Obsession | Silk

17.7K 274 47
                                    

Likha ni mchay101




"Hi," bati ni Alden sa babaeng nakabitin sa tricot nylon, pagpasok niya sa loob ng sky gym.

Ngumiti sa kanya ang babae, at dahan-dahan itong dumausdos pababa sa kinakapitang yellow silk, na nakatali sa bubong ng studio.

"Hi, ang aga mo yata?"

"Ah--Oo. Excited lumipad eh."

"Talaga ba? So, ready ka na niyan?"

"Oo, Coach, kahapon pa!"

Napangiti ulit ang babaeng kaharap, dahil sa taglay niyang karisma. Ang dalagang instructor niya sa aerial silk acrobatics.

"Kung ganun, eh di tara na?! Let's do this!"

"Owrayt!"

Ngunit sa kabila ng saya, hindi maiwasan ni Alden na makaramdam ng kaba dahil sa gagawin.

[Paniguradong sandamukal na rug burns at body pains 'to pagkatapos. Pero para sa kaligayahan mo Maine, lahat gagawin ko, kahit pa magkalasog-lasog 'tong katawan ko, dahil sa pagiging matic aerialist ko.]

•••

"First things first, Mr. Richards. Dito sa teritoryo ko, may mga patakaran akong ini-implement. Una, ayokong makarinig ng anumang reklamo kagaya ng: 'Ayoko' o 'suko na ako'. Kaya kung pinanghihinaan ka ng loob––"

"Huwag kang mag-alala, coach, go na go ako!"

"Mabuti kung ganun. At isa pa, 'Yes o Oo' lang ang gusto kong marinig mula sa'yo, maliwanag ba?"

"Yes po, crystal clear."

"Ayt! Now we're good, umpisahan mo nang mag-stretching para mabanat ang mga ligaments mo. Do forearms and hand exercise sixteen counts each, then head and shoulder rotations. Isabay mo na rin ang knees, importante yun. Basta basic stretching, alam mo na naman yun. Then, sundan mo ng twenty five push ups, one hundred jumping jacks tapos twenty five crunches. And once you're done, balik ka ulit dito. Understood?"

"Yes coach. Umpisahan ko na," aniya, sabay kindat.

(Hmm, flirt..)

•••

Fifteen minutes later...

"Done na, coach."

"Good. Punasan mo muna yang pawis mo, habang pinapakita ko sa'yo ang proper gripping, wrapping and climbing sa silk. Ayos ba yun?"

"Sige lang, coach," hinihingal niyang sagot, dala ng pagod sa ginawang warm-up. Pero parang bigla namang na-energize, when their gazes met and exchanged smiles again.

[Flirty coach is life..]

He thinks, habang pumwesto si coach sa may laylayan ng silk, for her next trick.

"Second, aside from physical strength, kailangan mo rin matutunan ang salitang focus. Hindi dahil nakalutang ang katawan mo sa ere, eh nakalutang na rin ang isip mo. You need to think and do some pose, tricks or stunts, habang nasa itaas ka. Isa pa, be attentive. Maling grip mo lang sa silk, pwede mo 'tong ikapahamak. So be careful. Kaya ngayon, yan ang itetest ko muna sa'yo. Halika dito sa tabi ko," mahabang pahayag nito sa kanya, na agad naman niyang sinunod.

"Then watch me, as I show you how. Pero tingnan mo akong maigi, dahil you will mimic my moves afterwards, klaro?" Dagdag pa nito, kasabay ng pagpusod sa buhok nito paitaas.

(It's showtime!)

"Yes, co--ooowh!"

Napatanga si Alden sa nakita. Isa-isa kasing hinubad ng babae and suot niyang damit: from her sando, leggings and last, her underwear.

I, Ache Vol. IIIWhere stories live. Discover now