"Every day is a start of something beautiful."
* ALYSSA's POV *
Aly's phone ring....
"Good morning, Love" i greeted sweetly while looking at the picture na naka lagay sa side table ng bed ko.
"I miss you so much" sabi ko at hinalikan pa ito at saka ibinalik sa mesa.bumangon na ako. it's already 4:00 in the morning. Kinuha ko yung phone ko. tiningnan ko kung may text. wala naman so lumabas na ako para mag jogging.
Dito ko gustong mag jogging palagi kasi special sa akin tong lugar na 'to. sa amin ni Love. after kong maka 5 rounds ng ikot dito sa park palagi akong dumadaan sa simbahan para kausapin si God.
Pagkatapos ay dadaan ako sa favorite coffee shop namin ni Love para um-order ng favorite coffee namin.
"Good morning, Aly"
bati sa akin nung nag bukas ng pinto. Oo kilala nila ako. Medyo close na rin kasi kami ng mga crew dito. kasi halos araw-araw akong nag co-coffee dito.Favorite nga diba?
"Goodmorning Ella"
bati ko ng maka pasok na ako. pumwesto ako sa usual spot namin ni Love kung saan makikita mo ang pag sikat ng araw."May I take your order?"
naka ngiting tanong ni Ella sa akin."ito naman parang bagong customer ako. Yung dati lang."
biro ko sa kaniya. wala naman kasi akong ibang ino-order eh.Noong kasama ko pa si Love, laging maraming pag kain sa table namin. hindi ako mahilig kumain ng madami lalo na kapag breakfast. Kontento na kasi ako sa coffee. Kaso si Love mahilig yun kumain. yun siguro ang isa sa nagustuhan ko pa sa kanya. yung pagka matakaw niya pero ang sexy niya parin.
maya-maya pa ay dumating na yug order kong kape. inamoy ko muna iyon at saka humigop.
"Hmmm. ang sarap talaga ng kape niyo kaya araw-araw ako dito eh"
sabi ko kay Ella. umupo siya sa upuan na malapit sa tabi ko."Alam mo ba kung sino ang gumawa niyang coffee mo?"
parang kinikilig niyang tanong. Minsan talaga,may pagka weird ito."Yung barista?"
naka ngiting tanong ko."Hmmm pwede"
sagot lang niya.Humigop ulit ako sa kape ko tapos ay pinag masdan ang pag sikat ng araw.
"Ang ganda talaga ng pag sikat ng araw noh? signs of new beginning"
sabi ko at humigop ulit. Si Ella naman ay palipat-lipat ang tingin sa akin sa araw.
"Aly, m-may itatanong s-sana ako sayo kung o-okay lang"
utal-utal niyang sabi."Okay lang naman. Ano ba yun?"
sabi ko at uminom ulit ng kape ko.Okay lang naman na mag tanong siya. kaibigan ko na din naman si Ella actually lahat ng crew dito ka-close namin ni Love.