JOVEE POV
Paalis na ako ng NAIA matapos kong ihatid si Bianca dahil start na ng class nya sa Harvard University. Bigla ko na lang mapansin ang isang facebook post. It was an ordinary post but what caught my attention is the two lady na nasa likod ng dalawang mag jowa na nag selfie..
Yung isa si Aly, may kasama syang maputi at medyo maliit lang na babae.. Pero di ko makita yung mukha kasi naka sideview sya, si Aly naman ay naka harap sa kanya kaya kitang-kita sya sa picture..
Pero ang mas ikinagulat ko ay yung lugar na naka tag sa picture..
- Caramoan
"Magkasama sila sa caramoan? Is this the girl na kinukwento nya? Is this Dennise?" naguguluhang tanong ko sa isip ko..
Kinabahan ako bigla. Kasi parang may hawig sya kay Denden pero hindi ako sure kasi naka sideview sya.. Kinuha ko agad yung picture na prinint ni Robi, at mas lumakas yung kabog ng dibdib ko nang pareho sila ng Jaw line, skin tone, at pareho silang payat pero mas payat lang itong picture na hawak ko.
Nag drive ako agad papunta sa condo nila Aly at Laura kahit super puyat at pagod ako..
Kung tama ang kutob ko, na si Dennise at Denden ay iisa, bakit nya nilapitan ulit si Aly?
Para saan? Bakit?
Para sa pera?
Para lokohin at saktan ulit si Aly?
What's your plan, Den?!
sabi ko sa isip ko. I don't know kung bakit bigla akong nainis nung makita kong magkasama na ulit sila. Noong una ang akala ko tuluyan na syang lumayo kay Aly. Kung nagpapanggap man syang patay di ba dapat yun ang ginagawa nya, lumalayo, nagtatago?? Pero bakit magkasama sila?
Jovee: Kuya Guard, andito pa ba si Aly? (tanong ko ng makarating na ako sa condo building ni Aly.)
Guard: Si ma'am Aly po? Kanina pa po sya lumabas sir. Jovee..
Jovee: Saan nag punta?
Guard: naka pang jogging po sya eh, malamang po nag jogging yun sir.
Jovee: umuuwi ba sya agad pagkatapos nyang mag jogging?
Guard: hindi sir eh. Ang alam ko tumatambay po muna sya sa isang coffeeshop dyan sa malapit doon po sya nagka-kape..
Jovee: Yung shop ba madadaanan kapag papunta dito? Yung A&D ba yun??
Guard: Yes sir. yun nga po..
Jovee: O, pang miryenda mo.. (abot nya ng limangdaan sa guard) Don't tell aly na nagpunta ako dito. (bilin nya sa guard)
Guard: Thank you sir. Okay po!
----
Nakita ko si Aly na nakaupo sa maybe usual spot nya kasi gumigising lang sya ng maaga para makita ang sunrise. at sa pwesto nya makikita nya ang pag sikat ng araw.
Jovee: Once a sunrise person, always a sunrise person & that's Aly! (sabi ko sa isip ko.)
Pinapanood ko lang sya habang nakatulala sa glass wall ng shop. Naka tingin sa malayo na palagi nyang ginagawa..
Jovee: She's still there... the old Aly! (naka ngiting sabi ko habang naka tingin lang sa kanya)
Maya-maya pa ay sinerve na ng isa sa mga waitress yung Coffee nya at isang garapon ng cookies.
Hindi mahilig si Aly sa mga cookies pero siguro nagustuhan nya talaga ang lasa nun.