Likha ni mchay101
Si Prinsesa Amethea ay isang malungkuting prinsesa.
Buhat ng mamatay ang kanyang inang Reyna,
hindi na ito nakuhang ngumiti o tumawa.
Ang tanging libangan nito ay ang kanyang gintong bola.
Na ibinigay ng kanyang ina, nang ito'y nabubuhay pa.
Isang araw sa kanilang hardin,
doo'y naisipang magpahangin.
Gintong bola'y nilaro,
Ibinato;
Ngunit nang ito'y tumalilis ng talbog
Sa katabing balon ito ay nahulog.
"Ohh! Ang bola ko!"
Wika ng prinsesa
Puso'y puno ng pangamba
Sapagka't sa alaala ng ina
Iyon na lamang ang natitira
Sa malinaw na tubig humalo ang kanyang mga luha
Habang pinagmamasdan ang kanyang gintong bola
Na sa paningin niya'y unti-unting nawawala.
Prinsesa'y nanlumo
Sa lupa'y humikbi habang nakaupo
Ngunit pag-iyak ay bahagyang nahinto
Nang biglang nagsalita ang isang palaka na kulay ginto.
"Mahal na Prinsesa."
"Waaah!! Bakit ika'y nagsasalita? Lumayo ka!"
"Prinsesa, ako lamang ang makakatulong sa iyo upang maibalik ang gintong bola mo. Kapag ako'y iyong pinaalis, alaala ng iyong ina ay kasabay nitong maglalaho."
"I-ikaw? E, isa ka lamang gintong palaka. At paano mo nalaman na iyon ay bigay ni Ina?"
"Isang makisig na palaka, Prinsesa. At kung hindi mo naitatanong ang pagsisid sa balon na yan ay matagal ko ng ginagawa. Para naman sa iyong huling tanong...likas lamang akong matalino kaya ganoon."
Pagmamayabang ng gintong palaka
Na kapagkuwan ay muling nagsalita,
"Sa pagkakataong ito yan lamang ang tangi mong magagawa, ang maniwala. Subalit! Akin lamang igigiit, aking gagawin ay may kapalit."
"A-anong kapalit?"
"Tatlong patak ng iyong katas, mula sa bukana ng iyong hiyas. Prinsesa..."
***
Kabilugan ng buwan
Ang prinsesa Amethea sa balkonahe ng kanyang silid ay nakaabang
Pailing-iling
Habang bumubuga ng marahas na hangin.
Iwinawaksi sa isipan
mga salitang kanina'y nabitiwan
Sa gintong palaka kapalit ng kanyang kaligayahan.
"O-oo. A-ako'y papayag na sa iyong gusto. Ibalik mo lang sa akin ang gintong bola ko."
Bakas sa mukha ng prinsesa ang pandidiri
habang matamang kinakagat ang ibabang labi
Samantalang ang palakang ginto'y maluwang ang pagkakangisi
"Huwag kang mag-alala prinsesa, mamayang gabi, kasabay ng pagpailanlang ng buwan at mga tala, ako'y iyong hintayin sa may bukana. At muli kong iaalay sa'yo ang iyong gintong bola. Kapalit ng iyong pangako, mahal na prinsesa."
Kapagkuwan...
Ang prinsesa sa paggunita niya'y biglang natigilan
Nang gintong palaka ay tumalon sa kanyang harapan.
At siya'y biglang nahintakutan.
"Waaahh!!"
"Kokak! Ako ito Prinsesa Amethea, paumanhin kung natakot ka."
Anito, sabay iniluwa ang bolang ginto
Na ikinubli sa loob ng malaking bibig nito.
"Ang aking bola! Salamat, gintong palaka!"
"Pragelito..yan ang ngalan ko. At ngayon,dahil naibalik ko na ang iyong bolang ginto. Baka maari mo ng tuparin ang iyong pangako."
Ang prinsesa'y napalunok
Sunod-sunod ang ginagawang paglagok
Habang paatras na humahakbang palayo
Hanggang sa...bigla niyang isinarado ang nakaawang na pinto.
YOU ARE READING
I, Ache Vol. III
RomanceAnd the Ache writers are back! For Mature Readers Only. NSFW. Book cover edit by @magicheart21
