Chapter 12: Hair Talk

4.3K 98 12
                                    

Chapter 12: Hair Talk

Martes ng hapon sa may entrance ng mall inabot ni Rochelle bag niya kay Christian. "Bakit?" tanong ng binata. "Ikaw nga magbuhat" lambing ng dalaga. "Huh, baka pagkamalan akong snatcher" biro ng binata. "Snatcher na di makatakbo ganon?" biro ng dalaga kaya natawa si Zenia.

"Ang tamad tamad mo, pag ako hahawak niyan baka pagkamalan pa akong...you know" landi ng binata. "Fine" sagot ng dalaga, "Akin na" sabi ni Christian kaya super ngiti ang dalaga. Pumasok na sila sa mall, pasimpleng tinignan ni Rochelle si Christian at muli siyang napangiti.

Nang tinignan siya ng binata ang dalaga dumiretso ang tingin, "Oy Zenia, pahawak mo din bag mo sa kanya" sabi ni Rochelle. "No thanks I am fine" sagot ng dalaga. "Sige na kasi" pilit ni Rochelle saka inagaw yung bag ng kaibigan at sinabit sa balikat ni Christian.

"Namimiss ko yung noon, nung hindi pa kayo marunong mag bag" banat ng binata kaya natawa yung dalawang dalaga. "Special offer! Sabon madam, perfume madam" biglang sigaw ni Christian.

Sobrang daming tao ang napatingin, sina Rochelle at Zenia napatawa ng husto saka lumayo sa binata. "Special offer!" hirit ni Christian, may ibang nakagets kaya napangiti at natawa nalang sila, meron isang lalake ang nambulyaw, "Papansin" sigaw niya kaya humarap si Christian sa kanya. "Anoooooo?!!! Tara!!" hiyaw niya sa sobrang lakas na boses.

Nanliit yung nambulyaw, niyuko niya ulo niya saka paspas na naglakad palayo. Madami ang nakatingin kay Christian, ang matabang binata sinundan ng tingin yung nakaaway niya, umirap siya ng pataray saka pakendeng kendeng na naglakad kaya ang daming natawa sa kanya.

Naabutan niya sina Rochelle at Zenia, "Nakakahiya ka, lumayo ka nga" sabi ni Rochelle. "Ang bully bully mo talaga" sabi ni Zenia. "Papansin daw ako e di nagpapansin talaga ako. O ano may bibilhin ba talaga kayo o maghahampaslupa mode ulit tayo at magtitingin lang?" tanong ng binata.

"Parlor" sabi ni Rochelle. "Oh man, kayong mga babae nakakalito kayo. Paparlor tapos paglabas parang wala naman nagbago sa buhok. Babawasan lang ng one inch or two. My goodness di ba pwede gawin yon sa bahay nalang?" reklamo ng binata.

"Hindi mo maiintindihan" sabi ni Rochelle. "You having your nails done ba?" tanong ni Zenia. "Yeah, you?" sagot ni Rochelle. "Yeah I will have mine painted pink, bright pink so that my daddy will raise his eyebrows and will not be able to sleep for he just lost his son" landi ni Christian kaya nagtawanan yung mga dalaga.

"Choobs, ikaw din kaya?" tanong ni Rochelle. "Anong ako?" sagot ng binata. "Paparlor ka din" sabi ng dalaga. "Hahahaha hoooloool, sa Sabado pa gupit ko" sabi niya. "Barbero nanaman" sabi ni Zenia. "Of course, doon naman dapat ang mga lalake e. Kaya nga may barber shop, its for boys and tomboys kasi meron narin mga girls na nagpapagupit don" sabi ng binata.

"Choobs there are guys too na nagpaparlor" sabi ni Rochelle. "Alam ko, pero no thanks. Sa barber ako" sabi ng binata. "Pare pareho nalang gupit mo mula nung bata tayo. Di ka ba sawa? Idol na idol mo naman ata masyado lolo mo at papa mo. For a change, try mo din ibang hairdo at wag lagi military cut or whatever you call that" sabi ni Rochelle.

"Oo nga Lalaine might like you better" sabi ni Zenia. "Bruha ka Rosh, why did you tell her?" tanong ni Christian. "O bakit? Ang sinabi ko lang magkatext kayo ni Lalaine" sabi ng dalaga. "Grabe porke magkatext lang may like na talaga? Zenia, bakit mo ako pinapamigay kay Lalaine? How about us?" landi ng binata.

"There was never an us" sagot ni Zenia sabay binangga yung binata. "Grabe naman kayo, magkatext lang may issue agad? Magkatext din naman tayo Zenia ah" sabi ni Christian. "Dami mo arte halika na, for a change" sabi ni Rochelle.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon