29.

2.5K 55 2
                                    

Author's Note:

Bat ganon? mas na excite kayo nung may SPG na super light lang naman... hmmmmm WHY? HAHAHA

Anyway, gusto ko sanang mag tagal si Aly sa kung saan man sya pumunta kaso naka panood ako ng mga AD video sa youtube sooooo haayyss.. sige na, pababalikin ko na hahaha wawa naman si Den eh..

here we goooooow..

---------

Arlene: Ella?! (gulat na sabi niya ng biglang tumambad sa harap niya si Ella na ilang araw din na hindi nagpakita..)

Ella: Tita, I need to talk to you. (seryosong sabi niya)

Arlene: Sige. doon tayo sa may couch.

Umupo sila sa may couch na katabi lang ng kitchen. Wala din naman masyadong customer at kung meron man sapat naman ang staff nila para asikasuhin ang mga iyon.. Noong una ay tahimik lang ang dalawa na tila pinakikiramdaman ang isa't-isa. Ngunit di kalaunan ay na una ng magsalita si Arlene.

Arlene: Ella! I know na na hurt ka sa paglilihim sayo ni Den pero sana please intindihin mo siya. ayaw niya lang na magalala kayo.

Ella: I understand naman po tita eh. Pero sana maintindihan din niya na best friend niya ako. at pamilya niya tayo. paano natin siya matutulungan kung di natin alam kung anong tunay na nangyayari sa kanya! Natatakot ako tita na baka isang araw pag gising ko--- (she pause dahil ayaw niya talagang banggatin ang salitang iyon) nasasaktan ako tita! (naluluha niyang sabi)

Arlene: Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ako man nasasaktan sa mga desisyon niya. Ako man naguguluhan pero kahit na ganon bilang ina niya kailangan kong maging matatag para sa kanya.. kaya kung ano man ang gusto niyang gawin o gawin nila ni Aly sige lang. Okay lang... ang mahalaga masaya ang anak ko. (sabi niya ng may lungkot sa mga mata)

Ella: Tita, paano niyo po nalaman?

Arlene: Alam mo ella, ang isang ina malakas ang connection sa anak. alam namin kapag may problema ang anak, may dinadamdam, may itinatago. Ako bilang ina napansin ko din ang biglaang pagbabago ni Den, tulad mo noong una hindi ko rin matanggap. Pero noong sabihin niya sa akin na gusto niyang maging masaya siya sa mga nalalabing araw niya, halos madurog ako. pero kapag nakikita ko siyang masaya lalo na kapag kasama si Aly, napapanatag ang kalooban ko.

Ella: Paano mo kinakaya tita? (lumuluhang tanong niya)

Arlene: Kinakaya ko dahil isa akong ina. Kinakaya ko dahil Ina niya ako. Kinakaya ko dahil mahal na mahal ko ang anak ko. (sabi niya at lumuluha na din siya)

Ella: Mahal na mahal ko din po si Dennise, Tita! Siya na po ang naging kapatid ko simula noong mamatay ang ate Trisha ko. kaya hindi po ako papayag na basta na lang sumuko si Dennise sa sakit niya..

Arlene: Anong ibig mong sabihin? anong gagawin mo? (takang tanong niya at nagpunas ng luha)

Ella: Sasama po ako papuntang London bukas ng hapon sa Parents ko. may Doctors conference po doon at invited po sila Mommy and Daddy.

Arlene: Iniisip mo bang baka may doctor doon na makatulong kay Dennise?! Salamat Ella!

Ella: May doctor po doon na alam kong pamilyar at eksperto sa case ni Dennise. at alam ko may pag-asa pa.

Arlene: Sino naman ang doctor na iyon?

Ella: Yung guest speaker po ng Conference tita.....si Dr. Edward McKinley!

Coffee With Love (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon