"If you want to live a happy life, tie it to a goal, not to people or things."
---
< Dennise P.O.V >
"Dennise, dito!" nagmamadaling sabi ni Ella. Hindi ko alam kung anong trip nito pero bigla na lang nya akong hinila papunta sa kung saan.
"Saan ba talaga tayo pupunta Ella? Sabi ko gusto kong magpahinga eh.." iritang sabi ko.
"May titingnan lang tayo, saglit lang to besh promise!" sabi nya. May kung sino kasi syang taong tinitingnan o sinusundan to be exact.
"Fine!! Just keep quiet nakaka istorbo ata tayo kay ateng na natutulog." sabi ko na lang dahil may napansin akong babae na mukhang natutulog sa labas ng cabin nya. Nagmadaling lumakad si Ella kaya patakbo ko syang sinundan.
Naka silip kami ngayon sa isang waiter. Kasalukuyan syang kumakatok ngayon sa isa sa mga Medium cabin. Si Ella titig na titig na animoy artista ang inaabangan na magbubukas ng pinto. O di naman kaya crush nya yung waiter. Ayy ewan!!
"Besh ano ba? Ano bang ginagawa natin dito?" takang tanong ko.
Kainis tong si Ella mukha tuloy kaming magnanakaw o masamang tao sa ginagawa namin. Naka tago kasi kami sa isa sa mga cabin din tapos titig na titig sya dun sa waiter.
"Shhhh wag kang maingay.." sabi nya at tinakpan pa ang bibig ko pero di nya parin ako tinitingnan. Naka pako parin ang tingin nya sa waiter.
Napa singhap bigla si Ella ng magbukas ang pinto. pero kumunot ang noo nya ng makita na Lalaki ang lumabas mula sa kwartong iyon..
"Imposible. Pangalan nya yung na rinig ko." takang tanong ni Ella sa sarili nya siguro kasi di naman nya ako pinapansin.
"Besh ano ba? Sino ba kasi yun?" takang tanong ko. Tapos tiningnan nya lang ako na parang may pagtataka.
"Besh, parang..." panimula nya. "Parang ano eh.."
"Ano? Parang ano?" inis na sabi ko. Pabitin pa kasi.
"Ahh, wala. Wala!! Tara na lang.." gulong-gulong sabi nya. Ewan ko ba dito kung kelan naman na sa bakasyon kami saka nagkakaganyan..
Bumalik kami sa cabin na gulong-gulo parin si Ella. Di ko na lang sya ulit tinanong kasi umaatake na naman tong sakit ng ulo ko. Uminom muna ako ng gamot ko saka ako natulog sa kama ko.
----
Kinabukasan pag gising ko, wala na si Ella sa tabi ko, sa buong kwarto to be exact!
San naman kaya sumuot yun?! sabi ko sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Shookt! 7:40 am na pala. inis na sabi ko sa isip ko. Dali-dali akong tumayo at inayos yung higaan. Nag hilamos ako at kinuha ang phone ko at saka nagmamadaling lumabas ng cabin ko ng biglang...