Likha ni mchay101
Mga mata ay nasilaw
Nang tumambad sa paningin ang matinding sikat ng araw.
Mabibigat na talukap
Ay paulit-ulit na ikinurap
Bago niya makita ang alapaap.
"Nasaan ako?"
Katanungang namutawi sa kanyang mga labi
Sapagka't batid pa ng kanyang isipan ang mga nangyari.
Siya ay nasagasaan
Nabundol ng nagmamadaling sasakyan.
Habang binabagtas ang daan
Pauwi sa kanilang tahanan
Sa piling ng kanyang pinakamamahal.
Sarili'y marahang inalisa
Habang bakas sa mukha ang pagtataka.
Kung bakit katawan niya ay buo?
Kung bakit walang bahid ng anumang dugo?
O kaya'y nabaling mga buto?
Hindi kaya...
"Ako'y isa nang multo? Hindi pwede! Hinihintay ako ni Maine, pati nang anak namin. Kailangan kong umuwi!"
Mula sa kanyang pagkakahiga
Dagli niyang inangat ang katawan.
Luminga-linga,
Ulo ay ibinaling pakanan
Pakaliwa.
Naghanap ng mapagtatanungan,
Ngunit wala.
Siya ay tumakbo.
Sinuyod ang daan na paliko-liko
Hanggang sa marating niya ang dulo.
Bakas man sa katawan ang pagkahapo
Maging kanyang lalamunan ay mahapdi na sa pagka tuyo.
Ngunit ang pag-asang nananahan sa puso,
At kagustuhang makabalik sa pamilya ay buo.
"Meng! Chum! Nandito na ako!"
Malakas niyang kulahaw sa kanyang mag-ina,
Nang kanilang tahanan ay marating na.
Subalit bago pa man,
Sugatang mga paa'y maihakbang sa tapat ng pintuan.
Siya'y tila hinigop mula sa kawalan,
At sa isang iglap lamang...
Muli siyang nagbalik sa lugar na pinanggalingan.
"Anong nangyayari?! Bakit nandito na naman ako?! Diyos ko!! Hindi maaari 'to!"
Siya ay umulit mula sa umpisa,
Muling binagtas ang daan na may layong sampung milya,
Ngunit sa paulit-ulit na panaog pabalik na eksena;
Kanyang paglalakbay ay inabot na sa bilang na lima.
"Wala akong pakialam kung abutin man ako ng isang libong milya pa. Kailangan kong makapasok sa bahay. Kailangan kong makita ang mag-ina ko. K-kailangan ko... sila."
Mga salitang nausal
Sa boses na garalgal.
Mga labing nangangatal,
Nanunuyot na sa pagkauhaw
Tanging tubig ang siyang sinisigaw.
BLAAAGH!
***
Sa kabilang banda,
Kawangis ng kanyang asawa
Ang pangungulilang nadarama.
"Miss na kitang katabi rito sa higaan natin, mahal...hinahanap-hanap ko kung paano mo ako paligayahin, kahit sa simpleng haplos lang ng mga kamay mo. Kung paano mo yun pagapangin sa bawat kurba ko, kasabay ng mapanuksong mga labi mo na nagdadala ng makasariling init sa ginhawa ko...katulad ngayon."
Malungkot nitong turan
Habang yakap ang sariling unan
At pinaglalandas ang mga palad sa malambot na higaan.
Pinagagaan ang lungkot na nararamdaman,
Sa pamamagitan ng paggunita sa maiinit na mga sandaling pinagsaluhan.
"Tulungan mo ako, mahal. Hindi ko kaya nang wala ka. Ayokong mag-isa.."
Sa likod ng ilaw na malamlam
Inihiga ang hubad na katawan.
Pikit-matang pinagapang
ang mainit na palad sa kanyang kahubaran.
YOU ARE READING
I, Ache Vol. III
RomanceAnd the Ache writers are back! For Mature Readers Only. NSFW. Book cover edit by @magicheart21
