September 29, 2016

35 1 0
                                    

AMBON (IKALAWANG PARTE)

Tinapos ang aking tula sa pamamagitan ng pamamaalam ko
Pamamaalam sa lahat ng mga nararamdaman ko sa'yo
Ngunit nang dahil sa 'ngunit' na iyon,
Napag-isip isip ko na siguro...
Siguro wala ngang kadala-dala ang puso ko
Dahil patuloy pa rin ang pakahulog nito sa'yo.

Naitanong ko kanina sa sarili ko
"Kelan nga ba ako titigil sa katangahan ko,
Ang pagpapatihulog sa isang taong ayaw saluhin ako?"
Ngunit ang tanong na ito ay nawala na parang bula
Nang kanilang sambitin ang pangalan mong kay ganda
Heto nanaman ako, hindi mapigilan ang pagkahulog sa'yo

Kasabay ng dire-diretsong pagkahulog ng loob ko sa'yo
Ang pagpapatuloy ng kantang isa sa mga paborito ko
Bawat linyang binibitawan ng umawit nito
Tila isang patalim na unti-unting sumasaksak sa puso ko

"Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
"Ngunit diya'y umaambon lamang"
Sabi ng kantang patuloy na tumutugtog sa utak ko
Para sa akin ay maling-mali ang linyang ito
Dahil kung ako ang tatanungin mo
Hindi ambon ang nariyan sa kinalulugaran mo
Kundi isang napakalawak na disyerto

Ang linyang ito ang pinakapaborito ko
"Nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap."
Saktong-sakto sa nararamdaman ko.
Tamang-tama. Perpekto.

Alam kong imposible ngunit nangangarap pa rin ako
Kahit na maanggihan man lang ako ng nararamdaman mo
Ito ay sapat na upang sumaya ang puso ko
Sa palagay ko ay sapat na ito
Upang lumiwanag ang mundo ko

Ngunit ngayon lamang ay aking napagtanto
May posibilidad bang magkaroon ng ambon
Sa isang lugar na tuyong-tuyo?
Sa isang lugar na kung tawagin ng marami disyerto.

Masama bang mangarap na maabot ko
Ang tuktok ng bundok na kinalulugaran mo?
O ang ulap na pinaglalagakan ng pag-ibig mo?
O ang mga bitwin na sa pagkinang ng mga mata mo
Ay parehong-pareho?

Inulit ulit ng kanta ang pinakamasakit ng linya nito
Sinabi nitong magkaharap na tayo
Ngunit ang pagmamahal na nararamdaman mo
Ay walang-wala sa nararamdaman ko

Magkaharap na ang disyerto at ang bagyo
Ngunit tila wala lamang ang bagyo para sa disyerto
Nagpapansin na nga at lahat ang nararamdaman kong ito
Nariyan ka at binabalewala ang lahat ng mga ito

Malapit nang matapos ang kanta
Binanggit na ang pinakahihintay kong linya
Literal at wala nang pa-ligoy-ligoy pa
Tinanong na ng umaawit ang kausap niya,
"Paano ba patitigilin ang paghulog ko sa'yo?"

Inisip-isip at hinagilap ko ang sagot sa tanong na ito
Ngunit isang malakas na ulan ang narinig ko
Siguro ay isang pahiwatig na ito
Na itigil ko na ang mga nararamdaman ko

Patapos na ang kanta at narinig ko na ang mahinang ulan na nanggaling sa tala
Ipinikit ko ang aking mga matang mugtong-mugto na
Sa kalalabas ng mga katangahan na naiisip ko sa twina
Humiling ako sa ulan na sana...
Sana sa pagmulat ng aking mga mata...
Ay kasabay ng paglimot ko sa mga nararamdaman ko para sa kanya

Poems: A CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon