Written by aosfiction
Dear Team Ache,
Nalaman ko na naghahanap kayo ng kwentong harot. Hindi ko alam kung hanggang saang level ng harot ang karanasan na gusto kong ibahagi sa inyo, pero uumpisahan ko ang aking kwento sa isang simpleng linya:
Mahilig ako sa Blind Dating.
Mag-uumpisa ang kwento ko sa pagdating sa tinukoy na restaurant ng makaka-date ko. Saglit akong napatigil at bumuntong-hininga. Pilit na kinakalma ang aking sarili dahil kinakabahan ako. Hindi lamang sa excitement, kung hindi dahil na din sa pangamba na baka palpak na naman ang kahahantungan nito.
Heto na naman ako. Hindi na nagsawa. Kahit na hanggang first date lang inaabot ang mga nakaka-date ko, tuloy pa rin ako. Umaasa ako na sa mga susunod, magkakaroon na ako ng pagkakataon to make it to the second one. I wanted to have that chance to get to know a person more. I wanted to experience that feeling of being asked about going out again the next time. I would not give up until I find that certain kind of spark na nakita ng mga kaibigan ko sa kanilang mga boyfriend at asawa. I wanted that kind of happiness. I am successful with work and my family was healthy. Ito na lang ang mahihiling ko para sa sarili ko. Ang tagal ko nang idinadasal na sana, tuwing susuong ako sa isang blind date, na heto na nga.
I recalled the details my friend Diana gave me. I am going to meet Brent Gonzales, one of her boyfriend's friends. He saw me in one of Diana's photos in Facebook and asked if pwede daw bang maipakilala sa akin. Alam ni Diana na single and searching ang peg ko, kaya pumayag daw siya sa lalaki na maging tulay para magkakilala kami. Tinawagan ako ni Diana para ipaalam ang tungkol dito. Kaagad kong sinabi na willing akong makipagkita dito on a blind date. Kinabukasan, sinabihan ako ng aking kaibigan na pumayag si Brent at ibinigay pa ang number ko.
Pagdating ng tanghalian ng araw na iyon, tumawag ang lalaki para kumustahin ako at pag-usapan ang aming pagkikita. Maganda ang boses nito. Hindi ko malaman kung bakit nakakaramdam ako ng kilig habang pinapakinggan lamang habang nagsasalita siya. Naisip ko kung paano kung makipag-SOP pa ito sa akin. Baka tinatanong pa lang ako kung ano'ng suot ko, bumigay na ako. At nakuha pa ni Brent magbiro tungkol sa blind date rules na nagpatawa sa akin. So far, that was a good sign for me. Mukhang magiging masaya itong kasama.
Marahil, marami ang nag-iisip kung bakit gusto ko ang blind date kahit ilang beses nang fail ang mga nangyari noon. Ayon nga sa isang kasabihan, try and try until you succeed. Patuloy kong gagawin ito hanggang sa makita ko si Mr. Right. Ayoko na kasing asahan na baka na-trapik sa EDSA. Baka nga hindi ko talaga makita ito kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan.
Isa pa, gusto ko kasi ang ganoong klase ng excitement sa blind dating. I didn't even bother looking up Brent's face. The thought of meeting someone for a romantic evening was adventurous enough. Saka nag-iingat naman ako. I made sure my friends knew about my dates. I guess, they already knew I am notorious at this! I wanted to meet the man who could make me laugh and feel giddy inside. I wanted to meet the man whom I could be myself with and not pretend to be someone just for the sake that he would like me. I wanted to meet someone I could talk about anything with.
I also hoped I could meet that man who could take me to bed and make me feel things that I have never felt before.
I smiled at that thought.
Napatalon ako sa gulat nang may pabagsak na nagsara ng pinto ng kotse. Natigil tuloy ang pagmumuni-muni ko. Paglingon ko, isang gwapong lalaki ang nakatayo sa tabi ng isang itim na kotse. Nananalamin ito at sinisipat ang sariling buhok. He probably felt that someone was watching him and turned. He saw me.
YOU ARE READING
I, Ache Vol. III
RomanceAnd the Ache writers are back! For Mature Readers Only. NSFW. Book cover edit by @magicheart21
