Denden POV
Noong isang araw ko pa tinatawagan si Aly. Nag ring lang ng ilang beses ang phone niya di naman niya sinasagot. tapos ngayon totally off na talaga!!! Nagaalala na ako.
"Alyssa, na saan ka na ba?" bulong ko sa hangin.
What's wrong baby? bat ka umalis ng walang paalam? bat mo ko iniwan? (tanong ko pa at nag unahan na naman tumulo ang mga luha ko.)
Miss na miss na kita sobra.. (umiiyak kong sabi na tila kaharap ko lang siya)
Kinuha ko ang phone ko at saka idinial ulit ang number niya kaso wala pa din. Out of reach parin. Umaasa ako na pag gising ko may text o tawag manlang si Aly. o kaya bigla na lang siya bubungad sa harap ko gaya ng dati. Ugali niya kasi yun, biglang susulpot tapos tititigan ka tapos ngingiti ng matamis. Miss na miss ko na siya.
Tatlong araw na siyang nawawala. di nagpaparamdam. di nagpapakita. hindi ko na alam kung anong gagawin ko o kung paano ko siya makikita. Umalis siya ng walang paalam o pasabi manlang kung saan siya pupunta o kung sino ang kasama niya. Matapos ang gabing iyon bigla na lang siyang naglaho. "Anong problema sa akin?" (bulong ko sa sarili ko)
------
Den: Ma, pupunta ako ng condo ni Aly. (paalam ko kay mama)
Arlene: Bakit? nandyan na ba siya?
Den: hindi ko po alam. magbabaka sakali lang akong bumalik na siya. (malungkot kong sabi)
Arlene: oh sige. pero kung wala siya uwi ka na lang agad ha?! uuwi na ang Papa mo mamayang gabi. (malambing niyang sabi sa akin)
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.
Oo nga pala, uuwi na si Papa. nag extend din kasi sya ng another week sa new york. wala pa siyang alam kung anong nangyayari sa akin, hindi pa rin niya alam na okay na kami ni Aly.
Okay nga ba talaga? pero hindi niya alam na ako si Denden, so paano kami naging okay?! sabi ng utak ko. napa buntong hininga na lang ako.
-
Pag dating ko sa condo ni Aly ay binuksan ko ito agad gamit ang passcode. ibinigay na din kasi ni Aly sa akin yun simula noong madalas na akong pumunta dito. Ganon parin. Walang Alyssa. walang sumalubong sa akin. Napa luha na naman ako. ewan ko ba, miss na miss ko na siya. parang tulad lang ng dati noong LDR pa kami palagi siyang tumatawag para lang i-check ako. Pero ngayon wala. walang kahit na ano. Tapos magpapadala kami ng sulat gaya ng napagkasunduan naming dalawa. susulatan namin ang isa't-isa at iki-keep yung mga sulat para sa wedding namin marami kaming babalikan na magagandang alaala. Ang kaso dahil sa sakit ko, yung mga magagandang alaala na iyon ay napalitan ng trahedya, lungkot, sakit, pighati at pagdadalamhati.
Kapag nalaman niyang ako si Denden, panigurado isusumpa niya ako. sabi ko sa sarili ko.
Luminga-linga ako na tila may hinahanap. umakyat din ako sa kwarto niya upang icheck baka nandoon siya at mahimbing na natutulog, pero wala.
Humiga ako sa kama niya at sandaling pumikit habang hinihipo ang lambot ng kama niya, ini-imagine ko na nasa tabi ko lang siya.
I love you so much, Alyssa! Umuwi ka na please.. sabi ko pa at hindi ko na napigilan ang takas ng luha ko mula sa aking mga mata.
---
Isang oras lang akong nanatili doon tapos ay umuwi na din ako gaya ng sabi ni Mama kasi susunduin pa namin sa airport si Papa.