"Life is 10 percentage of what happens to you and 90 percentage of how you respond to it."
------
* THERESE POV *
"Babe let's go they need us there asap" sabi ko sa fiancé ko.
"Coming babe I just need to fix this stupid asshole tie.." iritang sabi ni Rex habang papalabas ng kwarto namin dala ang laptop at gadgets nya at ilang documents.. "Urgh! Why it is so hard for me to fix this? Babe do I really need to wear this thing? It turns me into a devil everytime na isusuot ko sya." inis na sabi pa nya na nagpatawa sa akin..
Ito talaga ang kahinaan ni Rex, hindi sya magaling pagdating sa pagtatali ng necktie at kung ano pa. Kung gaano sya katalino sa larangang tinatahak nya ngayon ganon din naman sya kahina pag dating sa tie.
"Ahhh my poor handsome guy.." naka ngiting sabi ko na may kasamang paglalambing.. "Let me fix this thing for you..." dagdag ko pa. Inayos ko ang neck tie nya sa loob lang ng tatlong segundo. Ganon kadali.
"Bakit ganon kabilis pag ikaw ang gumagawa?" takang tanong nya.. Nginitian ko lang sya at binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.
Lumabas na kami sa hotel room. Nandito kami ngayon sa Hong Kong para sa isang Conference at biglaang meeting with Hong Kong investors. Kaya hindi kami naka sama sa oplan galugad para kay Alyssa.
Anyways, kayang-kaya naman na nila Gretchen yun dahil sinanay si Gretchen para mag hanap ng mga nawawalang tao..
At isa pa hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag layas si Alyssa. I mean, umalis na rin sya noon ng walang paalam at ilang buwan bago sya bumalik.
----
* GRETCHEN POV *
O my God! Seriously?? Wow!! tanging na sambit ko ng makita ko kung saan kami dinala no Jovee.
Ang sabi sa amin sa airport nagpahatid daw si Ly sa isa sa mga private vehicle ng airport dito sa Linamon, Lanao Del Norte near Iligan City.
"Hon?? Ano tatayo ka na lang ba diyan?" biglang sabi ni Robi na ngayon ay naka tayo sa ibaba habang hawak ang mga gamit namin. Nakababa na pala sila. Bumalik sya para alalayan ako sa pagbaba.
"Careful Mrs. Domingo.." naka ngiting sabi nya, ngayon ko lang na rinig yun sa kanya kaya napa ngiti ako. I find it cute!
"Thank you Mr. Domingo.." naka ngiting sabi ko. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa ng sobrang lapit sa isa:t-isa. Lumingon sya sa kaliwa habang ako ay naka titig pa rin sa kanya.
"It's more beautiful in a closer view" sabi nya kaya napatingin ako sa tinitingnan nya.
Ang ganda nga sobra... sabi ko sa isip ko.
"Yeah! You're right Honey.. Ang ganda pala talaga ng Tinago Falls.." sagot ko ng bigla nya akong halikan sa pisngi..
"Hoy love birds..ano na? maglalandian na lang ba kayo dyan? Ilagay nyo na mga gamit nyo dito at umpishan na natin ang kasiyhan.." malakas na sabi ni Jovee habang tumatawa.