Chapter 57: Usapang Ama

3.2K 82 10
                                    

Chapter 57: Usapang Ama

(The following scenes are flashbacks)

Isang araw nagkaroon ng earthquake at fire drill sa kumpanya nina Frank. Sa malawak na grounds nakita ni Frank si Conrad kaya tumayo siya saka naglakad. "Dapa! Cover your head" sigaw ni Conrad kaya nagulat si Frank at mala slow motion na dumapa saka nagtakip ng ulo.

Nakita ng ibang empleyado yung nangyari kaya lahat sila gumaya at umayos ng pag aarte. Nung matapos ang drill nilapitan ni Conrad si Frank. "Pasensya na pare" bulong niya. "Ayos lang pre, long time no see, pasensya na din kasi ang tagal na natin hindi nagkita kaya medyo natuwa ako na nandito ka pala" sabi ni Frank.

"Promoted na pre" bulong ni Conrad. "Talaga? Oh my God, congratulations. We have to celebrate. My treat kasi for promotion din ako pero nauna na bonus ko" bulong ni Frank. "Gusto ko pero medyo mahirap magpaalam ka General ngayon" sabi ni Conrad.

"Akala ko ba promoted ka?" tanong ni Frank. "Sa trabaho, pero sa bahay hindi. Madali nung magkapitbahay tayo kasi nandon lang si Heneral, pero pag sa labas baka hindi pumayag si boss" sabi ni Conrad kaya tumawa si Frank. "E mukhang madali lang problema mo, ako tatawag kay Carol" sabi ni Frank.

"Sandali, alam ko na sanadali lang. Tawagin ko yung staff ko" sabi ni Conrad kaya ilang saglit may isang babeng pulis ang dumating at kinunan yung dalawa ng litrato. "Pare para mas nakakabilib dumapa ka, para kunwari pinapagalitan kita" sabi ni Conrad. "Kailangan ba talaga gawin yon?" tanong ni Frank.

"Mahirap iconvince ang heneral" sabi ni Conrad. "Ah sabagay, bigyan mo din ako kopya para isend ko din kay Rina. Para payagan din niya ako" sabi ni Frank. "Hindi ka din promoted sa bahay?" biro ni Conrad. "Hindi din e" sabi ni Frank saka nagtawanan yung dalawa.

Alas kwatro ng hapon sa loob ng kotse ni Frank, "Ayos ah, bago" sabi ni Conrad. "Company car lang, ano kasya ba yang shirt? Kumuha ako ng three sizes, sukat mo yung iba" sabi ni Frank. "Ayos na ito, pasensya na hindi ako pwede mag uniporme at nakakahiya naman kung white shirt lang pataas ko" sabi ni Conrad.

"Ayos lang, parang magkakumpanya na tayo" sabi ni Frank. "Pero mag iinuman tayo, itong suot mo may company logo niyo. Ayos lang ba?" tanong ni Conrad. "Ayos lang, suki kami doon. Pag ari ng isang client namin, pero aaminin ko first time ko pumunta don ngayon. Gagamitin natin itong mga voucher" sabi ni Frank.

"Ang dami nito, nakakahiya naman ata...worth four thousand..sobra ito" sabi ni Conrad. "E bakit nila binigay? Diba? Ilang beses na ako kinukulit nung client na dumalaw don, kada remind niya bigay ng voucher. Ayan naipon e di gamitin" sabi ni Frank kaya nagtawanan sila.

Ilang minuto lumipas naka pwesto yung dalawa sa outdoor area ng isang mamahaling resto bar. "Ganda dito" sabi ni Conrad. "Relax ka lang, ikaw naman you are too uptight" sabi ni Frank. "Pasensya na bihira ako makapunta sa ganito, baka may makakilala pa sa akin at kung ano pa masabi nila" sabi ni Conrad.

"Will you relax, VIP area ito, tignan mo o, tayo lang at yung mga tao doon sa dulo. May dedicated CR din para dito kaya you just relax my friend. Grabe apat na buwan parang ilang taon narin" sabi ni Frank. "Kaya nga e, so kumusta kayo? How is the new house?" tanong ni Conrad.

"The house is great, may pool kami" sabi ni Frank. "E di panay langoy mo siguro" sabi ni Conrad kaya napatigil si Frank. "Alam mong hindi ako marunong lumangoy" sabi niya. "Hahahaha may pool ka na, bakit ayaw mo pa matuto?" tanong ni Conrad.

"Babad babad lang, si Rina at Rico ang mahilig sa pool. Umitin nga si Rico e" kwento ni Frank. "E kumusta si Rochelle?" tanong ni Conrad. "Tsk, ewan ko pare. Medyo off siya lately. She is silent, laging nag iisa, I don't know how to talk to her kaya inaasa ko kay Rina baka may pinagdadaaan na pang babae" sabi ni Frank.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon