang humpay na kalungkutan

Sa pagpikit ng aking mga mata kanina
Mukha niya ang una kong nakita
Sa dinamirami ng tao sa mundo, bakit siya pa?
Ngunit salamat pa rin sa kanya
Dahil kung hindi dahil sa pagdating niya,
Hindi ko maaalala
Ang mga bagay na mali sa pangalawa

Mga linyang nakalimutan ko
Ngayon ay aking isusulat dito
Upang mas lalong madama mo
Ang lahat ng mga nararamdaman ko

Inulit at inulit ko ang kantang ito
At sumabay na rin sa agos nito
Ngunit napatigil ang pagkanta ko
Nang dumating na sa linyang ito

Binanggit ang pinakamasakit na linyang
"Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo"
At sinundan ng isang
"Ngunit diya'y umaambon lamang"

Isang linyang naging dahilan ng pamumuo
Pamumuo ng mga luhang matagal kong itinago
Dahil ang linyang ito ay isang sampal sa mukha ko
Na kahit ano pa ang gawin ko
Wala pa ring magbabago

Oo, mayroong 'ikaw' at 'ako'
Ngunit gaya ng pa-ulit-ulit na sinasabi ng mga tao
'Walang tayo'
Ayon nga sa linyang nabanggit ko
Kahit na magkaharap o magkalapit tayo
Naroroon pa rin ang pader na itinayo mo
Walang kahit na ano ang titibag dito
Kahit na ang napakalakas na bagyong dala dala ko

Sumunod naman dito ang linyang saktong-sakto
Saktong-sakto sa nag-iisang kahilingan ko
Ang maanggihan ng katiting na pagmamahal mo
Alam kong napaka-imposible nito dahil sa layo mo
Ngunit nangangarap pa rin akong maabot ang isang tulad mo

Sa pagbasa kong muli ng nakaraang berso
May isang bagay lamang akong napagtanto
Pano nga ba magkakaroon ng ambon
Kung ang lugar na kinaroroonan mo
Ay isang tuyong-tuyo na disyerto?

Nagpatuloy ang kanta hanggang sa matapos ito
Ngunit ang puso ko'y patuloy na nagdurugo
Unti-unting nahahati sa lampas isang libo
Dahil sa realisasyong tumatak sa isip ko
Oo nga pala ano?
Prinsipe ka at walang halaga sa'yo ang buhay ko
Nasa isang palasyo ka habang walang-wala ako

Ngunit isang araw ay bigla kang nagbago
Hindi ko alam kung ito ba ay kathang-isip lamang o totoo
Ang nag-iisang pangarap ko sa talambuhay ko
Pa-unti-unti, ito ay tinutupad mo

Isang araw ay nginitian mo ako
Ito'y naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko
Hanggang sa dumating tayo sa puntong
Umulit nanaman ako sa sitwasyong ito
Ang pagmamahal ng isang tulad mo

Ang pangarap ko'y iyong tinupad ng unti-unti
Pati pakiramdam ko'y nabawasan ang pagdadalamhati
Lahat ng aking pagkamuhi ay napawi
Dahil sa ligayang dala ng iyong ngiti

Ngayon ako'y unti-unting umaasa
Na sa disyerto'y umaambon na
Dahil sa kaligayahang iyong dala
Sa buhay kong napupuno ng pag-asa

Ngunit sa araw ng pagtatapat ko sa'yo
Nagtaka ako sa naging rekasiyon mo
Imbis na masayang mukha ang makita ko
Mga mata mong, muli, naging blanko
Sinikap kong hintayin ang magiging sagot mo
Ngunit nang ibinuka mo na ang bibig mo
At narinig ko ang sinabi mo
Saka lang ako nagsisi ng ganito
Hiniling kong sana nananaginip lang ako
Dahil hindi ko kayang tanggapin ang reyalidad na ito
Ang reyalidad na ang pader na itinayo mo
Sa pagitan ng lugar mo at lug
Ay hinding-hindi matitibag kahit gaano pa kalakas ang bagyo

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon