"Doc, kailan pa gigising ang anak ko?" tanong ng ina ni Alyssa. "halos dalawang taon na bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagkakamalay?" naluluhang tanong nito.
"May mga incident po kasi ng coma na ang pasyente ang magdedesisyon kung kailan nila gustong gumising. Dahil kadalasan sa mga nakakatulog ng matagal nasa isang magandang panaginip sila kaya nahihirapan silang gumising kasi ayaw pa nilang umalis sa panaginip na iyon." paliwanag ng Neurologist ni Alyssa.
"Sila din ang magde-desisyon kung gigising pa ba sila o hindi na. Sa case ni Alyssa nasa kanya ang pagpapasya. Kaya pinapayo ko sa inyo na palagi niyo siyang kakausapin kung paano niyo siya kausapin noong may malay pa siya. Palagi niyong ipaalala sa kanya yung mga masasayang araw niya, yung mga bagay na gusto niya at yung mga taong mahal niya. Sa ganoong paraan makakatulong 'yon para maramdaman niya yung pagmamahal sa paligid niya, yung mga taong naghihintay sa pag gising niya. Marahil ay labis siyang nakaramdam ng sakit bago siya maaksidente kaya hindi pa siya handang gumising. Hindi pa siya handang makita kung sino mn yung taong naka sakit sa kanya." sabi ni Dra. Laura na sumuri kay Alyssa. Pagpaparinig niya ito sa lihim na kasintahan ni Alyssa na kasalukuyang kasama rin nila sa kwarto. "Pwede niyo rin siyang basahan ng mga libro kung gusto niyo, yung kwento at genre na gusto niya And I'm sure in no time Alyssa will hear all those stories." sabi pa nito upang ibahin ang usapan.
"Pwede ko po bang basahin sa kanya 'tong My Sick Childhood Sweetheart? tungkol po ito sa magkababata na na-in love sa isa't-isa kaso medyo tragic kasi may rare disease yung babae.." tanong ng kaibigan ni Alyssa.
"Eh ito po kayang "G.H Academy: Golden Heart Army" action po ito, tungkol naman po ito sa isang teenager na maagang namulat sa kasamaan at kasakiman ng mga taong may kapangyarihan at koneksyon kaya na isipan niyang magtayo ng sarili niyang Army Academy at para pigilan ang mga masasamang tao sa kanilang masasamang gawain.. ano po sa palagay niyo?" tanong naman ng isa pa.
"Ang papangit naman niyang mga sina-suggest niyong story. Ito talaga ang gusto ni Alyssa, ang "ALY: THE DRAGON'S VESSEL" mahilig siya sa mga ganitong genre at isa pa mahal na mahal niya itong Author." pagyayabang naman ng isa dahil personal na kilala nila ang Author ng libro at malapit siya kay Alyssa.
"Eh ikaw Doc Sungit, anong story ang babasahin mo para kay Alyssa?" tanong ng pinaka malapit na kaibigan ni Alyssa sa Doctora na kanina pa nakatitig sa tulog na Alyssa.
"Ha? Ahh, si-siguro itong paborito ko na lang.." sagot niya at saka kinuha ang librong nasa table sa harapan niya, ito rin naman kasi ang binabasa niya kapag siya ang nagbabantay kay Alyssa. "itong Coffee with Love: A&D Coffee Shop Love Story tungkol ito sa babaeng na in love sa owner ng paborito niyang coffee shop pero ang hind niya alam, matagal na pa lang in love sa kanya yung owner kaya sa tuwing mag o-order ito ay palaging puno ng paghanga at pagmamahal yung pancake at Coffee niya." mahabang litanya ng doktora.
----
"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina?" tanong ng doktora kay Laura.
"Alin do'n? Ah, yung baka ayaw gumising ni Alyssa dahil baka ayaw ka niyang makita?" casual na sagot ni Laura. "Kung tinamaan ka sa sinabi ko dapat pumayag kana na dalhin ko sa Australia si Alyssa dahil baka doon magkamalay na siya. Kung gusto mo sumunod ka na lang... Ooppsss! hindi ka nga pala pwedeng umalis ng bansa dahil may Restraining order ka, dadamputin ka agad ng mga pulis sa airport pa lang.." dagdag na pang-aasar pa nito na nagpataas ng kilay ng doktora