47.

1.7K 46 20
                                    

Umaga na ng magising sina Alyssa at Dennise sa mga yapak at tawag na kanilang naririnig mula sa labas ng kubo.

"Alyssa!!"

"Dennise!!!"

"Na saan kayo mga anak?"

Napa balikwas pa ang dalawa sa gulat kaya naman dali-dali silang bumangon. Lalabas na sana ng kubo si Dennise sa sobrang excited sa pag tawag sa kanyang pangalan ng pamilyar na boses sa kanya, ang kaniyang ina. Kaso bigla siyang hinatak ni Alyssa..

Den: Bakit? Andyan sila Mama at Papa. makakauwi na tayo baby.. (masayang sabi niya)

Aly: Alam ko. pero haharap ka bang ganya sa kanila?

Napa dako ang tingin ni Dennise sa sarili niya at doon lang niya na pagtanto na naka hubad nga pala siya.

Natatawa naman si Aly kaya naka tanggap ito ng pabirong hampas mula kay Den.

Dali-dali silang nag bihis at saka lumabas na nga ng kubo kung saan sila tumuloy noong kasag-sagan ng bagyo.

Den: Ma? Pa? (tawag niya sa kanyang mga magulang na noo'y kasama sina Jovee, Von at iba pang rescuer)

Mike: Dennise, Anak!! (patakbo siyang lumapit dito at saka niyakap ng mahigpit si Den)

Arlene: Alyssa anak! (sbai naman nito at binigyan ng mahigpit na yakap si Alyssa) Okay lang ba kayo? ha?! (nagaalalang tanong pa niya at saka sinuri si Aly)

Aly: Okay lang po kami Ma, salamat po sa pag punta. Pasensya na rin po kayo at napagalala namin kayo. (nahihiyang sabi nito)

Mike: Kung pagaalala lang, kaya namin yon pero kung may mangyayaring masama sa inyo, di namin yon kakayanin ng Mama niyo. (halos naluluhang sabi niya)

Den: Pa, okay lang po kami. Inalagaan ako ni Alyssa. Di niya ako pinabayaan. (umiiyak niyang sabi habang naka yakap sa kanyang ama)

Mike: Salamat Ly, hindi talaga ako nagkamali ng ipagkatiwala ko ang anak kong si Dennise sayo. Mula noon hanggang ngayon hindi mo parin ako binibigo anak. (naka ngiting may pasasalamat niyang sabi)

Aly: Pa, nangako akong aalagaan ko si Den at hinding-hindi ko siya pababayaan diba?! tinutupad ko lang po yon. salamat po sa tiwala, Papa! (naka ngiting sabi niya na may kaunting luha sa mga mata nito)

Jovee: Mabuti naman buhay ka pang unggoy ka. (sabat naman niya kaya napa tingin si Alyat ang iba pa sa kanya)

Aly: Jovee...hahaha oo naman. bagyo lang yon, si Super Alyssa to! (pagyayabang naman nito)

Nag yakap ang magkaibigan at nag shake hand sign sila.

Von: Sorry alyssa, Dennise, na pabayaan ko kayo. Pasensya na.

Aly: Sus. hindi mo kasalanan Von. wala kang kasalanan. Ang totoo kasalanan ko talaga lahat ng nangyari kasi kung dumiretso na lang ako kay Den at bahala na kung anong pwede kong masabi e di sana wala tayong lahat ngayon dito. first timer kasi eh lam mo na. kaya ako dapat humingi ng pasensya sayo sa abalang na idulot ko. (kamot ulo niyang sabi)

Von: Wala yon, yang first time na yan mawawala din yan, ano tuloy?! (naka ngiti niyang sabi). By the way, bumalik na po tayong lahat sa hotel para makapag pahinga na din po kayo ng maayos. (baling na sabi naman niya sa mga magulang ni Dennise)

Bumalik nga silang lahat sa hotel. at pagkababang-pagkababa nila ng sasakyan ay agad na sinalubong si Alyssa ng yakap ni RAD at Therese. Mga kaibigan niya ang mga ito.

Therese: Buti naman okay ka lang. pinagalala mo ko. iniisip ko ng tawagan ang parents mo ate Ly kaso pinigilan ako ni kuya Jovee.

Batok naman ang inabot ni Therese kay Aly ng marinig niya iyon.

Coffee With Love (AlyDen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon