December 17, 2016

20 1 0
                                        

Pink na Kahon

Dumating na ang buwan ng Disyembre
Palitan ng regalo'y magaganap, syempre
Samu't saring kalokohan ng STEM C
Minsa'y magara ngunit kadalasa'y nakaka-leche

Araw ng Biyernes ang pinaka-inabangan
Dahil dito magaganap ang magarang regaluhan
Regalo ko kay Kyle ay matagal nang nakahanda
Ngunit monito o monita ko'y 'di ko pa kilala

Pagkatapos ng discussion ni Sir Kim tungkol sa chemistry
Ang pagsisimula ng palitan magmula kay Sir patungo kay E
Masigla akong naghintay ng akin
Habang inaayos ang aking salamin

Palitan ng regalo'y muling nagpatuloy
Ang iba'y dirediretso't walang paligoy ligoy
Umabot sa puntong regalo'y nakarating sa kanya
At ang sumunod na pangyayari'y 'di ko inasahan pa

Mga kaklase nami'y biglang naghiyawan
Lalo na ang Team Ukram na kanyang mga kaibigan
Nagsitayuan, naghiyawan, at nagsigawan
Habang ako'y walang ka-alam-alam

Sa gawi niya, ako'y napalingon
At kasabay no'n ang pag-abot niya sa akin ng pink na kahon
Ballpen na hawak ko'y muntik ko nang maitapon
Habang ang puso ko'y mabilis na lumulundag at hindi na humihinahon

Puso ko'y muling tumalon
Nang muli kong tinignan ang pink na kahon
"O" lamang ang sabi niya nang ito'y kanyang iabot
Ngunit ang puso ko'y halos umalis na't 'di mag-abot

Hinayaan ko lang ang lahat na aking nararamdaman
Humiyaw at sumigaw upang mailabas ang aking kaligayahan
Mga naramdaman ko noon na pilit kong kinalimutan
Unti-unting bumabalik at ako'y nagsimula nang kabahan

"Salamat" ang salitang aking binitiwan
Ngunit ito'y aking sinundan
Ng pagsambit sa kanyang pangalan
"Mark" kasabay ng isa nanamang nakakarinding hiyawan

Natapos na ang pagpapalitan
Ngunit bago umalis, ako'y hinarang ng kanyang kaibigan
"Buksan mo na" pakiusap niya sa akin
Kaya't ako'y na-upo, huminga ng malalim at sa kaho'y muling napatingin

Unti-unti kong ini-angat ang takip ng kahon
Ngunit akin itong ibinalik dahil pangamba, ako'y nilalamon
Hingang malalim sabay tingin sa kahon
Ito'y binuksan ng buong ingat at sa malayo'y lumingon

Pagbalik ng aking tingin dito sa kahon
Nakaramdam ng pagkadismaya't unti-unting huminahon
Sa aking pagbukas ay nakakita ng dahon
Apat na iba't ibang uri kasama ang isang puting bato

Ngunit pinilit pa ako ng iyong kaibigan
Sabi niya'y "Alisin mo ang mga 'yan"
Kaya't inalis ko naman ito nang walang pakundangan
At sa pag-alis nito'y napakaganda ng aking natagpuan

Pagkadismaya ko'y agad agad na napalitan
Ng isang nag-uumapaw na kasiyahan
"Namumula ka na" masiglang sabi ng aking kaibigan
Ngunit hindi ko ito napansin dahil sa nag-uumapaw na kasiyahang aking nararamdaman

Ikaw sana ay akin nang nakalimutan
Pati ang lahat ng ating pinagsamahan
Libo-libong luha ang sa iyo'y aking inialay
Ngunit sa isang iglap ay nawala ito't bumalik sa aking buhay

Gintong kwintas na infinity ang pendant
Ang laman ng pink na kahon na iyong ibinigay
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman
Pero sa panahong ito'y iyong ibinigay
Alam kong ang nararamdaman ko sa'yo'y wala nang makakapantay

Hindi ko alam kung sinadya mo ba talaga ang bagay na ito
Ang pagbabalik ng lahat ng mga naramdaman ko
Pero para saan ba ang mga bagay na ito
Kung hindi mo naman kayang suklian ang pagmamahal ko

"Naka-move on na dapat ako sa'yo!"
Iyon na lamang ang naisigaw ko
Totoo naman kasi at walang halong biro
Ngunit nang dahil sa regalo mo
Lahat ng mga pinaghirapan ko'y nagsibalikan at ika'y bumalik sa sistema ko

"Mark! Panindigan mo ako!"
Isinigaw ko pa dahil alam kong wala nang patutunguhan ang buhay ko
Isang bagay lamang ang ibinigay mo ngunit pakiramdam ko'y nabuhayan ako
Dahil itong inifinity na ito ay isa nanamang bagay na panghahawakan ko

Dapat ay wala lamang ito
Kaya't isang paalala ang itinatak ko sa utak ko
"Regalo lang yan dahil siya'y monito mo
Huwag kang umasa na masusuklian 'yang pagmamahal mo"

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon