Episode 63 The Burial

1.2K 42 15
                                    

ALYSSA POV

Nanikip bigla ang dibdib ko sa mga narinig ko. Ramdam kong walang patid patid ang pag tulo ng mga luha ko. Binalot ako ng matinding sakit. Dinagsa ng mga tanong na tila walang kasagutan.

Bakit ako?

Bakit si Dennise?

Bakit kami ang dumaranas ng ganitong klaseng kalupitan?

Bakit?

Anong kasalanan namin sa mundo?

Nagmamahalan lang naman kami.

Pero bakit ang lupit ng mundo sa amin?

Pangarap lang naming magpakasal. Ipinag damot pa.

Hindi ko na alam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon, Nawalan ako ng buhay.

Nawala sa akin ang babaeng buong buhay kong pinangarap. Sa pinaka masakit na paraan.

Yung galit ko unti-unting nabubuo sa puso ko. Sa puso kong tanging laman ay ang pagmamahal ni Dennise na ngayon ay wala na.

"Hinding-hindi ko sila mapapayawad. Pangako, ipaghihiganti kita kahit umabot pa kami sa impyerno."

---

Si Ella na ang nag drive papuntang Morgue kung saan dinala ang sinasabi nilang bangkay na kumpirmadong si Dennise.

Pag hinto ng kotse ay halos ayaw kong bumaba, ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Kaya ko ba? Kaya ko ba siyang makita? Kasi para akong pinapatay ng paulit-ulit.

Ayoko!! Hindi ko kaya...

"Alyssa, tara na." umiiyak na sabi ni Ella.

"Hindi ko kaya." humahagulgong kong sabi. Niyakap ako ni Ella. Tapos sabaya kaming umiyak.

"Be strong Ly, para kay Den!" sabi niya.

[ PLEASE PLAY THE MEDIA FOR MUSIC EFFECT! I CHOOSE THIS SONG BECAUSE I LOVE CAROL B. AND HER VERSION IS MY FAVOURITE! THANK YOU ]

p.s. play it before you proceed wag kang KJ. 🤣🤣🤣

Pinilit kong bumaba ng kotse. Pinilit kong tumayo at mag lakad. Pero sa bawat pag hakbang ko mga masasayang ala-ala ni Dennise ang nakikita ko sa isip ko.

"Baby, i love you so much.."

"Baby, here's your favourite coffee with Love.."

"YES! YES! YES I'LL MARRY YOU, ALYSSA VALDEZ!!! I will marry you, Ly. kahit saan, kahit kelan magpapakasal ako sayo. mahal na mahal kita!!"

Coffee With Love (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon