Chapter 46: Tiwala

3.5K 94 5
                                    

Chapter 46: Tiwala

"Rochelle, I am so sorry hindi ko kaya" sabi ni Christian. "Choobs kaya mo yan. May tiwala ako sa iyo" sabi ni Rochelle. "Rosh please, ayaw ko magkamali" sabi ng binata. "Kahit magkamali ka its going to be okay, sige na do it" sabi ng dalaga.

Napalunok ang binata habang hawak yung matulis na gunting at suklay. "Rosh hindi ko talaga kaya, you might kill me if you change your mind" sabi ni Christian. "I will not, sige na Choobs. Gusto ko salubungin ang new year with a new look and you are going to help me achieve that" sabi ni Rochelle.

"Rosh alam ko gano ka big deal ang buhok sa iyo, yung nagawa ko kay Zenia sa parlor kaya ko yon kasi alam ko pag magalit yon e maaring ma totally unfriend ako at kaya ko tiisin yon. Pero pag ikaw, hindi ko kaya Rosh" sabi ng binata.

"Choobs ano ba? Kahit ano nga mangyari e, sige na do it" sabi ni Rochelle. Natawa ang dalaga pagkat nanginginig talaga ang binata. "Choobs, sige na" lambing ng dalaga kaya nagkatitigan sila. "Okay" sabi ng binata kaya inayos ng dalaga upo niya.

Tumayo ang binata sa harapan ng dalaga, huminga siya ng malalim saka muling nanginig. "Ano ba?!" sigaw niya kaya natawa si Rochelle. "Sige lang kasi" udyok ng dalaga. "Dapat kasi may kasulatan muna e" sabi ni Christian. "Choobs do it" sigaw ng dalaga.

"Ano one smack sa lips lang diba?" landi ng binata. "Oo isa lang" sagot ni Rochelle kaya ang binata napanganga. Tinadtad ng kurot ni Rochelle ang binata kaya sabay sila nagtawanan. "Ano ba kasi Choobs" sigaw ng dalaga. "Okay, game" sabi ng binata kaya inayos ng dalaga upo niya.

Yumuko si Christian, "Choobs!" sigaw ng dalaga pagkat umastang hahalik ang binata. "Ano ba? Smack diba?" tanong ni Christian. "Hahahaha gupit!" sigaw ni Rochelle. "Ay oo nga, sorry nadala ako" landi ng binata kaya muli siyang natadtad ng kurot ng dalaga.

"Okay game, seryoso na ako" sabi ni Christian. "Sige na kasi para matapos na" sabi ni Rochelle kaya nagulat siya nang humawak ang binata sa mukha niya. "Wag kang gagalaw" bulong ni Christian kaya nanigas ng husto ang dalaga.

Umatras ang binata, halos matunaw si Rochelle sa lagkit ng titig ng binata sa kanya. "What?" bulong ng dalaga sa nanginginig na boses. "Sandali lang, iniimagine ko ano klaseng iksi yung babagay sa iyo" sabi ng binata. "So naging expert ka bigla ganon?" tanong ni Rochelle.

"Oo pagdating sa iyo, Rosh gugupitan kita ayon sa gusto ko" sabi ni Christian. "Ano?" tanong ng dalaga. "Wag ka nang umangal, ako naman masusunod ngayon. Stay still, eto na first cut" sabi ng binata kaya titig lang ang dalaga sa mukha ng kanyang kaibigan.

Nakaputol si Christian, ang dalaga napatingin agad sa floor pero hinawakan ng binata mukha niya. "Focus, saka mo na tignan yung natanggal" sabi ng binata palambing kaya ang dalaga nagsimulang mag init ang mukha niya. Tuloy ang pag gugupit ni Christian, ang dalaga nakaramdam na ng ginaw sa kanyang leeg kaya kagat labi siya.

Limang minuto pa umatras na yung binata, "Choobs ang ginaw ng neck ko" sabi ng dalaga. "Sandali lang, parang tama na ata...wait I want to make sure kasi alam ko naman dadalaw ka pa sa parlor. Para tipid na gusto ko sure pantay" sabi ng binata.

"Hahaha Choobs ibang klaseng pantay, its okay Choobs, they will fix it" sabi ng dalaga. "Bakit ba wala kang tiwala sa akin? We have been together for a long time, nakarami na akong sama sa parlor kaya somehow may idea ako ano ginagawa nila. May times nga na gusto ko sila buntalin kasi parang wala naman binawas tapos nauto ka naman"

"So you sit still, pero parang tama ata ginawa ko" sabi ng binata kaya ang dalaga napapangiti at nagpipigil ng tawa. Pagupit gupit ang binata, "Choobs" bigkas ng dalaga sa panerbyos na boses kaya ang binata natatawa na. "Ikaw magtiwala sa akin" sabi niya. "Parang okay na kanina e" sabi ng dalaga.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon