October 4, 2016

29 1 0
                                        

MARTYR

Tinignan kita sa iyong mga mata
Umaasang ikaw ay magpapaliwanag pa
Ngunit puso ko'y iyong winasak nang sobra
Nang ika'y umiwas at lumingon sa tala

Masayang-masaya tayong dalawa
Pero paano mo nagawang maghanap pa ng iba?
Hindi mo ba nagustuhan ang ibinigay kong saya
Kaya't kakuntentuhan ay iyong hinanap sa iba?

Sinubukan kong intindihin ang pagigiling mailap mo
Dahil nabulag ako sa pagmamahal kong ito
Alam kong may dahilan ang mga ginagawa mo
Ngunit hindi ko na kinayang itago ang nararamdang ito
Nang ika'y makita sa tabi ng kaibigan ko

Matatanggap ko pa kung iyong babae'y iba
Ngunit bakit sa lahat ay siya pa?
Nakita ko namang masaya ka
Ngunit bakit ang kaibigan ko pa?

Dahil mahal na mahal kita nang sobra sobra
Pinalampas ko na lamang iyong nauna
Ngunit hindi ko inaasahang masusundan pa ito ng isa
Kaya't aking kaibigan ay kinumpronta ko na

Paliwanag ay ibinigay niya
Kapatawaran ay hiningi rin niya
Ngunit ito'y hindi na magiging sapat pa
Dahil ang puso ko'y winasak niyo na

Hindi ko aakalain na ito'y aking mararanasan
Alam kong nangyari na ito sa nakaraan
Ang nobyo ko't ika'y magkaibigan
Ngunit ito'y nasira dahil sa ating pagmamahalan

Itong masalimoot na nakaraan
Ay ayoko na sanang balikan
Ngunit nitong mga araw na nagdaan
Aking isipa'y hindi na mapapalitan

Ako'y lalayo kagaya ng aking nobyo
Hahayaan kong magpakasaya kayo
Hahayaan kong mapaligaya ninyo ang inyong kapiraso
Habang ako'y nasa tabi ng pinto
Binibilang ang mga luhang tumutulo

Makalipas ang mga araw, buwan, at taon
Aba nga naman at ang galing ng pagkakataon
Nakaraang matagal na matagal ko nang ibinaon
Ngayo'y tila isang dagat na ang hirap umahon

Ika'y nagbalik sa piling ko
At nagpaliwanag kung ano'ng nangyari sainyo
"Mas mahal kita kaysa sa kanya" ang sabi mo
At heto naman ako, naniwala sa'yo

Natuwa ako nang naging mas masaya tayo
Ugali mo'y mas naging masuyo
Hindi ko na pinansin kung anong mali sa'yo
Dahil ang lahat nang mga maling ito
Ay siguradong iyong itinago

Mahal na mahal pa rin kita kaya ano bang magagawa ko?
Eh ano pa nga ba kundi ang magpakatanga sa'yo
Ngunit ako'y hindi nadala na sa mga ginawa mo
Kaya't hindi ko inasahan ang sunod na nangyari dito

Ano pa nga ba ang aasahan sa mga tulad mo?
Sa isa o dalawa'y hindi na nakuntento
Binigay ko na ang lahat lahat ko sa'yo
Pero iba pa rin ang hinahanap mo

Nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako
Dahil dito sa pagkakataong ito
Hindi ko na kayang mawalay sa isang tulad mo
Oo, alam kong mas masasaktan ako rito
Ngunit mas mabuti na ito dahil ako'y nasa tabi mo.

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon