EPISODE 62

1.1K 43 9
                                    

ALYSSA POV

"Dennise... Deeeeennnn!" sigaw ko sa labas ng gate ng mansion. halos mawalan na ako ng hangin sa kaka-takbo, kaka-tawag at kaka-hanap sa kanya.

Sinubukan ko siyang hanapin sa paligid baka sakaling maabutan ko pa siya, pero wala talaga. No trace from her.

in-open ko yung phone niya at nakita ko yung old picture namin sa rooftop ng NY medical center bilang wallpaper niya with a photo caption:

"STAY never go away from me.
STAY FOREVER❤️"

"Denniiiiiiiiiiiiisseee!" isa pang sigaw ko bago ako mawalan ng lakas sa kalsada.

Not seeing Dennise and Not knowing where she is, is killing me. I'm so scared!!!

Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko. Naghahalo ang Kaba at Takot sa dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Dennise at kung sino ang may kagagawan nito.

Bumalik ako sa mansion at nadatnan kong kausap na ni Dad ang Head Security at ilan pang mga security patrol ng Village.

"We are having a party and then suddenly I heard my Daughter calling me, lumabas ako mula sa dining area and then....we just found out sa anak ko na nawawala ang fiance niya." paliwanag ni Dad.

"Baka naman po may pinuntahan lang? o di kaya naman may kaibigan na sinamahan?" tanong naman ng security head.

"No. hindi ganon ang nangyari." sabi ko at lahat sila ay napa tingin sa akin.

"Someone took my fiance." sabi ko at ipinakita ang cellphone ni Den na napulot ko sa labas ng gate.

Nakita ko ang pagaalala at lungkot sa mga mata ng pamilya ni Den.

And I'm guilty. a fucking guilty dahil hindi ko manlang natulungan si Dennise.

"Dad, did you checked our CCTV?" tanong ko.

"Hindi pa." sagot niya. "Ella said Dennise is missing so I called the Village security immediately."

Hindi na ako sumagot. Patakbo akong pumunta sa CCTV room. Sumunod naman sila sa akin, at hinanap ko sa monitor kung na saan si Den, kung anong oras siya nawala at kung sino ang huling nakausap niya.

"Ayun! Ayun si Den, Ly." sabi ni Ella mula sa likod ko habang naka turo sa monitor. "Yan yung time na nag excuse siya para hanapin ka pero bago yon ring ng ring ang phone niya." dagdag pa nito.

We saw Dennise na parang nagdadalawang isip na sagutin ang cellphone niya. Then nag lakad siya papuntang main door. Walang tao doon dahil nasa Dining area ang mga parents namin at nasa Pool area naman ang mga kaibigan at iba pang bisita namin. Walang naka-kitang lumabas si Den maliban lang sa maid namin na nakita siyang lumabas ng pinto.

Binuksan ng maid namin yung pinto at tila may sinisilip ito pero di kalaunan ay isinara din niya at naglakad papuntang kusina.

Sa kuha naman ng CCTV sa labas ng bahay, nakita namin na may kausap na lalaki si Den may dala itong Large size na Delivery box, naka black suit at black cap ito. Sa CCTV mukha lang silang normal na naguusap, tumalikod si Den sa lalaki at akma ng babalik sa loob ng bahay ng biglang humugot ito ng panyo mula sa kanyang bulsa at tinakpan ang bibig ni Den!

Napa tayo ako sa nakita ko. Yung kaba at takot ko kanina ay naguumapaw na sa buong pagkatao ko. Tangina!

Sinubukan pa ni Den na manlaban pero di kalaunan ay nawalan din ito ng malay kaya Binuhat ng di pa kilalang lalaki si Den tapos ay inilagay niya sa Large size box!! inilagay niya yung box sa likod ng sasakyan at saka umalis.

Sinubukan kong tingnan ang CCTV sa may guard house at nakita namin yung parehong lalaki na kausap yung guard namin, may sinasabi siya sa guard kaya tumalikod ito upang mag radio sa ibang guard na kasalukuyang nagpa-patrol pero bigla na lang siyang inatake ng lalaki at may isinaksak sa leeg nito gamit ang syringe. Nangyari iyon 30 minutes bago lumabas ng bahay si Den.

Coffee With Love (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon